-Flashback- Six months makalipas ng umalis ito ay wala na akong natanggap na kahit na anong balita mula sa kanya, kung kaya't nagpasya na akong kumuha ng private investigator. Makalipas lang ang ilang araw ay nabigyan na ako ng pormasyon ng aking informant at natagpuan na nga si Cym agad akong pumunta doon. Dinala nga ako ng aking mga paa sa Park Avenue,NY. Pinuntahan ko ang lugar kung saan siya nanunuluyan ngunit nakalipat na raw ito. Dala ng panlulumo ay naglakad ako patungo sa isang parke. Naupo ako doon ng halos kalahating oras at nagpasyang umalis na. Habang naglalakad patungong crosswalk ay tila may naririnig akong isang pamilyar na boses. "Aiden! Aiden!" Naiiling akong tumawid dahil feeling ko naghahallucinate na ako dahil sa pagnanasa na makita siya. Paliko na ako sa isang kan

