Chapter Twenty Chapter 25 Aiden's POV Tila nabingi ako sa tinanong nito sa kanyang ina. Galit pa rin ba siya sa akin para magkunwaring hindi ako nakikilala. Pero mababanaagan mo sa kanyang mukha ang clueless. "Cym, hindi mo na ba ako natatandaan. Ako to si Aiden ang as---" Hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil agad akong hinila ni Harvey palayo. "Excuse me po tita,tito. Kausapin ko lang po muna siya. Cym, our old friends are also here. Kanina ka pa nila hinahanap." makahulugan nitong tingin kina tito at tita saka itinuro kay Cym ang lugar kung nasaan ang kanyang dating kaibigan. "Come on, let's greet your friend. I'm sure they are glad to see you again." yaya sa kanya ni Tito at nagtungo sa pwesto ni Glydel. Kumuha ng dalawang wine glass at isang bote ng wine si Harvey ba

