CHAPTER 2: MISUNDERSTANDING (1)
Nandito na ko sa condo ko ngayon at di na ko nakakuha ng card. Sa sobra kong pagi-ingat na makita kami ni Akhie ng mga paparazzi, naka kasulunong naman ako ng taong hinahabol ng mga paparazzi.
I was amaze. Literally amaze. Isa pala syang riding artist? No. Hindi lang rising. Sikat na talaga sya. I wonder that's why he does look familiar.
“Crizta calling…”
Natigil ako sa pagiisip ng biglang mag ring ang phone ko at nakapaskil roon ang ngalan ni Crizta.
“Prob?” walang buhay kong tanong kay Crizta bago nahiga sa kama ko.
“O.M.G, Girl!!!” marinding bungad nya. Nailayo ko ang cellphone ko sa tenga ko sa lakas ng sigaw ni Crizta. Grabe naman to, pang 1 year akong di nakausap.
“Binabatikos ako ng tanong mga fans at marites sa mga accounts ko.” pasunod nyang sabi. Ano naman kayang kinalaman ko don?
“And?”walang buhay kong tanong, really? Wala naman akong kinalaman don.
Crizta is an famous influencer, kaya't hindi ko alam kung bakit sya binabatikos.
“Girl kase naman, habang nagla-live ako nakita kita. So kumaway ako sayo..." kahit hindi ko nakikita ay ramdam kong kumakaway sya sa kabilang linya at minumustra ang kanyang kwento. "...and telling my viewers, Here come’s my bestie Akhira. Then kitang kita sa live nung nagka bugguan kayo ni Shion at hinigit ka nya palayo, ngayon tinatanong nila sakin kung ano connection nyo. Argh!!! Ayoko naman sumagot kase mamaya pagalitan ako nina Daddy and Tito Achilles.” sa haba ng paliwanag ni Crizta di ko na sya sinagot at binabaan ko nalang ng phone sa sobrang pagmamadali.
Isa lang ang naiintindihan ko. Mamamatay ako mamaya.
Halos takbuhin ko ang daan papuntang elevator pero pagka-bukas na pagkabukas ng elevator nakita ko agad ang may karamihang paparazzi sa may pintuan pero pinipigilan sila nung guwardya na maka pasok. Mahigpit ang pagbabatay ang iginagawad nila bukod sa patakaran ay matataas at kilalang pamilya o tao ang nag-istay dito.
Nung tumingin sakin ang isang familiar na babae na isa doon sa mga paparazzi, binilisan ko agad ang pag sara ng elevator. I wonder... Why does she looks, so... Familiar?
This what I hate. I need my dad now. I can't handle things like this.
As I enter my room, I call Arkhin. He's the only person i know that can do something. Except kay Akhie.
“Sh*t, ate you’re on television right now.” yan agad ang bungad nya sa akin ng sagutin nya ang tawag.
“Yeah I know, andaming paparazzi dito sa labas. Can you help me?” walang paligoy kong tanong. Si arkhin ang tinawagan ko at hindi si Akhie kasi sabi nya kanina madami syang gagawin.
“I’ll ask someone to pick you up.” gusto kong pupugin ng halik si Arkhin. Oh thank god.
Grabe gusto ko nalang pumunta kina lola. I wonder if... He's still there?
“Use the car that kuya Akhie use earlier, para walang makahalata.” Pagka sabi ko non binaba ko na agad ang tawag.
Kinuha ko to sleeveless grey hoodie ko at black mask. I wear a black skirt para ibang iba sa suot kong pants kanina.
Binuksan ko ang aparador ko at kinuha ang maliit na red box sa ilalim niyon na natatakluban na ng extra pillows. I open it and there, i saw my bracelet.
Pinapagaan nito ang loob ko. Bigay nya sa akin ito. Ito nalang ang meron ako na nakakapagpa-alala sa kanya, maliban sa mga memoryang habang buhay ng tatatak sa akin. Sya lang yung meron ako nung time na feeling ko nagiisa ako at walang pamilya. I have lola and lolo pero sya, sya yung bumuo ng kulang sa buhay ko noon. Not totally buo pero sya ang nagparamdam na hindi ako nag-iisa.
Pinahid ko ang luhang tumakas sa kanan kong mata saka muling itinago ang red box. This time sa drawer nalang sa harap ng salamin ko sya nilagay.
Nung mag text si Arkhin na nasa labas na daw sila e bumaba na ko. Bahala na. Nagsuot ako ng black mask at white cap.
Pagkalabas ko ng elevator kita ko pa rin ang mga paparazzi dito. Nasa may entrance door ang karamihan at ang iba naman ay nandito sa may Exit. Bakit hanggang ngayon nakakabobo sila? Hindi bat mas maganda kung sa exit sila pumwesto?
Kalmado akong dumaan sa may exit at mukhang hindi naman nila ko napansin.
Nung nakita ko ang kotse namin, medyo mabilis akong naglakad pero di naman sobrang bilis baka kasi lalo ako mahalata. Pagka pasok ko sa kotse ay agad itong umandar. Tumingin ako sa may bintana at nakita ko si paparazzi na familiar nakatingin lang sya sa kotse namin. Yung totoo, medyo creepy to si ate ha.
“You should stay at home and let the guards pick me, mamaya makita ka pa ng paparazzi malaking lintik.” sabi ko kay Akhie na tahimik na nagtitipa ng kung ano sa cellphone nya. Lalo lang kaming mapapagalitan ni Daddy pag nagka taon.
Ibinulsa nya ang kanyang cellphone bago tamad na tinapunan ako ng tingin. “Lagot kayong dalawa ni Kuya Akhie.” nangunot ang noo ko sa sinabi nya. Bakit naman e hindi naman kami nahuli nung media? Pero teka… hindi nga ba?
Naalala ko yung babaeng pamilyar. Sya yung waitress sa restaurant kanina, tapos ngayon paparazzi sya. Napasapo naman ako sa ulo ko sa mga naisip. Lalo akong lagot neto kay daddy.
Hindi maproseso ng utak ko ang mga nangyayari. Tamad akong tinitingnan ang kawalan at nakasandal ang ulo sa pintuan ng kotse, minumuni muni ko sa isip ko yung mga pwedeng sabihin ni Daddy mamaya.
Sa kalilipad ng utak ko sa kawala ay di ko namalayang andito na pala kami. Pagka baba ko ng sasakyan dumiretso na agad ako sa loob ng bahay. Don ko nakita si Daddy at Mommy. Anong gagawin ko? Omg, lagot ako.
Hindi naman ako lubid.
Ano ba tong iniisip ko mamamatay na ko dito sa kaba kung ano ano pa pumapasok sa isip ko.
“Sweetie, are you alright?” si mommy yan. Ok ako don mommy pero dito mukhang hindi, lagot ako kay daddy. Softhearted si mommy.
Well sabi ni lola arrange marriage lang daw sina Mommy and Daddy. Siguro kahit ganoon ay hindi sya na hirapang mahalin si Mommy pabalik.
“You should take a rest Akhira, let’s just talk about this tomorrow I know you’re tired.” medyo guminhawa ako sa sinabi ni Daddy, tho alam kong hindi nya ko palalagpasin. Ok na sana daddy e pero mukhang bukas nyo ko balak pagalitan.
“Sorry daddy.” Nakatungo kong sabi, di ko alam kung bakit I just feel sorry.
“Yeah, kumain kana ba? Hindi pa kami kumakain sumabay ka na.” tanong ni daddy. Umiling ako. Hindi ko alam kung talaga bang busog pa ko o dahil lang to sa stress kaya di ako nagugutom.
“Busog pa po ako dad, magpapahinga nap o ako sa taas.” sagot ko. Tumango lang si Daddy saka dumeretso sa dining area. Wahhh!! Huhuhu galit saken si daddy. Nakakainis naman kase yung panget na Shion yon e.
Mabait si Daddy pero nakakatakot sya magalit. Pag wala sya sa mood magalit ay mukha syang kalmado at walang pake pero ibubunton nya iyon sa iyo sa ibang araw, oras, o panahon. Depende sa trip nya.
Nakatungo akong umakyat patungo sa kwarto ko. Buti nalang wala binago dito. Tamang linis lang kasi yun lang yung bilin ko kina ateng taga linis e. Ayoko ng may gumagalaw sa gamit ko, mas gusto kong ako lang para alam ko kung saan ko ipinaglalagay yung iba. Ayokong mahirapang maghanap.
