Tumunog ang aking cellphone at nagtext si Kuya King. "Natapos mo na ba ang namamagitan sa inyo ni Tita Flei?" tanong nito sa text. Huminga ako ng malalim at hindi na nagreply. Nilagay ko ang aking cellphone sa bulsa at ginising ang asawa ko. "Babe… wake up! I'm here" bulong ko habang tinatapik ito. "Babe, wake up…." Patuloy kong pagtapik. Umangat ang ulo nito at napatingin sa akin. Kumurap kurap pa ang mga mata nito. "Anong oras na babe? Kumain ka na ba?" "Yes babe, kumain na kami ng mga boss ko kanina. Pero kakain ako uli ngayon kasi nagluto ang asawa ko eh" malambing kong tugon na pawang kasinungalingan. Napangiti naman ito. "Teka lang iinitin ko lang itong mga pagkain para mas masarap" anito at kinuha ang mga ulam at kanin upang initin. "Kamusta pala ang pakiramdam mo babe

