Chapter 7

1332 Words
AIDEN` S POV Nagising ako sa mabangong amoy na nanggagaling sa kusina. Dahil dito ay bigla akong nakaramdam ng gutom. Naalala kong hindi ako nakapag hapunan kagabi. Agad akong naghilamos at nagtoothbrush bago bumaba. Doon ay naabutan kong naghahanda ng almusal si Cym. "Good morning! tara kain na tayo." yaya nito sa akin. Nagtimpla muna ako ng kape bago umupo sa kaharap nitong upuan at nagsimula ng kumain. Magana akong kumain dahil na rin siguro sa gutom na aking nararamdaman. Nang matapos kami kumain ay nagkusa na ako na punasan ang lamesa. Papunta na ako ng sala ng tawagin niya ako. "Aiden, kasi- ano-, pwde bang patulong naman dito. barado kasi yun lababo" tawag nito habang kinakamot ang kanyang batok Lumapit siya sa pwesto nito. "Tingnan mo oh, ayaw bumaba ng tubig" sabi nito habang sinusubukan bombahin ang lababo gamit ang kanyang palad. "Patingin nga. " Bigla kong hinawakan ang kanyang kamay para sana ito tanggalin sa butas ng lababo pero hindi ko na ito binitiwan habang chinicheck ang sira ng lababo. Hindi ko alam kung ano ang aking ginagawa at tila may sariling isip ang aking mga kamay. Masuyo ko iyong pinisil saka pinakawalan. May kakaiba akong nararamdaman sa tuwing nahahawakan ko siya. Tila may buhay na kuryente na nanggagaling sa katawan nito at masarap sa pakiramdam. Yumuko ako at binuksan ang kabinet sa ibaba para ayusin ang baradong tubo. "Pakikuha nga yung box na lagayan ng mga tools sa garahe." utos ko habang tinitingnan kung saan banda ang may sira agad naman nitong kinuha ang kanyang inutos at inilabas lahat ng kakailanganin niya. "ilawan mo nga ko" utos ko habang ibinabalik ang tubo Kinuha nito ang flashlight na nakalagay sa box at inilawan ako "Lumapit ka pa, d ko makita" utos ko ng mapansin na malayo ang distansya namin. Naayos ko na ang tubo ng at papatayo na sana ngunit hindi ako makaalis sa aking pwesto dahil nakaharang ito sa maliit na pinto ng cabinet. "Uy, Cym kanina pa ko tapos" sinundot ko siya sa kanyang bandang tagiliran para agawin ang atensyon nito "Ay, full package bebe ko" nasabi nito ng gawin ko iyon "Ano?" Takang tanong ko dito "I mean, may tinatawag na full package biko na ibinibenta sa malabon, may kasama na kasi yung sapin sapin,bibingka, cassava." ani nito saka ini-off ang flashlight na hawak at tumayo "Tapos?" "Parang gusto ko ulit bumili" "E di bumili ka." Sabi niya habang isa isang nililinis ang kanyang ginamit " saka na lang hehe. Sige na ako na dyan maglinis ka na ng katawan mo ako na to." Tumayo na ko at pumunta sa kwarto para sa mabilisang ligo. Nang bumaba ako muli ay naglilinis pa ito sa kusina. Binuksan ko ang tv at umupo sa sofa. Narinig kong nagring ang cellphone nito. "Oh Harvey napatawag ka?" Sagot nito Biglang nagpanting ang aking tenga ng marinig ko kung sino ang tumatawag dito So,Harvey pala ang pangalan ng bobong gamer na yun Napatingin ako sa gawi ni Cym at agad ko ring binawi ng mapansin nitong nakatingin ako sa kanya "Oo, di ko nakakalimutan. Yan lang ba tinawag mo? Aga mo mambwesit?" huli kong narinig na sabi ni Cym sa kausap nito dahil nagtuloy na ito sa hardin Nawalan ako ng ganang manood kaya pinatay ko na ang tv at tumambay sa aking kwarto. Agad kong kinuha ang aking cellphone at tinawagan ang isa sa kakilala kong nagsstudent assistant sa admin department ng school "Hello Drew, pwde mo ba hanapin ang student information nung bagong transferee, pangalan niya Harvey. I need it now. Salamat" saka pinatay ang cellphone ko. Binuksan ko ang aking Laptop para i revise ang request letter para sa ojt na gagamitin ko., By next month mag oOJT na ako at mas gusto ko na magTry sa architecture company nina Cym. Ayaw ko sa kompanya namin since alam ko na ang pasikot sikot doon at gusto ko magstart sa kompanyang