---- Matapos niya akong pakawalan ay mabilis akong pumasok sa aking kwarto. Mabilis ang pagtibok ng aking puso. Parang lahat ng sakit na nilikha niya ay nawala na lang bigla na parang isang bula. Gusto ko siyang patawarin, pero pagkatapos nun ano na? Balik sa dati? Ipinilig ko ang aking ulo. Ayaw ko na maging martir masyado ng matagal ang isang taon na pagtitiis ko. Pagkatapos kong grumaduate ay pipilitin ko sina mommy at daddy na mag aaral ako ng Masteral sa ibang bansa para makalayo ako sa lalaking ito. ..Three Weeks before graduation.. Mabilis na lumipas ang mga araw. Ilang linggo na lang ay makakapagtapos na rin ako. After ng incident na iyon ay para kaming nagbalik sa pinakaunang araw ng aming pagsasama. Walang pag-uusap, walang imikan, at tila kami housemates sa iisang bahay

