Photograph

2798 Words
June 26, 2016 Linggo Hellooooo second week na ng journal ko. Ewan ko ba bakit ko sineseryoso 'to eh hindi naman talaga binabasa ni Mrs. Del Valle lahat ng nakasulat dito hahaha. Nanaginip na naman ako kagabi. Napanaginipan ko si Paolo. Nasa isang park kami malapit sa school at magkahawak kami ng kamay habang naglalakad. Nakita ko si Mama at si Papa na nakatingin sa akin. Nang lumingon ako kay Paolo, ay naglaho na lamang ito ng parang bula. Muli akong bumaling sa kinaroroonan nila Mama pero pati sila ay naglaho din. Naging madilim ang buong paligid at para akong mahuhulog kaya napabalikwas ako sa aking kinahihigaan. Hinanap ko si Kuya Louie sa bahay pero naalala kong kahapon pa pala siya nakaalis. Si Mama lang ang kasama ko sa bahay at nakikita ko na naman sa mukha niya yung lungkot. Sana nandito nalang palagi si Kuya Louie para hindi na malungkot si Mama. Wala namang nangyari sa akin buong araw. Nakahilata lang ako sa kama at iniisip kung magkikita ba kami ulit ni Paolo bukas. Hays hindi na siya maalis sa isip ko. Sana ganito rin siya sa akin.  June 27, 2016 Lunes Nag-recitation kami sa Oral Communication, buti na lamang at nagbasa ako ng kaunti kaya naman may naisagot ako. Sinamahan ako nina Ivan at George kumain sa canteen at nag-usap-usap kami tungkol sa basketball, anime, at kung anu-ano pa. Kahit papaano ay bumubuti na ang sitwasyon ko dito sa bago kong school kahit minsan mas pinipili ko pa rin ang mag-isa. Kinahapunan, matapos ang klase, napagdesisyunan kong hintayin si Paolo paglabas ng school. Nang nasa may gate na ako ay nakita ako ng teacher ko sa Physics na si Mr. Dela Rosa. Inutusan niya ako na magpa-photocopy muna ng handouts na gagamitin namin kahapon. Hindi na ako makatanggi kasi bigla niya sakin binigay yung original copy so pumunta na ako sa printing shop. Muling bumilis ang t***k ng puso ko sa aking nakita. Si Paolo. Nagkasabay kami sa pagpapa-photocopy. "Uy hello!" Sambit niya sa akin na mas lalong nagpabilis ng t***k ng puso ko. Dahil sa kaba, walang salita na lumabas sa aking bibig kaya tumango na lamang ako at ngumiti. Tumabi siya sa akin at nang makuha na niya yung mga papers na pina-photocopy niya, sinabihan niya ako na hihintayin niya ako sabay ngiti sa akin. Parang yelo ang aking buong katawan at siya naman ang apoy dahil konting lapit lamang niya ay para na akong natutunaw. Habang hinihintay ako, nagkuwentuhan kami tungkol sa experiences namin sa school. Galing pala siyang Humanities and Social Sciences kaya pala ang daming readings. Kwento rin niya, araw-araw daw silang may recit at maraming terror teachers sa HUMSS pero mababait naman daw.  Nang naglalakad na kami pabalik ng school, bigla niya akong inakbayan. Ewan ko ba. Biglang umagos yung dugo sa aking ulo. Feeling ko namumula na ako kanina haha sana talaga hindi niya nahalata. Kinuwento ko sa kaniya yung mga experiences ko sa first day, yung mga times na wala pa ako medyo ka-close, yung journal ni Mrs. Del Valle at marami pang iba. "Hindi bale RJ, if need mo ng kasama, I'm always here for you!" Napangiti ako sa sinambit niyang iyon. Pakiramdam ko ay nakahanap na ako ng companion hindi lang sa school kundi sa buhay na rin HAHAHA ang landi naman po.  Inabot ko kay Mr. Dela Rosa yung handouts at todo ngiti naman ako dahil sa sobrang kilig kapag kasama ko si Paolo.  Habang naglalakad kami ay hindi ko mapigilan ang mapangiti. Hindi dahil sa mga nakakatuwang kwento ni Paolo, kundi dahil sa napakagwapo niyang mukha at dahil na rin sa pag-iisip ko na kasama ko ngayon pauwi yung lalaking dati rati ay nais kong lang makita.  June 28, 2016 Martes Niyaya ako nina Ivan at George na mag-basketball sa court malapit sa school namin. Dahil may alam naman ako nang kaunti sa paglalaro ng basketball ay sumama na ako.  Habang naglalaro kami, hindi ko inaasahan ang pagdating ni Paolo. Agad na tumakbo si Ivan at si George sa kaniya para kamayan at apiran ito.  "Hi RJ!Hindi mo sinabi naglalaro ka pala ng basketball." sambit ni Paolo sa akin. "Slight lang hindi na ako masyado marunong" tugon ko rito. "Magkakilala pala kayo?" pagtataka ni Ivan "Oo magkapitbahay kami eh. Tara 2v2 tayo!" Naging magkakampi si Ivan at si George at kami naman ni Paolo. Siyempre, once in a lifetime lang maging kakampi sa basketball ang kagaya ni Paolo so ginalingan ko na. Mas lalong nangibabaw ang kagwapuhan ni Paolo dahil sa tumatagaktak na pawis niya sa buong katawan. Mas lalo pa akong nag-init nang nagbuhos siya ng tubig sa katawan galing sa bottled at water. Sobrang gandang tanawin nun! "RJ, peram towel please!" sabay kuha niya sa towel na nakasampay sa balikat ko. Siyempre hinayaan ko nalang siyang punasan yung pawis niya gamit yung towel ko. Hindi ko makakalimutan kung paano niya ito ipinunas sa kaniyang mukha, leeg, batok, likod, dibdib, braso, at sa kilikili. Hinatid ulit ako ni Paolo pauwi samin at pagpasok ko ng kwarto. Walang anupa't inamoy ko agad yung towel ko na pinampunas niya. Sobrang bango ng pawis nito at amoy lalaking-lalake talaga. Siyempre hindi ko muna ito lalabhan dahil pagpapantasyahan ko pa hahaha.  June 29, 2016 Miyerkules Nakita ko sa cabinet yung lumang DSLR na bigay sa akin ni Kuya Louie noong 15th birthday ko. Dinala ko ito sa school dahil magshu-shoot daw kami ng video commercial para sa subject naming Personal Development. After class kami nag-shoot ng project, ka-group ko si Katrina, Lauren, Ivan, at Dionne. Acting dito acting diyan, ewan ko ba kung anong relevance nito sa lesson namin basta may masabing may ipinapagawa lang yung teacher namin. Mabuti na lamang at 5:30 PM ay tapos na kami dahil gusto ko ng makauwi nang maaga. Habang nagpa-pack up sila ng gamit, nakita kong kausap ni Ivan si Paolo sa di kalayuan. Nakita ako ni Paolo at kumaway ito sa akin. Napangiti ako sa kaniya at kumaway din ako.  Ako na lamang ang natira sa group namin sa school. Ipapasok ko na sana sa bag yung DSLR ko pero biglang may humawak sa balikat ko. "Oh RJ bakit parang nagulat ka?"  Si Paolo lang pala. Hindi pa raw siya umuuwi dahil may group project pa silang tinatapos. "Bakit ka nandito? Tumulong ka nga doon!" sabi ko sa kaniya. Pero sa loob-loob ko, ayaw ko siyang paalisin at gusto ko lamang na dito lamang siya sa aking tabi. "Mamaya na nandito ka pa eh. Gusto mo hatid kita sa sakayan? Gabi na baka kung ano pang mangyari sa'yo sa daan." Kinilig ako sa sinabi ni Paolo. Pakiramdam ko ay  sobrang mahalaga ako sa kaniya at ayaw niya akong pabayaan. Feeling ko tuloy nililigawan ako hahaha. "Kaya ko naman maglakad nang mag-isa, huwag ka mag-alala" sinabi ko sa kaniya nang pasungit siyempre dapat pakipot tayo. "Sigurado ka ha?Uy ano 'yan?" sabi niya sabay turo sa DSLR ko. "Wow yayamanin picture naman tayo hahaha"  Hindi ako nakatanggi sa gusto niya. Kinunan ko siya ng litrato sa iba't-ibang pose. May nakalagay ang dalawang kamay sa likod ng ulo na para bang pinapakita ang kilikili, nakapamewang, formal, semi-formal, funny posts, pero ang nagustuhan ko talaga ay ang nakakatunaw niyang ngiti sa harap ng camera.  "Bakit puro naman ako, ikaw naman!" sabi niya sa akin habang kinukuha yung camera. Wala akong maisip na pose kaya puro tayo, peace sign, at smiley lang ang ginawa ko. Mas focused ako sa kung paano niya ko ini-instruct sa pag-pose dahil sobrang nakaka-adik marinig yung boses niya. "Oh tayo naman!" sabi ni Paolo sa akin sabay patong ng camera sa tripod ko. Nag-set up siya ng timer at tumakbo papunta sa akin. Inakbayan niya ako at ako naman, hindi ko alam ang magiging reaction ko, ngingiti ba?poker face?kikiligin na parang ewan?Basta smile nalang.  After mag-flash ng camera, tumingin siya sa akin at napatingin din ako sa kaniya. Nagtama ang aming mga mata. Ngayon ko lang nasilayan nang malapitan ang kaniyang maamong mukha. Sana hindi nalang iyon natapos. "Salamat" sambit niya sa akin sabay yakap na parang pang-bro hug lang. Pero ayos na 'yun at least nayakap ko siya.  Mag-isa lang ako umuwi dahil tatapusin pa raw nila ng groupmates niya yung project nila.  Dear journal, kung nananampal ka lang sampalin mo na ko para alam kong hindi lang panaginip ang lahat ng ito. June 30, 2016 Huwebes Wala na namang pumasok na teacher ngayon maliban ulit kay Mrs. Del Valle. Sobrang sipag pumasok as in! Best teacher ever! (Mrs. Del Valle penge extra points sa journal hehe). Halfday lang kami today dahil may faculty meeting nung hapon. Niyaya ako mag-basketball nila Ivan at George kasama yung iba kong kaklase pero hindi ako sumama kasi medyo pagod din ako at inaantok. Hindi ko rin naman ka-close yung iba naming makakalaro. Nang palabas na ako ng gate, nakasalubong si Paolo. May dala siyang dalawang supot ng softdrinks at chichirya.  "Dinalhan kita ng pagkain baka gutom ka" sabi niya sa akin. Lord totoo ba 'to? Kung nililigawan ako nito sasagutin ko na talaga joke pakipot muna dapat tayo. Kinuha ko yung softdrinks at chichirya at nag-thank you sa kanya. Nginitian niya ako na muntik ng magpatulo sa aking laway.  "Pwede mo ba kong samahan sa mall? Bibili kasi ako ng flash drive eh. Please" pagmamakaawa niya sa akin. Siyempre ako naman si marupok um-oo agad wala pang five seconds. Chance ko na rin ito para mas lalo pa siyang makilala nang lubusan. Sumakay kami ng Jeep papuntang mall. Nasa tabi ko siya at dahil siksikan, hindi maiwasan na magdikit ang aming braso. Ramdam ko ang pawis na tumatagtak sa kaniya pero hindi ko ininda kasi galing naman iyon sa kaniya.  Siya yung nagbayad ng pamasahe naming dalawa. Grabe sobrang boyfriend material niya talaga. Gwapo na nga mabait pa! Ayun kwento-kwento about sa life niya at sa buhay ko rin habang nasa jeep.  Fast forward edi ayon nasa mall na kami. Feeling ko talaga mag-boyfriend kami dahil habang naglalakad, nagkukwentuhan kami about sa mga stalls na nasa mall. Kesyo pangit daw ang tindang mga damit sa store na iyon, doon mahal, doon sulit, doon maraming magandang tinda, sobrang saya! Nang mabili niya ang flash drive niya, pumunta kaming fast food para doon mag-miryenda.  Nagkuwentuhan ulit kami habang kumakain. Sinabi niya sa akin na silang dalawa lang daw ng kapatid niya ang magkasama dahil nasa ibang bansa ang kanilang magulang para magtrabaho. Ako naman, nakuwento ko na rin sa kaniya yung paghihiwalay nina mama at papa at yung tungkol kay Kuya Louie.  "Ang bigat pala ng problema mo. 'Di bale, if kailangan mo ng karamay, nandito lang ako" Hindi ko alam ang isasagot ko sa sinabi niya. Ganoon ba talaga ako kahalaga sa kaniya? Konti nalang talaga mafo-fall na ako sa kaniya, or hala baka na-fall na nga? After naming kumain, nilabas niya yung cellphone niya at sabi picture daw kami. Nilapit niya yung mukha niya sa mukha ko. Kung pwede nga lang siyang i-kiss ginawa ko na pero bawal pa. "Send ko sa'yo sa messenger. Teka hindi pa pala kita friend sa f******k noh? Add kita" Sinearch niya yung name ko sa sss at in-add ako. Tiningnan ko yung messenger ko at nandun lahat ng pics namin together. Hindi ko maiwasang ngumiti kaya nahalata niya. "Ikaw ah. Kilig ka noh?" Namula ako sa sinabi niya hindi dahil sa kilig kundi sa kahihiyan. Baka ma-turn off siya sa reaction ko huhuhu. Tumanggi nalang ako at tumawa para maniwala siya.  7 PM na nung umuwi ako at nakita ko na namang umiiyak si mama sa sala hawak naman ang picture namin ni kuya Louie.  "Ma, bakit mo hawak yung picture namin ni Kuya Louie? May problema ba?" Alam kong araw-araw ay may problema si mama pero gusto kong malaman kung bakit picture namin ang hawak niya at hindi picture ni Papa. Hindi na nakasagot si mama at patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Umakyat na ako dito sa kwarto at dali-daling kinuha ang phone ko para i-chat si Paolo. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hi?Hello?Crush kita?Ano kaya? Ang ending, nag-thank you nalang ako sa kaniya at siyempre nagpasalamat din siya dahil pumayag akong samahan siya sa mall. Wala na akong maisip na sabihin kaya kaysa naman maging weird ako sa pag-message ko sa kaniya at nag-seen nalang ako. July 1, 2016 Biyernes Nag-PM si Kuya Louie sa akin sa messenger at ang sabi niya nalipat siya ng office malapit sa Muntinlupa kaya dito na siya sa amin titira. Natuwa ako sa sinabi ni kuya kasi sa wakas may makakausap na ako dito sa bahay bukod dito sa journal ko (na hindi naman binabasa talaga ni Mrs. Del Valle, chine-check lang. Joke lang ma'am). Sinubukan kong sabihin ito kay mama pero naka-lock na naman yung pinto sa kwarto niya. Nagmu-mukmok na naman. Dahil wala namang pasok kinabuksan, niyaya ako nila Ivan na mag-inuman sa kanila pero hindi ako pumayag kasi uuwi si kuya at dapat maaga ako doon.  