hindi ako kilala para walang special treatment. Naipaalam ko na rin naman ito kay dad pati na rin kina tita at tito. Matapos kong gawin ang files ay tumingin ako sa marketplace ng f*******: kung saan makakabili ng full package na kakanin na sinasabi ni Cym kanina. Saka ako tumingin sa grab at food panda kung meron. Abala ako sa aking ginagawa ng tumawag si Alessia. Kagabi ko pa pala siya hindi natetext or natatawagan. "Hello,hon. sorry Hindi kita natawagan kagabi maaga kasi ako nakatulog." Medyo nakokonsensya ko dahilnakakalimutan ko na siyang itext or tawagan. " Its ok hon. Ano pala ginagawa mo today?" malambing na sabi nito sa kabilang linya "Gumagawa ako ng request para sa OJT ko next month kailangan na kasi sa monday. Pero patapos na rin naman ako" "ok. Pwede mo ba akong samahan mamayang after lunch? May audition for Odete role kasi akong sasalihan sa isang stage play sa CCP" "Yes hon, see you after lunch. Love you" " thanks hon. Love you too." Saka nito pinatay ang linya. Bigla naman tumunog ang messenger notif ko. Isinend ni Drew ang info na pinapahanap ko sa kanya. Harvey Carter,22, 4th year student of Bachelor of Science in Architecture. So, related pala sila ni Cym ng course Maya maya pa ay tinawag na ako ni Cym para kumain. Nagpaalam ito na may pupuntahan na group study alam ko naman na ang kasama niya ay si Harvey. Saktong 1pm ay umalis na ako ng bahay. Hindi na ako nagpaalam pa. Dinaanan ko muna si Alessia at pumunta kami sa CCP para sa audition nito. 3pm na ng matapos ang event, Kumain lang kami sa labas saka ko siya inihatid. Matapos ihatid ay pumunta ako sa lugar kung nakita kong nagbebenta ng assorted na kakanin in a box yung tinatawag ni Cym na full package at umuwi. 5pm ng makarating ako sa bahay dahil d ko expect na medyo malayo ang tindahan na akjng napuntahan. From QC to Malabon dagdag pa ang traffic. Inilagay ko iyon sa loob ng ref at umakyat na sa aking kwarto. Pasado alas siyete ng gabi ng dumating ako sa bahay mula sa group study namin. As usual, nagpumilit na naman si Harvey na ihatid ako. Nang dumating ako ay patay ang mga ilaw sa pag aakala na wala pa si Aiden kaya nakahinga ako ng maluwag. Dumiretso ako sa kwarto para maligo pagkatapos ay pumunta sa aking study table para tapusin ang aking request. I decided na sa archi company na lang namin ako mag- apply since our company had the best architects in the Philippines. Ginawa ko na rin ang iba ko pang school works para bukas ay review na lang ang aking gagawin. Kinuha ko ang aking cellphone ng tumunog ang notif ng aking messenger. Harvey : Favor nga chubs. Me: ano yun? Harvey: Di ba pagmamay ari niyo ang La Majeste Architecture Inc.? Me: Oo, bakit? Harvey: Pwde mo bang ipasa yung request for ojt ko sa daddy mo. Me: Cge, sabihin ko kay dad pero mas maganda next week kausapin mo si dad ng personal Harvey: Thanks chubs. Good night Me: ? Biglang kumulo ang tiyan ko at ng tingnan ko kung anong oras na ay pasado alas onse na kaya bumaba ako para tumingin ng makakain. Nang buksan ko ang ref ay nakita ang isang box na parehas sa kinain namin nila Glydel na mula pa sa Malabon. Saan kaya galing to? Impossibleng binili to ni Aiden dahil lang dun sa sinabi ko. O baka pinadala nila mommy, bahala na sila dyan nasa ref ibig sabihin pwdeng kainin Inilabas ko ito at kumuha rin ng tubig. Sarap na sarap ako sa pagkain na halos makalahati ko na ito ng ibalik sa ref. Nagsalin muna ako ng gatas sa isang baso at saka umakyat Sa aking kwarto. Habang sa isang dulo ay matamang nakasilip si Aiden sa kusina at nakangiti dahil nakita niyang nasiyahan si Cym sa dinala niyang pagkain. Nang makita niya na patapos na si Cym sa pagkain ay agad siyang umakyat upang hindi siya maabutan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD