..Lunch Break..
By the way class I would like you to know that before we end this semester our class will having a class collaboration together with BS Architecture students. thats all,Class dismiss" at umalis na ang prof namin
Naexcite naman ang lahat dahil sa narinig na balita mula sa kanilang guro
Habang inaayos ko ang gamit ko sa bag ay kinalabit ako ni Glydel na nasa tabu ko na pala.
"Psst. Mare, may chupapi na kanina pa nakatingin sayo." Sabay nguso sa may pinto.
Nakita ko dun si Harvey na malapad na kangiti sabay kaway
" Hindi na muna ako sayo sasabay maglunch mare, mukhang may kasabay ka nang masarap na ulam este chupapi" hagikgik nitong sabi sabay kiliti sa aking tagiliran
"Gagi, chupapi ka dyan" natatawa ako sa pagkiliti niya
"Sige na mars, una na ko at hahanapin ko pa ang aking love of my life. Enjoy!"
Kinindatan pa ko ng bruha.
" Tara na, " kinuha niya sa akin ang bag ko na tinanggihan ko.
"Pumayag na ba ako?" Masungit kong tanong
" Oo, kasi sumabay ka na sa akin eh" loko talaga to
" Can you just let me bring your bag?"
"Kaya ko, ako na"
"I insist" pamimilit nito
Sa huli binigay ko na rin kesa naman mangulit ng mangulit
Habang naglalakad ay hindi maiwasan na mapatingin sa amin ang ilang estudyante dahil kay Harvey na dala dala ang bag ko habang napakalapad ng ngiti
" Pwede ba tigilan mo yang ginagawa mo, nakakairita." Naiinis na ko sa kanya kasi nahihiya na ko lakas makaagaw ng atensyon.
" Bakit? Ano na naman ginawa ko masama.?" Painosente nitong tanong
"Ewan ko sayo"
Pumila na kami para bumili ng aming lunch. Kinuha ko muna ang aking bag sa kanya para kunjn ang wallet ko
" Ako na magbabayad, its my treat . just wait for me" agaw ni Harvey nung akmang magbabayad na ko
" Ikaw bahala." Saka ko ibinalik ulit ang wallet ko sa bag
Siya na nagdala ng tray. Pumwesto kami sa may pinakagilid malapit sa bintana. Crowded ang cafeteria pero mas gusto ko pa rin kumain dito kesa sa mga fastfoods.
Itinali ko muna ang aking buhok to a messy bun before I start to eat.
" Architecture pala course mo? Anong year mo na?"
" 4th year. Ikaw? Architecture ka rin di ba? Anong year mo na?"
" Landscape Architecture ako. 4th year n rin"
" Wow. Meant to be talaga tayo, sabi ko na nga ba ikaw ang itinadhana para sa akin" exaggerated nitong sabi sabay kindat
Natawa naman ako dahil alam ko na biro lang ang sinasabi nito.
" Baliw. Anong itinadhana , baka itinadhanang papatay sayo"
Magaan kasama si Harvey
Napakakalog neto at the same time gentleman.
Madalas ko siyang kasama, tuwing breaktime o kaya vacant. Napakilala ko na rin siya kay Glydel at komportable na rin sila sa isat isa.
Maaga ako umuwi ng bahay dahil wala naman kami klase ng hapon since may inattendan na meeting ang mga prof namin. Pasado alas dos na iyon ng hapon kaya nagpasya akong matulog muna sa aking kwarto. Naligo muna ako sandali at saka nagbihis.Sleeveless na puti at dolphin shorts ang isinuot ko dahil sa alinsangan ng panahn. Hindi ako nagsusuot ng sando at short kapag nandto si Aiden. Tinitiis ko lang magsuot ng Tshirt na maluwang kahit na init na init na ako kapag kaharap ko siya. Kaya kapag nasa kwarto ako ganito suot ko, nagdodoble lang ako kapag lalabas na ako ng aking kwarto.
Naalipungatan ako sa mga yabag na naririrnig ko mula sa labas ng aking kwarto. Bigla akong napabangon ng maalalang nakalimutan kong ilock ang pinto.
"s**t, nakalimutan kong ilock ang pinto sa baba, baka gahasin ako"
agad akong lumabas ng pinto at naabutan ko si Aiden na isinasara ang pinto mukhang kakauwi lang nito.
"Pang- ilang beses ko nang naabutang hindi nakalock ang pinto, gusto mo ba tayong masalisihan?" naiinis na sabi sa akin ni Aiden pagkatapos nito isarado ang pinto at ibinaling ang tingin sa akin habang hawak pa nito ang mga folder sa kamay.
"Sorry, nakalimutan ko kasi. Hayaan mo next time idodouble check ko na bago matulog. " Paumanhin ko sa kanya pero papahina ang boses ko habang inasabi iyon dahil napansin ko na mula sa pagkainis ay nagbago ang ekspresyon nito sa hindi ko maipaliwanag at ng makabawi ay iniwas ang tingin sa akin.
"You better start cooking our dinner, it's already 6 in the evening" litanya nito na hindi ako tinitingnan at tuloy tuloy na pumasok sa kwarto nito na katabi ng akin.
Habang ako ay naiwan na naguguluhan sa aking pwesto. Agad ako pumasok sa aking kwarto para magsuklay ngunit tila tinablan ako ng kahihiyan ng makita ko ang aking sarili sa salamin. Nakalimutan kog nakasando at nakamaikling shorts pala ako, partida wala pa akong bra natanggal ko pala habang natutulog ako.
Napahilamos na lamang ako dahi sa kahihiyan na nangyari sa akin. Kumuha ako ng isang maluwag na puting Tshirt at nagpajama na rin ako saka bumaba para maghandang amin makakain.
Mabilis na lumipas ang araw at Midterm na namin.
"Listen everyone. Katulad ng sinabi ko sa inyo last time. Magkakaroon ng collaboration projects ang BS Landscape Architecture sa BS Architecture. Your group must have 4 members; 2 students came from here and the other 2 came from the students of archi. Kayo na bahala pumili ng kagroup niyo. Next week, magkakaroon tayo ng meeting together with other class sasabihin ko ang magiging project niyo for this sem. Thats all, class dismiss."
(note: wag po kayo malilito sa BS Architecture at sa BS Landscape Architecture. Ang Architecture ay for construction and building while Landscape Architecture ay planning and designs of environment like plants na nilalagay sa mga gardens basta more on nature siya. )
Âfter a week nagkaroon ng meeting sa function hall kasama ang klase nila Harvey. At napagdesisyunan na si Harvey,kaklase nito na si Denver, Glydel at ako ang magkakagrupo. Kailangan namin gumawa ng isang Diorama ng subdivision na may park, country club at iba pa.
Andito kami ngayon sa isang bench sa ilalimng puno ng acacia kung saan marami ring mga estudyante ang nakatambay. Pinag uusapan namin ngayon ang aming magiging projectat sa loob ng isang oras na pagmemeeting namin ay wala pa kmi nauumpisahan dahil wala sa agenda namin ang nagaganap.
Si Glydel ay walang ibang ginawa kundi ang makipaglampungan kay Denver habang itong si Harvey ay ML ng ML.
"Back Back back, mga bobo!" daldal pa ni Harvey habang naglalaro.
Napaismid na lang ako at kumuha ng lollipop sa bulsa ng bag ko at tumabi kay Harvey para tingnan ang nilalaro nito.
"Isa ka rin namang bobo eh, mali ang set mo, hintayin mo mga kakampi mo. hindi ka core. " sabi ko habang nasa bibig ko ang lollipop
"Yabang naman nito baka buhatin pa kita dyan eh"
"Baka puro ka lang yabang"
"Multi-role kaya ako, baka nga mainlove ka pa sa akin eh kapag nalaman ong magaling ako" sabay kindat pa nito sa akin.
Napaingos ako dahil sa ginawa nito.
" Ewan ko sa yo, tapusin mo na yang isang game para makapag umpisa na tayong makapagplano. Maya na lang yan, duo tayo. "
"Sige. akin na nga lang yang lollipop mo."
kinuha nito ang hawak kong lollipop at bigla nitong isinubo ng hindi man lang ako tiningnan ngunit nakangiti ito habang naglalaro.
AIDEN'S POV
Phone Rings..
Alessia calling...
"Hello, babe?"
