Liam's PoV Nang makaalis si Mother Cristy ay siya naman ang pagdating ni Adrianna. Balot na balot ang katawan maging ang buhok nito ng Habit. Ibang iba ito sa Adrianna na nakilala ko na laging naka skirt, pants at nakatube or croptop. "How are you, Liam!" naging pino na rin ito magsalita na hindi gaya ng dati na laging naka sigaw at napaka bratenella. "Ikaw? Kamusta?" tanong ko rito "I'm very fine. By the look in your eyes I can see you're surprised" nakatawa ito "Sort of. Who would expect a spoiled brat to end up in a monastery?" nakatawa kong sabi dito Bahagya rin itong natawa sa sinabi ko "Kamusta ka? What happened? I haven't heard anything from you?" tanong ko rito dahan dahan kaming naglakad patungo sa likod ng monasteryo "After Aiden broke the marriage agreement I stayed at m

