“When are you planning to stop pestering me, Julian? Ano ang dapat kong gawin para tigilan mo na ang kahibangang ito?” Andrea reluctantly asked. She’s tired. Kahit ano pa ang sabihin niya kay Julian, alam niyang hindi ito makikinig sa kaniya. He’s spoilt, and maybe he thinks that he’d get everything, anything, and anyone he wants. Pero hindi naman siya isang bagay na paglalaruan lang at itatabi kapag nagsawa na. Gusto niya lang naman ng tahimik na buhay pero hindi iyon ang nangyayari. Niyaya siya nitong mag-early dinner. Sa huli, pumayag siya. Para na rin paalalahanan ulit ito na alam niyang hindi naman epektibo. Since dala niya ang sasakyan, nag-convoy sila. Julian led the way and the journey brought her to a restaurant. May naka-play na soft piano instrumental sa background. Hindi

