Chapter 4

1955 Words
Natutulog pa si Eloisa ng ilang beses na katokin ng kanyang nanay ang pintuan ng kanilang silid ni Cecil. "Eloisa, gumising ka na at marami tayong gagawin ngayon. Kailangan ko na ng tulong mo at hindi ko ito kayang mag isa lang. Bangon na!" Pupungas pungas pa ng mata si Eloisa at umayos ng pag upo sa kanyang higaan. "Nay, gising na po ako, give me 5 minutes, babangon na din ako." aniya sa ina. "5 minutes 5 minutes ka pang nalalaman diyan, ano ka, parang si Michael lang?! bumangon ka na." angal ni aling Susan sa anak. Natawa si Eloisa sa sinabi ng kanyang nanay. "Opo, sige na po babangon na ko, Nay. Ang ingay mo eh!" at bumangon na nga siya sa pagkakahiga sa kama. Naglakad patungo sa pinto ng silid nila at nakita niya ang ina na nasa labas pa ng pintuan at hinihintay siyang lumabas. "Morning nay!" bati niya sa ina ng umagang iyon. "Morning, ayusin mo na muna ang sarili mo at ihahanda ko ang kape mo." saad ni aling Susan sa anak. Ginawa niya ang morning routine niya atsaka nagtungo sa kusina nila, na inabutan pa ang inang inihahanda ang lulutuin nitong ulam para sa tanghalian. "Magluluto ka nay ng sinigang na baboy? ang dami naman ata niyan, may bisita ba tayo?" tanong niya sa ina. "Darating ang pinsan mo, si Raegan yung anak na panganay ng tita Marissa mo. Magbabakasyon dito sa atin ng isang linggo at may project ata na binigay sa kanya ang pinapasukan niyang Marketing and Advertising Company. Ang sabi ay project ata nila ang mango farm ng mga Alminarez dito sa Guimaras at dahil malapit naman sa atin ay dito muna tutuloy si Raegan sa bahay pati ang ka work daw niya. Si Michael ay sa tabi na muna namin ng tatay mo matutulog. Kasya naman siguro sila ng kasama niya sa silid ni Michael." "Alam na po ni tatay ang pagdating ng pamangkin n'yo? Nasabi po ba ninyo na dito tutuloy sa atin, pumayag na po ba?" sunud- sunod niyang tanong sa ina. "Ay oo naman. Bago siya umalis kanina ay naipabatid ko na sa tatay mo ang bagay na yan! wala naman naging problema sa kanya. Siya pa nga ang nagsabi na ang kwarto ni Michael ang ipagamit na muna sa pinsan mo at sa kasama niya." "Kung okay naman na pala kay tatay at sa inyo eh di sige." aniya na lang kay aling Susan. "Bakit parang ayaw mo ata na dito tumuloy sa atin ang pinsan mo?" "Nay, alam ninyong hindi ko kasundo si Raegan nung mga bata pa kami. Bully yun eh, kaya inis ako sa pamangkin mong iyon!" sambit niya sa ina na pinagtawanan siya at hinampas ang braso niya. "Sus, mga bata pa kayo noon Eloisa siguradong nagbago na ang pinsan mo. Kita mo naman seryoso sa trabaho at sigurado akong hindi ka na ibubully ni Raegan dahil hindi ka na mukhang tingting ngayon. Naalala mo pa rin pala kung paano ka tuksuhin noon ng pinsan mo." natatawang wika ni aling Susan sa anak na ikinasimangot ni Eloisa sa ina. "Kapag ako ininis na naman ng pamangkin mong iyon ibabato ko sa kanya ang mga lanerang narito sa ibabaw ng lamesa nay. Kaya pagsabihan mo agad ang Raegan na yon." pagbabanta niya na ikinailing ng nanay niya. "Hayaan mo at pagsasabihan kong iwasan ka. Bilisan mo diyan at gagawa ka pa ng order ni Lucila at ng anak ni Anna." Tumango siya sa ina at binitbit ang tasa ng kape at naglakad patungo sa maliit na tindahan nila at doon na muna naglagi habang nagbabasa ng mga messages sa phone niya. Magtatanghalian na ng may dalawang lalaki na bumaba sa tricycle sa tapat ng bahay nila Eloisa. Sinilip ni aling Susan ang nagtatao po sa labas ng gate nila at nagalak ito ng makita ang kanyang pamangkin na si Raegan kasama ang katrabaho nito. "Eloisa, narito na sila!" pabatid ni aling Susan sa anak at agad na lumabas ng bahay para pagbuksan ng gate at makapasok sa bahay nila ang dalawang lalaki. "Raegan, naku ang pamangkin ko, aba at ang gwapo mo na ah, pero mas gwapo sa iyo itong kaibigan mo! Pasok kayo sa bahay at mainit dito sa labas." masiglang bati ni Susan sa mga dumating. "Tita, matagal na kong gwapo!. Si Justin po pala yung sinabi ko sa inyong makakasama ko na magbakasyon dito ng isang linggo. Si Tito Nelson po pala at sina Eloisa, andiyan po ba?" bungad na wika ng pamangkin ng ina ni Eloisa. "Magandang tanghali sayo Justin! pasok na muna kayo at mainit rito sa labas." aning wika pa ni Susan at sumunod sa kanya ang dalawang lalaki na pumasok sa loob ng bahay. "Kumusta cousin, magandang tanghali! Justin si Eloisa panganay na anak ni Tita Susan, ang ganda ng pinsan ko ano!? pero masungit yan, kaya ingat kang wag masupladahan niyan." pagbati at patutsada agad ni Raegan kay Eloisa ng makita siya nito pagpasok pa lang. Masamang tingin naman ang ibinigay ng dalaga kay Raegan. "Nay, pagsabihan mo yang mukhang trumpo na yan ha kase malaki ang ulo kaya masyadong mayabang. Hindi ka pa rin nagbabago may saltik ka pa rin!" aning saad ni Eloisa sa ina at naiinis na pinagsabihan ang pinsan. "Pikon ka pa rin hanggang ngayon!. Sorry na Eloisa binibiro lang kita! peace na tayo hindi na kita aasarin. Para hindi ka na magalit may pasalubong ako sayo." sambit ni Raegan sa pinsan na hindi pa rin maipinta ang mukha sa inis sa kanya. May iniabot na maliit na box si Raegan kay Eloisa na tinanggap naman niya. "Ano naman 'to? baka ito ay kalokohan mo na naman Raegan ha hindi kita patutulugin dito sa bahay namin kapag ito kalokohan na naman!" banta ng dalaga sa pinsan. "Sabi na ngang nagbago na nga ako! for christ sake Eloisa, ang tanda na natin para sa ganoong gawain pa!. You think na mai-stuck ako sa pagkaisip bata?" angal ni Raegan na inilingan ng ulo ni Eloisa "Bakit hindi ba malayong mangyari sa isang katulad mo!?" balik tanong ni Eloisa sa pinsan na seryosong tinignan ito. "Seryoso ka? Oh come on Eloisa!." hindi makapaniwalang sambit ni Raegan. Binuksan ni Eloisa ang maliit na box at nakita niyang gintong kwintas iyon na may pendant na hugis puso. "Maganda di ba 18k saudi gold yan, 3500 yan pwede mo bayaran ng 2 gives sa akin." seryosong sambit ni Raegan kaya sa inis ni Eloisa ibinalik ng pabato ang box sa pinsan na nasalo naman nito at ikinatawa ng lalaki. "Ayoko niyan! hindi ko yan kailangan bwiset ka!. Akala ko talagang bigay mo na, tapos papabayaran mo pala sa akin. Siraulo ka talaga! hindi ka na nahiya sa kasama mo Raegan, ipinapakita mo pa talaga mga kalokohan mo, luko- loko ka!." pikong saad ni Eloisa. "Huwag ka ng magalit napakapikon mo naman kase eh! galing yan kay Mommy, mayron din si Tita at si Cecil na ganyan, pinaaabot ni mom sa inyo. Kay Tito Nelson at kay Michael ay watch naman. Ito oh, Tita Susan. Ikaw na ang mag- abot sa kanila niyan mamaya." at inilatag ni Raegan ang lahat na padala sa kanya ng kapatid ni aling Susan. "Ito talaga ang pasalubong ko sa iyo Eloisa. Bag at wallet na ang girlfriend ko pa ang pumili para sa iyo at kay Cecil. Bag pack naman ang kay Michael, kay tito Nelson belt at sayo tita ay itong sandals. Ang sabi kase ni mom ay magkapaa kayo kaya si mom ang pumili niyan pero ako ang nagbayad." nakangiting turan ni Raegan sa kanila na ikinapagpasalamat na ng dalaga sa pinsan. "Salamat, sa itsura mong yan may nagkagusto pa pala sayo. Parang gusto ko tuloy ma meet ang girlfriend mo." pang aasar rin na pasasalamat ni Eloisa na ikinatawa ni aling Susan at Justin na ikinasimangot naman ni Raegan pero hindi na nagsalita pa "Okay na kayong magpinsan? ang haba ng kamustahan ninyo eh! Salamat Raegan at sa mommy mo, pakisabi na nagustuhan ko ang sandals ang ganda." singit na ng ina ni Eloisa sa kanilang magpinsan. "Eloisa, pakihanda mo na muna ang lamesa baka gutom na ang pinsan mo at si Justin. Pasensiya ka na iho ha, ganyan talaga silang dalawang magpinsan kapag nagkikita at nagkakasama hindi magkasundo." dagdag pang saad ni aling Susan at hinging paumanhin sa ipinakitang asal ng dalawa. "Naku wala pong problema! sanay na ho ako, kami ng mga katrabaho namin sa ugali ni Raegan! Nice meeting you nga pala Eloisa." aning saad ni Justin na nakipag handshake pa kay Eloisa na tinanggap naman ng dalaga. "Buti naman at napagtyatyagaan mo yang pinsan ko! iwan ko na nga muna kayo rito at aayusin ko ang tanghalian ninyo." Sambit ni Eloisa na tumayo na sa pagkakaupo sa mahabang sofa ng sala. "Thanks Eloisa/ Salamat pinsan." magkasabay na turan nila Justin at Raegan. Matapos nilang mananghalian ay nagpahinga na muna ang mga bisita nila Eloisa sa kwarto. Hanggang sa maghapon na ay nagpaalam si Eloisa na pupunta sa bayan at narinig siya ng kanyang pinsan. "Eloisa, pwede ba kaming sumama ni Justin? pangako hindi kita bubwisitin sa daan at magpapaka-behave ako." wika ni Raegan. "Sige na Eloisa, isama mo na ang dalawang yan para makapaglibot libot dito sa atin at hindi naman mainip." wika naman ng kanyang ina. "Wala na kong magagawa iniutos mo na, Nay. makakatanggi pa ba ko!? Tara na nga!" aning sagot naman ng dalaga sa ina at aya sa dalawang lalaki. "Ate, sasama rin ako!" habol ni Michael sa kanya. "Hindi na, walang kasama si Nanay rito at mamaya pa ang uwi ni Cecil at tatay kaya maiwan ka rito at huwag kang lalabas ng bahay. Nay, si Michael wag n'yo palabasin yan ha, hapon na!" pagtanggi niya sa bunso nila at bilin niya sa ina na tinanguan naman ni aling Susan at pinapasok ang kapatid niya sa loob ng bahay. "Mag iingat kayo!" aning bilin pa sa kanila ng ina bago sila makalbas ng gate. "Opo tiyang, kami po ni Justin ang bahala kay Eloisa." pasigaw na wika ni Raegan. "Parang tunay ah! Iligaw ko kaya kayong dalawa." pagbibiro ni Eloisa. "Cousin, hindi mo kami maliligaw rito kase lumaki rin naman ako sa lugar na ito. Lumipat lang kami nila Mom at Dad dahil nasa Manila ang pamilya ni Dad at doon siya nakakuha ng magandang trabaho after niyang mag for good bilang ofw sa saudi." pambabara naman sa kanya ng pinsan. "Oo nga pala!" aniya na lamang sa sinabi ng pinsan na nginitian na lang ni Justin. "Ang sabi ni Nanay may project kayo dito para sa Advertising Companies na pinapagtrabahuhan ninyo?" seryosong tanong ni Eloisa. "Yeah, sa amin pinapagawa ang interview sa may ari ng Alminarez Mango Plantation at sa may ari ng Hacienda Montecarlo para sa next project naman ng magazine. Kilala ang Guimaras na may matamis at masarap na mangga at isa sa mga magagandang hacienda rito sa pinas ang hacienda Montecarlo na pagmamay ari ng pamilya ng isang sikat na actor na si DJ Montecarlo." aning sagot ni Justin sa kanya. "Kaya kami magtatagal ng 1 to 2 weeks rito dahil ang sabi ay mahirap hingan ng interview ang mga Montecarlo. Pero kung makuha naman agad namin ang interview sa kanila ay babalik rin agad kami ng Manila ni Justin." pahayag ni Raegan. "Ah okay! medyo hindi kase maganda ang ugali ng matandang Montecarlo kaya baka nga mahirapan kayo mapapayag yun pero kung si Don Edgardo naman ang alam ko paalis siya pa manila o abroad kaya dapat agapan ninyo na makausap ang don." komento naman ni Eloisa. "Pwede ba kaming magpasama sayo bukas sa manggahan nila?" tanong ni Justin kay Eloisa na natigil sa paglalakad at hindi agad makasagot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD