Chapter 2

1557 Words
Pagkalipas ng ilang araw ay alas tres palang ng madaling araw ay nakabangon na sa higaan si Eloisa, dahil gagawa pa siya ng suman na kamoteng kahoy na inorder sa kanya ni Aling Nelia bukod sa sapin sapin at halayang ube na ipapadala nito sa anak pa manila. Ipampapasalubong raw ng anak ni Aling Nelia sa mga kasamahan sa dormitoryong tinutuluyan ng anak nito sa maynila, dahil doon ito nag aaral ng kolehiyo at umuwi lang para bisitahin ang mga magulang na sabay na nagkasakit nung nakaraang araw. Natuwa pa nga siya ng sabihin ni Aling Nelia sa kanya na request iyon ng may ari ng dormitory at ng mga kaibigan ng anak nito. Nasarapan daw ang mga iyon sa kanyang lutong kakanin, na minsang ipinasalubong ni aling Nelia ang kakanin niya sa anak nito ng dalawin ang anak sa maynila. "Ang aga mong gumising, anong oras pa lang ah!" sita ni Mang Nelson sa anak na dalaga ng bumangon ito para magbanyo at nakita ang anak na si Eloisa sa kusina na isinasalang na sa kalan ang mga nabalutan na ng dahon ng saging ang kamoteng kahoy na ginadgad bago matulog. Tapos na rin naman niya kaseng timplahan iyon kaya isasalang na lang niya sa kalan. "Oo tay, order ni aling Nelia ipampapasalubong raw. Maagang kukunin eh! gusto raw niya ay bagong luto pa, para raw hindi agad masira pagdating ng anak niya sa maynila." pahayag niya sa ama. "Marami ba yang nagawa mo? Kung mayron matira ay ipagtabi mo ako para maibaon mamaya sa barangay at matikman ng mga kasamahan ko ang suman mo." aning wika ni Mang Nelson. "May sobra naman po sa ginawa ko tay, sige po mamaya ipaalala ninyo bago kayo umalis." nakangiti niyang saad sa ama. "Maiwan na kita diyan at babalik pa ako sa pagtulog alas tres pa lang naman. Mag ingat ka diyan ha!." aning bilin pa sa kanya ni mang Nelson. "Sige po tay, Pagkatapos naman po nito matutulog din ako uli, pag nagising naman na si Nanay." "May mga ibibilin din po kase ako sa kanya mamaya kaya hintayin ko pang magising sya." turan niya sa ama. "O siya sige, at ako ay inaantok pa. May meeting kaming mga konsehal mamaya kaya maaga akong pupunta sa barangay." "Bumalik na kayo sa pagtulog kung ganon! para maganda ang pag punction ng utak mo 'tay mamaya sa meeting ninyo." biro niya pa sa ama na iniwan na siya sa kusina at naglakad na pabalik ng kwarto para matulog muli. Nagising si aling Susan ng alas singko ng umaga at saktong tapos na rin si Eloisa sa kanyang ginawa. Nagtimpla siya ng kape para sa kanilang mag ina at tinanong ang ina kung anong gustong kainan para sa almusal. "Mamaya na lang sabayan ko na lang ang tatay mo, mamaya rin ay gigising na rin 'yon. Ikaw ba, hindi ka pa matutulog? Tapos mo na bang lutuin lahat ang 250 piraso ng kamoteng kahoy? Yung order ni Nelia naiayos mo na ba? 150 piraso iyon di ba?" aning wika ni aling Susan sa anak. "Okay na po lahat Nay, Yung 150 po na kamoteng kahoy nakalagay na po sa bayong na ipinadala ni Aling Nelia sa anak niya kagabi, kukunin na lang yun mamaya maya. Yung 50 piraso nay para yun kay tatay ha, dadalhin niya sa barangay at may meeting daw silang mga konsehal ngayon. At yung sobra ipatinda na rin ninyo kay Jaja mamaya pag kinuha na niya yung ilalako niyang biko at kalamay." bilin niya sa nanay niya. "Matulog ka na uli at ako ng bahala rito." "Kung may itatanong ka Nay, gisingin mo na lang ako kapag importante. Tutulog na ko! Paki check na rin po Nay, kung may mag oorder online ng kakanin natin." aniya sa ina na naghihikab na sa sobrang antok. "Pumasok ka na ng silid ninyo ni Cecile at matulog ka na, Eloisa." pagtataboy ni aling Susan sa anak na ikinasunod ni Eloisa sa ina. Patulog na ang dalaga ng mag ring ang kanyang Cellphone. Hindi nakarehistro sa contact list ang numero sa phone niya pero sinagot pa rin niya ang tawag ng kung sino man. "Hello!" Ang bati niya sa caller. Pero wala naman nagsasalita o ingay siyang naririnig mula sa kabilang linya. "Hello!" ulit niyang bati dahil hindi naman na end ang call kaya alam niyang may kausap pa rin siya. Tiningnan niya ang screen ng phone niya na nagpakunot na sa kanyang noo. "Alam mo ikaw, ang lakas ng trip mo eh! Wag ako ang pagtripan mo ha! ganitong kulang ako sa tulog at pagod sa pagluluto baka uminit ang ulo ko makatikim ka ng malulutong na mura. Ang aga mong mang bwiset. Mamaya ka tumawag kung sino ka man, patulugin mo muna ako, kainis ka!" singhal na niya sa caller na hindi pa rin pinapatay ang tawag niya kaya pakiramdam niya ay pinapakinggan lang siya talaga nito para asarin. Siya na ang nagkusang i end ang call at ini off na ng tuluyan ang cellphone niya para matahimik ang pagtulog niya at wala ng makaistorbo pa sa kanya. Samantala nasa Guimaras na ang magkapatid na sina Margaret at Edgar Alminarez . Kahapon pa ng gabi nang sila ay nakarating sa Guimaras. Dapat sana ay si Edgar lang ang talagang pupunta ngunit mapilit ang kapatid na sumama. Palibhasa ay bored ang bunso nila dahil wala itong project ngayon bilang model sa ibang bansa na naka bakasyon ng anim na buwan sa trabaho. Kung di lang siya tinakot ni Margaret na sasabihin sa mga babae niya kung nasaan siya kapag may naghanap sa kanya sa kapatid ay hindi niya ito isasama. Kagabi, dahil hindi pa naman malalim ang gabi ay kinausap na muna sila ng kanilang Lolo Edgardo sa may sala habang nagkakape. "Akala ko ay bukas pa ng umaga ang dating ninyo. Mabuti at safe kayong nakarating dito mga apo. Hindi man lang kayo nagpasabi bago kayo umalis ng Manila. Ikaw, Margaret ilang araw kang mananatili rito? Yang kuya mo ay isang buwan yan dito magtitigil dahil siya ang pansamantalang magpapalakad ng manggahan natin." "Lo, kung nagsabi kaming darating ngayon masusurprise ka ba namin, syempre hindi diba!?" maarteng saad ni Margaret sa abuelo. "Matanda na ko apo para sa surprise surprise na ganyan. Baka sa kakaganyan ninyo sa akin ay atakihin pa ko sa puso n'yan." pabirong turan naman ni Don Edgardo. "Lo, kahit naman mag ootsentay anyos ka na ay malakas ka pa rin naman. Hindi nga halata sayo ang edad mo, mas mukha kang bata ng sampung taon sa totoo lang Lo." aning wika naman ni Edgar na ikinahalakhak ng kanilang lolo Edgardo. "Kaya ikaw ang paborito sa atin ni Lolo eh ang lakas mo kaseng mang uto kuya Edgar. I agree naman sa sinabi mo hindi halatang tumatanda ang lolo Edgardo, ang gwapo pa rin at makisig. Mas maganda pa nga katawan mo lolo kaysa kay Daddy na umuusli na raw ang tiyan sabi ni Mommy." natatawang turan ni Margaret sa kuya niya at sa lolo nila na lalo lang napalakas ang tawa dahil sa sinabi ni Margaret. "Pilya kang bata ka! lagot ka sa ama mo kapag nakarating sa kanya yang sinabi mo. Pasalamat ka at wala sa harap natin si Vicente ngayon." tatawa tawang wika ng lolo Edgardo nila kay Margaret. "Si Mommy may kasalanan kase sinabi sa akin na wala na raw abs si Daddy at para na raw dalawang buwan na buntis si Dad." "Ganun talaga! Si Daddy kase palaging nakaupo sa opisina niya at hindi na nakakapag work out napabayaan na ang katawan. Si lolo naman ay araw araw nakakapag exercise rito sa farm, di ba Lo!?" pagtatanggol ni Edgar sa ama sa bunsong kapatid. Na sinang ayunan ng matanda. "Kailan ka Lolo papahatid sa manila? Excited na si Dad at Mom sa pagbabakasyon ninyo kina Tita Amy. Ikaw Lo, excited ka na rin ba na makasama mo ang dalawa mong anak sa birthday mo? tapos dun ka pa sa Australia magcecelebrate ng 80th birthday mo." aning saad ni Margaret. "Mas magiging happy ako apo kung sasama ka sa amin ng mga Daddy at mommy nyo roon. Hayaan na natin dito ang kuya Edgar mo at ng hindi ma stress ng dahil sayo." Paglalambing ng matandang Alminarez sa apong babae na lihim na ikinangiti ni Edgar. "But Lolo Gardo, kadarating ko lang dito. Pwedeng give me time para makapamasyal uli ako dito sa Guimaras? gusto kong sumakay uli ng kabayo at makita ang manggahan pati gusto kong kamustahin ang mga naging kaibigan ko rito, Specially si Erin yung anak ni Mayor Bustamante." "Sure next week pa naman ang flight namin pa Australia kaya may time pa para maituro ko ang gagawin ng kuya mo sa manggahan. And speaking of Mayor Bustamante malapit na ang 25th wedding anniversary nilang mag asawa at invited ako dahil isa ako sa mga naging sponsor sa kasal nila noon at dahil hindi ako pwede sa araw na yun ay ikaw Edgar ang mag attend ng party para sa akin." Tahimik lang na tumango si Edgar sa matanda at hindi na nagsalita pa. Hindi kase siya komportable na makita uli si Erin. Ang babaeng nagsabi ng plano ng babaeng una niyang minahal ng lubos na naging dahilan ng pagkadurog ng puso niya anim na taon na ang nakalilipas. Ang babae ay walang iba kundi si Eloisa Marasigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD