Napadalas ang pakikipagkita sa akin ni Mr. Beaufort, minsan sa opisina, maggolf Pero madalas sa bahay nito. At sa palagi Kong pagsama dito ay isang bagay ang nalaman ko na wala sa mga artikulo. Kahit na walang Mang masasabing sariling pamilya ang matanda ay itinuturing niyang sariling anak ang pamangkin na si Adriana Willems. Bunsong kapatid Niya ang nanay nito at naikwento nito na lumaki Silang salat sa yaman, maaga Silang naulila kaya siya ang nagtaguyod sa kanilang dalawa na magkapatid. Kaya mahal na mahal Niya si Adriana, lahat ng NAIS nito ay ibinibigay Niya at pinapayuhan na parang Isang tunay na ama. Gaya ng mga nauna nilang pagkikita ay palagi na itong sumasama sa uncle nito. " I never see her being obedient before and I like it. She's acting like a mature woman now." Nakangit

