[Samantha] Naiwan siyang tulala habang sinusundan ng tingin si Zandro. Kung umasta ito ay daig pa ang nobyo niya. Iba daw magselos? Ano ang karapatan nitong magselos 'eh wala naman talaga silang relasyon? Bukod pa ro'n ay labag sa loob niya ang pagsama rito, kaya wala itong karapatan na manduhan siya. Ang gwapo ni Miguel--- No, hindi lang si Miguel. Lahat ng mga kaibigan ni Zandro ay walang itulak kabigin sa angking kagwapuhan. Hindi kaya katulad ni Zandro ay mga baliw din ang mga ito? Napailing na lamang siya sa naisip. Kung ano-ano pa ang naiisip niya. Napabuga siya nang hangin ng maalala ang kaibigan na si Wina. Kung buhay lamang ito ay tiyak na matutuwa ito sa sasabihin niya na nakita niya ang artistang kinababaliwan nito. Inayos niya ang suot na loose pants bago sinubukan

