Chapter 3

1754 Words
Czarina's P.O.V Walang tigil ang pag tulo ng luha ko. Nanginginig pa rin ang buong katawan ko dahil sa bugbog at sa ginawa sa akin ni Blake.Tumingin ako sa tabi ko kung saan mahimbing na natutulog si Blake, kailangan kong maka-alis dito, kailangan kong mapuntahan ang Mama ko. Hindi ako pwede makulong dito habang buhay, ayokong matali ni Blake sa sakit. Tumayo ako ng dahan-dahan at kumuha ng damit sa closet ko, nakakagulat dahil naroon pa nga lahat ng damit ko. Nagbihis ako. Bawat tulo ng luha ko ay pinupunasan ko kaagad, iniiwasan kong lumikha ng ingay. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa pinto. Bubuksan ko na sana ito pero... "Where are you going?" para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko ang tinig ni Blake. "Ahh... Mag-Mag... ano, luluto," palusot ko at pinunasan muli ang mga luha ko, nagpanggap akong masaya at pilit na ngumiti sa kaniya. Tumango lamang siya kaya mabilis akong tumakbo palabas. Kumuha ako ng kutsilyo at itinago sa likod ko. Nagmamadali akong lumabas ng bahay. Kailangan kong makatakas, kailangan kong umalis dahil pagod na pagod na ako! Nagulat ako nang makitang nakalock ang gate ng bahay. Hindi ko pwedeng akyatin ang gate dahil gawa ito sa bakal kaya maririnig ako ni Blake. Sinubukan ko sa pader na gawa sa bricks. Kinakabahan ako habang pinipilit na makatakas, kailangan kong umalis sa poder ni Blake! Kahit pa magasgasan ang kamay ko dahil sa mga bato ay hindi ko ininda ang sakit. Nanghihina ako pero kailangan ko maging malakas, malapit ko nang maabot ang tuktok, konti na lang! Hindi trabaho itong pinasok ko, kundi isang malaking gulo, dapat pala ay hindi ko na tinanggap ang pera at trabaho. Kung alam ko lang. "Trying to leave?" nagulat ako sa narinig kong boses. Nilingon ko ito. Nakita ko si Blake na nakasandal sa pinto at nanlilisik ang mga mata. Parang may kabayong naghahabulan sa loob ng dibdib ko sa bilis ng t***k ng puso ko, bigla akong nakaramdam ng takot at kaba. Lalo akong kinabahan nang papalapit sa akin si Blake. Bigla namang namawis ang kamay ko dahilan para bigla akong dumausdos pababa, Sinuntok ko ang pader dahil nauna ang pwetan ko sa pagbagsak. Nadagdagan na naman ang sakit sa katawan ko. "You can't leave!" sigaw sa akin ni Blake at hinila ang buhok ko papasok nang bahay. Halos makaladkad niya ako. Hindi ako makapagpumiglas. Nang bitawan niya ako para i-lock ang pinto. Kinuha ko ang kutsilyo sa likod ko. "SIGE! SUBUKAN MONG LUMAPIT SA AKIN!" sigaw ko at tinutok sa kaniya ang kutsilyo. "Fighting me back? Tsk tsk," sabi pa nito na para bang nang-aasar. Nagulat ako nang dumukot siya ng baril sa kaniyang tagiliran at tinutok sa akin, Bakit siya naging ganito? Kaya na niya akong saktan, kaya niya ring patayin? Hindi s'ya ganito dati? Pero bakit siya nagbago? Ibang Blake ang nakikita ko ngayon, isa itong demonyo. Hindi ito si Blake. Hindi siya ang Blake na minahal ko noon. "You know what, my love? Just follow what I want. I won't hurt you again," sabi nito sa akin. Binaba niya ang baril. Nabitawan ko ang kutsilyong hawak ko dahil sa panginginig ng kamay ko. "B-Bakit? A-ano bang gusto mo?" tanong ko at nilakasan ang loob ko. Sana naman bumalik na ang dating Blake. Ayokong mamatay ng ganito, kailangan ako ni Mama. "Be my wife again," sabi nito at ibinaba ang baril niya. He's obsess... "Sorry but-" bago pa ako makapagsalita ay hinila na niya akong muli. "ANO!" sigaw nito sa akin at siniil ako ng halik. Tinulak ko siya gamit ang buong lakas ko. "Blake, tama na!" lumuluha kong sigaw at pilit na inilalayo ang mukha ko sa kaniya. Heto na naman ang mabagsik na si Blake. Para akong niliyaban nang biglang mag flashback sa akin ang mga panahong nililigawan ako ni Blake. Sobrang sweet niya noon pero bakit ang pait ng pakikitungo niya ngayon? "Blake pagod na pagod na ako! Ang sakit sakit na kaya pwede bang tama na!" sigaw ko. Pero hindi pa rin siya natinag at marahas na hinawakan ang dalawa kong kamay at walang sawang hinalik-halikan ako, halos magdugo na ang labi ko dahil sa tindi at diin ng paghalik nito. Ganito ba humalik ang minahal ko noon? Yung Blake na sobrang bait sa akin pero badboy sa iba, nasaan na? Hindi na ako nakalaban pa dahil sobra na akong nahihirapan. Pagkatapos noon ay hinila niya ang braso ko papuntang kwarto. "TAMA NA NASASAKTAN AKO!" sigaw ko pero parang wala lang siyang naririnig. "MAGDUSA KA NGAYON! INIWAN MO AKO NOON AT NGAYON AY HINDI KA NA ULIT MAKAKAALIS PA SA PILING KO! YOU'RE F*CKING MINE CZARINA, ONLY MINE!" sigaw nito sa akin at pinasok ako sa kwarto. I think that's not a simple making love for me. I think it's a...Rape? ************* Lumipas ang mga araw. Naging sunod sunuran ako kay Blake. Nagpanggap akong mabait para lang pakitunguhan niya ako ng maayos. Nagtagumpay naman ako at sa wakas pinalabas na ako ni Blake ng bahay, ewan ko kung anong nakain niya pero ang alam ko lang ay ilang gabi syang hindi nagpakita pero nang balikan ako ay pinalaya ako. Siguro nagsawa na siya sa akin. Mas pabor naman iyon sa'kin. Nagmamadali akong pumunta sa Hospital ni Mama. "MA!" sigaw ko pagpasok. Nakita ko ang mga nurse na pinapakain siya. "Mam, ano po bang nangyare at hindi kayo nakakarating dito? Sinusubukan namin kayong tawagan, nagaalala na ang Mama ninyo," sabi sa akin ng nurse na binabayaran ko. "Pasensya ka na. May mahalagang bagay lang akong ginagawa. Ako nang bahala kay Mama. Maraming salamat ah," sabi ko sa nurse at umalis na siya. "Ma.." Tawag ko at naupo ako sa tabi n'ya, Hinawakan ko ang kamay niya. Hindi ko mapigilang ilabas ang sama ng loob ko. "A-nak," bulong ni Mama. "Ma.. Sorry.. Nag-apply kase ako sa isang company na alam kong malaki ang sweldo.. Napakalaki na ng utang natin dito sa hospital eh.. Ma, Naging desperada ako at hindi nag isip, now.. He want me back!" sabi ko at umiyak. "Anak, sino?" bulong ni Mama. "Ma, si Blake... Siya ang may ari ng kumpanya and he want me back," sabi ko at pinunasan ni Mama ang pisngi ko. "Anak, Masasaktan ka," sabi ni Mama pero sa gitna ng aking mga luha ay ngumiti ako. "Ma, sa kaniya lang tayo nakakakuha ng pera.. Wala ng iba, Ma.. Patawarin n'yo ako. Naisip ko na mas mabilis mababayaran lahat ng utang natin dito kung sakanya ako hihingi," sabi ko. Hindi ko na sinabi ang pang re-rape nito sa akin. Ayokong magalala si Mama ng lubos. Baka mapano lang siya. Ang mahalaga sa akin, gagaling na si Mama. Maya-maya ay pumasok na ang nurse. "Mam, kung hindi daw po kayo makakabayad ngayong linggo hindi daw po bibigyan ng gamot ang Mama niyo," sabi ng nurse na ikinainit ng