Chapter 103 LIAM'S POV Nakarating kami sa dulong bayan ng San Andres pasado Alas otso na ng Umaga. Hindi ko inakala na ganito kahaba Ang magiging byahe Namin. Nakakapagod at masakit sa pang upo ang napakahabang biyahe. "Welcome to San Andres!" bati ni Rica Napakapayak ng pamumuhay dito. Maliit lang ang bayan, magkakatabi ang eskwelahan, at simbahan sa gilid na bahagi ay ang pamilihan nila. Bumaba kami sa bus at pinauna ko ito dahil Hindi ko alam Ang mga susunod na pupuntahan. "San na Tayo pupunta?" Tanong ko rito "Punta muna Tayo sa bahay ng tita ko bago Tayo umakyat ng bundok, andun ang Bahay ng Lola ko" Sabi nito Habang naglalakad ay kita ko Ang mapanuri nilang tingin, marahil ay nagtataka na may estranghero sa kabilang Lugar. "Huwag mo na sila intindihin, sa katunayan.May mga F

