Cym's PoV Muli kong binasa ang nakasulat sa papel dahil hindi pa rin ako makapaniwala sa aking nababasa. Bakit nagsinungaling sa akin sina Mom at Dad, pati na rin si Kuya? Alam rin kaya ni Bes at ni Vey ang tungkol sa bagay na ito? Gulong- gulo ang isip na ibinaba ang papel sa lamesa. "C- could y- you just ex- plain eve-ry-thing to me?" pilit kong bigkas dahil tila nawalan ako ng lakas na isulat sa writing board ang nais kong sabihin Pinagsalikom ng binata ang kanyang mga kamay at matamang tumingin sa dalaga. " As I told you before, You are my wife and Baby Sam is my daughter. We got married when you were 18 years old. You were on the 3rd year of BS Landscape Architecture and we were schoolmates. After 5 years we got married again for formality." kunot ang noo sa mga kinwento nito

