23. TRAPPED SERIES#3

1257 Words

[Samantha] Huminto si Samantha sa paglalakad at luminga sa paligid. Pakiramdam niya ay mayro'ng sumusunod sa kanya. Ito ang madalas niyang maramdaman simula ng manggaling siya sa police station dalawang linggo na ang nakakaraan. Dalawang linggo na rin siyang naghihintay ng tawag mula sa mga pulis tungkol sa pagkakahuli kay Zandro. May palagay siyang nakakulong na ito. Nang bumalik siya sa apartment nito ay wala ng mga gamit rito. Kaya sa palagay niya ay nakakulong na ito. Naghihintay na lamang siya ng kumpirmasyon sa pulisya subalit hanggang ngayon ay wala pa ring balita tungkol rito--- na siyang nakapagtataka. Dahil on-leave pa siya ay nagagawa niyang mamasyal at aliwin ang sarili. Namimiss niya si Wina. Ito kasi ang madalas niyang kasama sa tuwing namamasyal siya. Pero ngayon ay wala

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD