Liam's PoV Nagpaalam lang si Cym kanina na bibili ng makakakain sa ibaba pero hanggang ngayon ay wala pa rin ito. Kinatok ko si Rita sa kanyang kwarto para bantayan saglit si Samira saka ako bumaba at hinanap ko ito sa restaurant. Wala siya doon at nagpunta ako sa lobby, ngunit maging doon ay hindi ko siya makita "Kawawa naman pala si Sir no. Bakit ba siya nagpunta sa view deck? Anong ginagawa niya dun walang ilaw doon tska hindi nga tayo nagpaakyat kanina eh." dinig kong usapan ng dalawang babaeng staff ng hotel. "Mayayari si Norman niyan kasi pinayagan niya ang guest na umakyat doon. Balita ko Big shot si Sir, mas lalong yari" "Excuse me, Pwede ba matanong kong nakita na yung nawawalang guest?' sabat ko sa pag-uusap ng dalawa. "Oo sir, nakita na po kani-kanina lang. Andami niya nga

