Itinatak ko sa isipan ang tunay kong sadya sa pagpunta sa mansyon ng mga Veneracion. It's Chase's birthday, my friend's birthday. Iyon ang dahilan kung bakit ako nag-ayos at pumunta. Hindi dahil nadala ako ni Julian sa mga salita niya. Sa totoo lang, hindi ko talaga gusto ang pumunta. Puwede ko naman iabot na lang ang regalo at pagbati ko sa kaniya sa susunod na araw. Aside from the party is being held by Veneracion, there would be a lot of press, too. People from known families will be there, too. Hindi nila ito papalagpasin. I'm not part of them but based on Chase words before, puro negosyo lang din ang pag-uusapan. Baka sa kalagitnaan ng party, umalis na naman ako. But this time, to go home. Sinundo nga niya ako. Yet I'm still in my room, contemplating whether to go or not. Handa na