Magce-cellphone muna sana ako kaso lowbat na pala yung cellphone ko kaya chinarge ko muna. Humarap ako dito sa gaming PC ko, dito nalang ako mag oopen.
Una kong binuksan yung IG ko at sanda makmak na notifications ang nasamot ko. Sanay naman akong maraming notification pero messages lang yon, mas madami tong ngayon.
Famous ako pero dahil lang yun sa tao sa school, common friends, at nakikilala ako dahil sa mga may nagke-kwento sa kanila. Gusto daw nila ko maging friends, yung iba umaamin na crush daw ako.
Merong iba na nagco-compliment sa message request. Well, alam ko naman maganda ako. Hindi na kailangang ipagsigawan o sabihin sa akin.
Tiningnan ko ang nagi-isang post ko sa IG yun yung naka sports bra ako na parang sundalo yung style pero blue yung batik nya. Tapos yung pambaba ko naman is cycling short na black usually ginagamit ng student pang ilalim sa school uniform, above the knee yung haba nya tapos yung bra ko is pa ekis style yung likod. Gets nyo? Basta yun yon.
43,467 likes and hundred thousand of comments!? Grabe ha, antsismosa ng mga tao.
Noon kase ay 700+ lang ang like nito at 100+ comments pero ngayon? Patuloy pa rin ito sa pagdami. Napasapo na lamang ako sa noo ko, at binasa ang ibang comments.
Hottie naman pala, makottie ren kase.
Magandang ka-lad-karen, maganda ring kaladkaren.
She’s beautiful than Shania pero bat ang kati mo!?
Yan yung iba kong nabasang comment, grabe naman po? Makati agad? Di nyo pa nga sure yung buong storya e. Baka pag nagkatinginan ng balat mas marami pa kayong pantal kesa sa akin.
You can’t blame Akhie and Shion she’s hot and gorgeos
Reply: but a timer girl, duh!?
Maka timer naman tong isang to, kapatid ko kaya si Akhie at saka yung di ko nga kilala yng Shion na yon, kanina ko lang sya na-meet.
Ok lang naman maging timer basta may mukhang ihaharap, pero kung kasing panget lang ng nagcomment na ito. Wag na sya mabuhay. Charot.
Nag check din ako ng messages pero di na yung mga request I’m sure mga bashers lang din yan.
After I check my messages sa sss naman ako nag open. Unlike sa IG konteng notif lang dito dahil private ang mga post ko, pero… 15k+ followers? For just today? Fvck!
Si Crizta kase may pakana neto kaya naka on yung follow, follow nay an e. I scrolled up and down dahil puro message request lang naman ang laman ng messenger ko. I even saw I meme of me!? What the fvck!?
Sya ang nagpaliwanag ng, aanhin mo ang kagandahan kung ang utak mo naman ay walang laman.
Tss. Mas bobo sila nag aaral pero mga walang manners.
Nag check ako ng followers ko sa IG and to my shock. Nakita ko ang account ni Shion! May verified sign pa iyon. Aba ambobo pala talaga nito.
Magd DM palang sana ko pero may message na sya sakin.
Miss
Kumukulo ang dugo ko sa kanya. Ngunit ramdam ko ang init ng aking pisngi. Siguro ay dahil sa inis?
Nako wag lang kita makikita, nagdidilim ang paningin ko. Ako naman ang nag DM sa kanya na halos ikasira ng keyboard ko sa gigil may type.
Have you lost your mind!? You shouldn’t follow me, gosh!?
Nakakainis din tong panget na to e no? mas bagay silang magkapatid ni kuya. Psh. Parehas bobo.
You won’t notice me if I don’t do that Ms.Sungit
REPLY
Kahit na mainit ka kaya sa mata ng media bawat galaw mo ngayon ini-inbistigahan nila.
Shion:
Hindi lang ako Ms.Sungit ikaw den mainit sa media.
Is Marie your surname? I only heard it as a name.
Hindi na ko nag reply sa kanya dahil nag iinit lang ang ulo ko. Nag off na ko at nahiga nalang sa kama.
Di ko alam kung pano ko nakatulog sa dami kong iniisip.
*knock*knock*knock*
Namulat ako sa sunod-sunod na katok. “C’mon ate its already 8 in the morning, Mom ask me to tell you to eat.”
“Akhira, honey? You haven’t eat yet.” Si daddy yon kaya pandalas akong bumangon at ginawa ang morning routine ko. Pampa-goodjob kase mamaya ako papa-goodjob na ko, huhu.
Pag katapos kong ayusin ang buhok ko ay bumaba na din ako. Umupo ako sa tabi ni Arkhin. Si Akhie sa tapat ko katabi nya si Mommy. Si Arkhin naman katapat ni Mommy, si Daddy na sa Master’s chair.
Naghihintay nalang ako sa mga sasabihin ni Daddy. Hindi naman ako nabigo dahil agad nyang binuksan iyon.
“The issue of you and Akhie.” Kinabahan ako nung nagsimula ng magsalita si daddy. Syet eto na. Mase-sermonan na ko.
“It’s easy to solve, but…” ramdam ko ang bigat ng awra ni Daddy, hindi ko alam pero pati awra ni Akhie ambigat din.
“Your issue with Mr. Villamur, I have no say about it. I don’t know.” dismayadong sabi ni daddy ng hindi ako tinatapunan ng tingin at ptuloy lang sa pagkain.
Epal naman kase yung bobong yun, pwede namang dumeretso nalang at iwan ako e sinama pa ko.
“Daddy di ko naman kilala yung taong yun e, nung nabangga nya ko hinila nya ko kase daw dadaldal pa ko. Nun ko lang sya nakilala, kala k-”
“We can’t just tell them it’s just something like that.” mabigat ang bawat bigkas ni daddy na para bang sobrang mali ko.
Nabobo ako pag si Daddy ang kausap masyado kasi syang matalino. “Lalo na’t artist ng company natin si Villamur.”
“Tumatanggap pala tayo ng artist na bob-”
Napatigil ako ng marinig ko ang tighim ni mommy. Tanginang bunganga to nasabi ko pala yun ng malakas. Aish!!
"Are you listening, Akhira Marie!" galit na tanong ni daddy. Nagulat nalang ako sa biglaang pagtaas nya ng boses.
"Yes dad, I'm sorry." nakatungong tugon ko. Tanginang Villamur yon, minsan lang ako masigawan ng daddy. Kaya nasisigurado kong galit talaga sya. Sinong di magagalit sayo? Baka di ka na iwagayway nyan.
"But Dad..." tawag ko kay daddy. Walang gana nya akong tinapunan ng tingin.
"Do you have something to say? Ano ang relasyon mo kay Villamur?" nanlaki ako sa vocal na tanong ni Daddy. Ay waw ha, mukha ba kong papatol sa bobo?
"Nothing dad, I just wanna ask" nahihiyang sabi ko.
"Hmm?"
"How can you easily solve the problem between me and Akhie?" kuryoso kong tanong at nangungunit pa ang noo. Kase pano nya naman ipapaliwanag yon sa media?
"I think it's about time." naguguluhan naman akong tumingin kay Daddy. Patense sanaol. Para tuloy ako ditong nag-aabang ng mananalo sa Miss Universe.
"Time?" ngumiti saken si Mommy habang seryoso parin si Daddy.
"Time to tell, people about you." nabitawan ko ang hawak kong tinidor sa sinabi ni Daddy. No.Fucking.Way!?
I prepare this way of living than living like a controller robot. Bawal iyon, bawal ito. Hindi naman daw ako ko-controlin pero syempre ako sa sarili ko alam kong kailangang mag-ingat.
Hindi porke hindi ako artista ay okay lang. Dala ko ang malaking apelyido at pangalan. May mga ka-apelyido kami, konti lang pero hindi kagaya namin, wala silang koneksyon sa amin.
"Yes, daughter. People start asking about what happen to my second child. I just answer them, you'll met her soon. You also need to update all your files to Strey. Aren't that excit-" ramdam ko ang excitement sa boses ni Mommy at masarap ang makita syang masaya, but not this time.
"I-I'm not. I-I can't." hangga't maaari ayaw ko muna. At hindi na gugustuhin pa. Masaya kung tutuusin pero ayaw ko pa.