Cyms POV Pagkatapos ng komprontasyon namin ni Aiden ay niyaya ko muna si Harvey na magmall, gusto kong itago sa parents ko lalo na sa mama ko ang namumula kong mata sanhi ng labis na pag-iyak. Mamayang gabi pa naman ang flight ko at konti nalang naman ang aayusin ko kaya may oras pa ako mamaya. Papunta kami ngayon sa mall nang tumunog ang aking cellphone. "Hello Bes" "Bes, bakit hindi mo sinabi na hindi ka na namin kasabay ggraduate. Andaya mo naman. Kelan na ang alis mo?" Si Glydel ang nasa kabilang linya. "Sorry bes, nawala na sa isip ko dahil sa dami ng nangyari. Mamayang gabi na flight ko." Sumusulyap sulyap sa akin si Harvey habang nagddrive wari gustong makinig sa pag-uusap namin ni Glydel. "Mamaya agad?huhuhu. Bakit ambilis naman. Teka, asan ka ba ngayon? Let's meet up for o

