"Ano na naman ba problema ng lalaking yun? Asawa niya hindi niya man lang tawagan pero ang kompanya at ang tatay niya nakakatanggap ng update. May saltik talaga sa utak yun eh." Naiinis na sabi nito Parehas kami ng tanong. Hindi ko alam ang dahilan bakit sa loob lamang ng isang linggo ay tila nagbago ang asawa. Maayos naman ang pag-alis nito. nangarap pa kami na bubuo ng isang masayang pamilya. Pero ano to? Siguro ito na yun kung bakit ang bigat ng loob ko ng araw na umalis siya, na tila ayaw ko siya paalisin ng bansa. Tila balon na umapaw at muling dumaloy sa pag-agos ang aking mga luha. Hindi ko na namalayan na naktulog na pala ako sa pag-iyak. Harvey's POV " Hoy, Harvey nasaan ka?" nagising ako sa tawag ni Glydel. Unti-unti Kong naramdaman ang pagkamanhid ng aking kaliwang kamay