"Hello babe, medyo malalate ako sa meet up natin wag mo na ko puntahan sa studio, may dadaanan pa kasi ako. Kita na lang tayo sa bench na lagi nating tinatambayan sa may acacia."
"Ok, i'll wait for you there. Bye"
It's only 3 in the afternoon, dumaan na muna ako sa library para manghiram ng libro saka dumiretso sa bench na pagkikitaan namin ni Alessia.
Umupo ako sa isa sa mga benches na nakapalibot sa puno.
Binuklat ko ang librong hiniram ko sa library nang marinig ko ang boses ng mga nag uusap
"Back Back back, mga bobo!"
hindi ko ito pinansin at nagpatuloy sa pagbabasa.
"Isa ka rin namang bobo eh, mali ang set mo, hintayin mo mga kakampi mo. hindi ka core. "
Narinig ko ang isang pamilyar na boses kaya hindi ko napigilan ang akng sarili na silipin ang nasa kabilang bench.
Nakita niya Si Cym katab yung transferee habang may nakasubong lollipop.
Hindi na ako makapagfocus sa aking binabasa kaya pasimple na lang akong nakikinig sa kanilang pinag uusapan habang palihim na nakatingin.
"Yabang naman nito baka buhatin pa kita dyan eh"
"Baka puro ka lang yabang"
"Multi-role kaya ako, baka nga mainlove ka pa sa akin eh kapag nalaman ong magaling ako"
Nakita ko ang pagkindat nito kay Cym at may panibagong nararamdaman ako na tila sumisibol sa aking puso na pilit kong iwinawaksi. Nakatalikod sa akin si Cym kaya hindi niya ako kita at isa pa nasa likod na parte ako ng puno nakapwesto kung kayat hindi pansinin ang aking pwesto.
" Ewan ko sa yo, tapusin mo na yang isang game para makapag umpisa na tayong makapagplano. Maya na lang yan, duo tayo. " sabi nito sa kausap na lalaki
"Sige. akin na nga lang yang lollipop mo."
Bigla nitong kinuha ang hawak na lollipop ni Cym at saka isinubo. Kitang kita niya pa kung paano ngumiti ang lalaki dahil sa ginawa nito.
Sa sobra kong inis ay bigla kong ibinagsak ang hawak kong libro.
"Hey, babe? anong problema?" nag aalalang tanong ni Alessia sa malambing na boses
Nagulat ako sa presensya niya. Hindi ko napansin ang paglapit niya dahil sa pakikinig sa usapan nila Cym.
"Ah, wala babe, kanina ka pa?"
"No. kararating ko lang. Ano pala ang tinitingnan mo dyan?" akmang sisilip si Alessia sa kabila ngunit bigla kong pinigilan upang hindi kami mapansin ni Cym
"Ano kasi, tinitingnan ko kun may mga hantik ba sa puno, kinagat kasi ako kanina." palusot ko
lame lies Aiden. Sinisi mo pa ang hantik na walang kamalay malay
"Tara na, may klase ka pa ba?" kinuha ko ang hawak niyang mga folders
" Wala na, babe pero may group study kami kina Sam ngayon." yumakap pa ito sa akin
"Ganun ba, hatid na lang kita sa kanila. May klase pa kasi ako ng 4."
Inihatid ko si Alessia sa bahay ng kaklase niya saka ako bumalik sa school para sa aking huling klase.
Habang nasa hallway patungo sa gate ay kinuha ko ang aking cellphone para itext si Alessia. Pagkatapos ay ibinalk ito sa aking bulsa. Napabaling ang aking tingin sa labas ng gate kung san naroon si Cym at si Bobo gamer na nagtatawanan.
Matapos ang kanilang pag-uusap ay sumakay na rin si Cym sa puting sasakyan ng lalaki.
Pumunta ako sa parking lot at sumakay sa aking sasakyan. Ayaw ko na muna umuwi ng bahay kaya dumaan na muna ako sa opisina ni papa sandali .
Kinumusta ko lang si papa and after a couple of minutes ay malis na rin ako. Exactly 7:30pm ay nakarating na ako sa bahay. napansin ko na parang wala pang tao sa bahay dahil wala pang nakabukas na ilaw.
And my guess is right. wala pa nga si Cym