ulo ko. "ANO BANG KLASENG HOSPITAL 'TO! MAGBABAYAD NAMAN KAME AH! BIGYAN N'YO SIYA NG GAMOT! MAGBABAYAD AKO!" sigaw ko. "Pero... Mam, marami na po kayong hindi nababayaran dito. Nasa akin po ang listahan ng mga hindi pa nababayaran at sana lang mabayaran n'yo na dahil sumusweldo po kami," sabi nito at lumabas. Napipi naman ako sa sinabi nito, desperada na talaga akong magkaroon ng pera. Milyon na ang utang namin dahil sa chemo ni Mama. "Ma... Maghahanap lang po ako ng pera.. Sorry po," sabi ko at hinalikan si Mama sa kamay niya. "Anak 'wag," sabi nito at kinuha ang kamay ko. "Po?" sambit ko. "Tama na anak, bilang na lang ang araw ng buhay ko, tama na," sabi nito kaya napaluha ulit ako. "Ma, 'wag n'yo sabihin 'yan, gagaling kayo akong bahala," sabi ko at pilit na ngumiti. "Pero-" hindi ko na pinatapos si Mama. "Magpahinga na po kayo," sabi ko at ipinikit na niya ang mga mata niya, pero bago ako umalis ay hinalikan ko siya sa noo. Nakita ko ang pagngiti ni Mama. Pumunta na ako sa opisina ni Blake para magtrabaho manghihingi na rin ako ng pera kung maaari. *** Pumasok agad ako sa opisina ni Blake. "What?" Tanong nito at para bang iritang irita. "May iuutos ka ba? Tapos ko na kase linisin yung basement, naayos ko na lahat ng files mo doon. Organize, kagaya ng sinabi mo," sambit ko. "Ito," sabay turo nyo sa bundok na folders at envelope. "Ano gagawin ko dyan?" tanong ko. "Ibigay mo 'yan sa bawat kleyente ko. Pinirmahan ko na kamo. Then give this to Mr. Lopez in the Private Room. Tapos may meeting kame dalhin mo 'to sa Meeting Room," sabi nito at tumayo na. Napanganga naman ako at napatingin sa bundok na mga papel. "Ang bigat naman nito," sabi ko. Inuna ko na yung sa meeting room. Dahil sa bundok na folders medyo hindi ko na makita ang dinadaanan ko dahil sa nakaharang na folders sa mukha ko. "Miss! Tulungan na kita," sabi ng isang lalake. Kinuha niya ang kalahati ng bundok na folders sa akin "Thanks," sabi ko. "I'm Mark, Ikaw? Mukhang bago ka dito," sabi nito. "Czarina," sabi ko. "Meeting room?" tanong nito. "Yup," sabi ko. "Ahh. You're the... New Secretary?" tanong nito. "Yes," sagot ko at ngumiti. "Kaya pala ang sexy mo," nagulat naman ako nang sabihin niya iyon. "Huh?" takang tanong ko. Gago ba siya? "Hindi ako manyak! Sadyang nakita ko lang ang korte ng katawan mo. Dahil sa suot mo," sabi niya at tinuro ang damit ko. Oo nga naman, naka uniform ako ng skirt at di-butones na blusa. Maliit nga itong binigay saakin, hapit tuloy. No choice naman ako. "Oww okay." Nang makarating kami sa meeting room ay inilagay ko na sa table ang natitirang dala ko samantalang tinulungan pa ako ni Mark ilagay sa ang folders. "Hey mark!" tawag ni Blake sa kaniya. "Kilala mo siya?" tanong ko kay Blake. "Yes, Isa siya sa mga mayayaman dito sa Pilipinas and besides he's my close friend and a business partner," sabi ni Blake. Awkward. Nakakahiya! Ano ba naman yung inasal ko sa kaniya kanina! Nagkatinginan kami. "Sorry sir. Nakakahiya naman po pinagbuhat ko pa kayo ng mga folders," sabi ko kay Mark at ngumiti nang naiilang. Isang bilyonaryo pinagbuhat ko ng folders?! "No, it's fine," sabi ni Mark at ngumisi saakin. Napayuko naman ako. WAAAHH!! FOLDERS KAININ NIYO NA AKO! **********
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD