Ikalawang Kabanata

1383 Words
Family Di ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Because standing right in front of me is my mom. Or kamukha niya lang? I don't know. Kung kamukha man,s**t kopyang-kopya. "Oh nariyan na pala kayo. Saan ka ba nanggaling Maria? Diba pinagsabihan na kitang huwag kang aalis dahil darating ang iyong kapatid?"sambit ng babae or ina ko. Yes tama ina ko. Nakita ko naman si daddy na nagbabasa ng diyaryo na nakaupo sa sala. I glanced at him twice and the hell! I thought it's dad. So siya pala ang daddy ko sa panahong ito? I mean ama. Ughhh this is hard. Dumagdag pa na kamukha nila ang tunay kong parents. Not bad, may advantage naman dahil parang narito lang din sila. But still this is wrecking my mind out. What a hella hell! Wala naman kaseng sinabi si Ginang Herrera dito eh. Nagulat tuloy ako. "Pasensya na ho ina. Diyan lang naman po ako galing kela Ginang Herrera."i answered my so called ina politely. Remembering what Mrs. Herrera told us. Just act normal. "At kasama si Julio, hmmn ano kayang meron?"someone entered from the door,it's a boy. He's tall and damn he's so handsome. I think he's my brother? Napaangat naman ng tingin ni ama sa akin. Oo ama. "Nililigawan ka ba ni Julio iha? Bakit di namin iyan alam?"he asked me with his brows furrowed. "P-po? Naku! H-hindi po ama. May pinag-usapan lamang po kami."i answered him panicking. And boi ang galang nun ha. "Talaga ba?"may sumulpot na namang babae na nakangisi ngunit may kasama itong lalaki. Sila siguro iyong mag-asawa. Si ate Estella ang babae at kuya Marco ang lalaki. Kung hindi ako nagkakamali. Di ko mapigilang mapatitig sa dalawa. Taglay ni ate Estella ang ganda ng isang Pilipina. Yung tipong morena . May pagkakahawig rin kami lalo na sa mata. Pati rin ang kapatid ni Julio kuno na si kuya Marco ang gwapo rin at antangkad. Di ko akalaing marami pa lang magaganda at gwapo sa panahong ito. "Anong meron sa inyo nang aking kapatid Maria?"nakangiting tanong ni kuya Marco. "H-ha? W-wala po talaga kuya M-marco,totoo po."nahihirapan na akong magpaliwanag sa kanila. Duh walang meron sa amin ni Ram a.k.a. Julio noh!?. At never magiging 'meron'. "Ano ba kayo, hayaan niyo na si Maria halata namang nagsasabi siya ng totoo."parang nag-aasar din ni ina sa akin. Napangiwi naman ako. Ngunit bigla akong nagulat nang lumapit sa akin si ina at hinaplos ang aking pisngi ng marahan. I'm in verge of crying but I stopped it. Parang natutunaw kase ang puso ko dahil sa gesture na yun. At naaalala ko si mommy. "Huwag niyo nang pagkaisahan ang marikit ko."malambing na usal nito habang patuloy pa rin sa paghaplos sa aking pisngi. Tumawa naman sila sa inasal ni ina. Dahil halata namang nilalambing ako nito kaya tumawa rin ako. "Hali na kayo sa kusina at nag-aantay na ang pagkain."pag-aaya ni ina. Inilibot ko naman ang paningin ko sa buong bahay. It's nice naman. And marami silang lumang kasangkapan na bago sa panahong ito lol. Mayroon ding pasilyo at may magkakaharap na kwarto. Siguro walo lahat iyon. Napansin ko rin ang piano sa gilid ng sala. Na-excite tuloy ako. How i love playing piano. And also a guitar. Sabi nga ni mommy dapat sumali ako sa mga contests para roon pero ayaw ko dahil wala lang. Sabi rin ng iba na may boses daw ako. Meron naman talaga duh. Pero ang tinutukoy nila ay ang pagkanta. Well,i, myself, aminado na marunong akong umawit. Ah basta I'll play that piano after this lunch. Napangisi naman ako sa isiping iyon. Nang makarating kami sa hapag-kainan ay umupo ako sa katabi ni Ligaya. Sa gilid ni Ligaya ay si kuya Benito. Sa harap ko naman ay si ina na katabi si ate Estella na katabi ang kanyang asawa. Si ama naman sa gilid namin ni ina o madaling sabihin yung sa gitnang upuan sa dulo ng mesa. Napatingin ako sa mga pagkain sa hapag. Natakam naman ako nang makita ang dalawang putahe. Ang isa ay Sinigang na bangus at ang isa ay tinolang manok. I feel like my eyes are sparkling. Nagdasal muna si Ligaya at kumain na kami. Siyempre dapat hinay-hinay lang. Mamaya magtaka sila sa inaasal ko. Alam ko naman na sa panahong ito eh mahinhin ang mga dalaga. Kaya dapat ganun ang gawin ko. "Nga ho pala,ama,ina nais ko pong pumunta kela ama mamaya."pagpapaalam ni kuya Marco. Siguro namiss niya rin ang pamilya niya. Dahil narinig ko sa usapan nila kanina na sa kabilang bayan pala umuuwi ang mag-asawang to. Doon daw kase nagtratrabaho si kuya Marco. Bale bumibisita lamang sila dito dalawang beses kada buwan. "Oo naman."sagot ni ama. Nang matapos na kaming kumain,nauna akong maglakad papunta sa sala dahil sa sadya ko. Umupo agad ako sa harapan nang piano. Wahh this is it. How i miss this. Pinaglapat ko pa ang dalawa kong kamay at kiniskis iyon sa isa't-isa dahil sa pagkasabik. "Oh ate anong ginagawa mo diyan? Gusto mo na namang pagtawanan ano?"sulpot ni Ligaya sa gilid ko. Nakakrus pa ang kamay nito sa likod niya na animo'y inoobserbahan ako. Kasunod niya ay sina ama,ina,kuya Benito at ang mag-asawa. "Hayaan mo na Ligaya para naman may mang-aaliw sa atin habang nagpapababa tayo ng kinain."nakangising sambit ni kuya Benito at umupo sa tabi ni ina na katabi rin ni ama sa isang mahabang sofa. Ang mag-asawa naman eh nakatayo lang. Medyo naglalambingan pa. "Benito!"suway ni ina sa kanya at kinurot ang tagiliran nito. Kaya binelatan ko siya. I don't know but I feel low-key even I just met them while ago.Ang saya pala kapag may kapatid. Yung tipong may makakabangayan ka bawat minuto. I just smiled on my own thoughts. "Hayaan niyo na si Maria. Naglilibang lamang iyan."dagdag pa na saway ni ama. "Ama,baka nakakalimutan mong nagreklamo si Ginang Amanda nung una niyang pagtugtog niyan."nang-aasar na sabi ni ate Estella. I don't know whoever Ginang Amanda is. I think neighbor or relative? Hindi naman iyon pinansin ni ama dahil may kinukuha pa itong tinga. Tumawa naman ako nang bahagya at nagkibit-balikat na lamang. Binuksan ko na ang piano at napairap na lang ako nang tinakpan ni kuya Benito ang kanyang dalawang tenga. Paalis na rin si ate Estella kasama ang asawa niya na umiling-iling pa. Tingnan natin kung nangangalawang na ba ang talent kong ito. (Just play the song titanium but instrumental lang.) Nagsimula nang maglumikot ang kamay ko sa piano. Pinatugtog ko ang pinakaunang key na nagsaulo ko nang bata pa ako. Nakita ko sa peripheral vision ko na napatigil si ate Estella at kuya Marco sa paglalakad at bumaling sa akin. Si Ligaya naman ay nawala ang ngisi at napanganga. Si ama naman eh napatigil rin sa pagtitinga niya. Si ina naman ay namilog ang mata habang si kuya Benito eh unti-unting tinanggal ang pagtatakip sa kanyang mga tainga. Napapikit ako habang pinagpatuloy ang pagtugtog dahil gamay na gamay ko na talaga. Na para bang dinadama ko ang bawat pindot ko sa mga keys. Nang natapos na ay iminulat ko ang aking mga mata at tumayo. Nag-inat-inat pa ako ng konti at sinara na ang piano. Bumaling naman ako sa pamilya ko. Charr! Lihim akong napangiti sa mga reaksyon nila. Soooo epic. "Pangit ho ba? pasensya na po,di na mauulit."pagdadrama ko at yumuko pa. Binalik ko ulit ang tingin ko sa kanila dahil nagpalakpakan sila habang naka-awang ang mga labi. Gusto ko namang matawa.dahil sabay-sabay talaga ang pagpalakpak nila. "Ate! Saan mo natutunan iyon? Turuan mo naman ako oh."nakangusong usal ni Ligaya at lumapit sa akin. Ang cute niya talaga. Kaya pinisil ko ang pisngi niya ng marahan. "Ina?pinasok niyo ba sa paaralan ng musika etong si Maria?"nagtatakang tanong ni ate Estella. Umiling si ina at di makapagsalita. "Maganda iyan Maria. Maaari mong aliwin ang ating mga bisita kapag nagkataon. Saan mo iyan natutunan?"nakangiting tanong ni ama. "Sa akin lamang po ama hehe."siyempre dapat mahinhin at pahumble. Duh "Paano nangyari iyon? Imposible!"naghihisteryang pahayag ni kuya Benito at napahawak pa sa kanyang dibdib. Napangiti na lang ako. Di ko alam na ganoon pala talaga kasaya kapag ganito ang iyong pamilya. Yung tipong walang problema. Puro lamang kasiyahan. Pero alam ko na lahat ng kasiyahan ay may kapalit na kalungkutan. Kaya dapat sulitin ko ito. Minsan lang to eh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD