SA BAHAY NG MGA MEJIA "Charles, wala pa bang balita kung nasaan ang kapatid mo at ang anak niya?" nag-aalalang tanong ng ina ni Cym " Wala pa ma but aside to the police, we also hired private investigators para mapadali ang paghahanap natin sa kanila." sabi ni Charles Lahat sila ay balisa dahil ilang araw ng nawawala ang mag-ina. Kahit na tinawagan na nila si Major Ramos ay wala pa rin silang lead kung nasaan ang mag-ina. "Liam, magpahinga ka na muna. You barely, sleep. Baka magkasakit ka naman niyan." anang ina ni Cym "I'm fine, tita. Don't worry about me, We have to find them immediately. Baka ano ng nangyari sa kanila." sabi ni Liam na nakaupo sa sala. Nangangalumata na ito dahil halos hindi ito makatulog sa labis na pag-aalala sa fiancee at sa itinuturing na anak. Halatado ang da