Pagka-ring ng bell hudyat ng uwian ay agad kong ipinasok sa bag ang mga gamit ito at isinukbit. Binilisan ko ang paglakad hanggang sa nakabanggaan ko si Paolo sa hallway. "Nagmamadali ka yata umali. May date ka no? Ikaw ha akala ko ba ako crush mo? Joke lang!" pagbibiro ni Paolo sa akin. "Sira! Darating mamaya si Kuya dapat nandoon ako nang maaga" "Ah okay sige. Chat chat na lang later" sabay kindat sa akin bago siya umalis. Hindi ko alam kung pinaglalaruan lang ba ako ng lalaking ito pero hinayaan ko nalang kasi gusto ko rin naman hahaha. Aasa pa ba ako mahal kong journal?  Maaga akong nakauwi kaya naglinis muna ko ng sarili ko. Nagwalis din ako sa bahay at nagpunas ng bintana para naman hindi nakakahiya kay kuya 'pag dating niya dito. Matapos maglinis, kaagad akong umakyat dito sa kwarto at binuksan ang phone ko. Paolo has sent you a message Nakalagay sa screen ng cellphone. Hindi ko maitago ang sobrang kilig kaya naman hindi ako magkandaugaga na buksan ito at basahin ang message niya. Paolo: Uy musta?Diyan na kuya mo? Ako: Wala pa eh. Baka mga 7 pm pa dumating. Kakatapos ko lang maglinis Paolo: Sipag naman this boi hahaha Ako: Siyempre para naman hindi nakakahiya kay kuya Sa kada tunog ng cellphone ko, agad ko itong binubuksan para mag-reply sa mga message niya. Pero si Paolo, mga five minutes pa bago makapag-reply. Baka busy lang yung tao. Ang dami naming napag-usapan sa chat. Yung mga project sa school, mga activities, daily lives, love life (siya lang nagkwento kasi wala naman sakin), at marami pang iba. Sa sarap ng pagkukwentuhan namin, hindi ko namalayan ang oras at nawala sa isip ko na dadating pala si kuya. Tumunog ng dalawang beses yung doorbell kaya dali-dali akong bumaba. Pagbukas ko ng pinto, nakita ko doon si Kuya Louie na may bitbit na mga pagkain. Kinusot ni kuya yung buhok ko bago siya pumasok sa loob ng bahay. Si mama naman bumaba sa sala at muli na naman siyang nakangiti habang pinagmamasdan si Kuya.  "RJ, akyat muna ko sa taas, mamaya na kami mag-uusap ng kuya mo." sabi ni mama sa akin bago siya umakyat sa kwarto niya. Ang saya ng naging kwentuhan namin ni Kuya. Basketball, video games, mga tv series at marami pang iba. Buti nalang dito na siya magi-stay para may buhay naman nang kaunti itong bahay.  After naming kumain ay umakyat na ako. Kinatok ko si mama sa kwarto para kumain pero walang sumasagot. Nakita ako ni kuya at tinanong kung bakit ko kinakatok yung kwarto ni mama. "Hindi pa kumakain si mama kuya baka gutom na" wika ko. Sandaling napatingin sa akin si kuya at sinabi niya na mamaya nalang daw niya sasabayan kumain si mama. July 2, 2016 Sabado Dahil walang pasok ngayon at wala masyadong group works, napagpasiyahan kong mag-jogging kaninang umaga. Ang tagal ko ng hindi nakakapag-jog at first time kong mag-jogging dito sa amin dahil nga bagong lipat kami. Medyo madilim pa ang paligid dahil alas-5 palang ng umaga. Masarap mag-jogging sa ganitong umaga dahil maaliwalas pa ang hangin at wala pa masyadong tao. Nakakailang minuto pa lamang ako sa page-ehersisyo nang makasalubong ko si Paolo na nagja-jogging din. Nakasuot siya ng itim na sando at jogging pants. Unang beses kong makita kung gaano kalaki ang kaniyang bisig at dibdib. Sobrang lakas talaga ng s*x appeal ng lalaking ito idagdag pa yung pawisan niyang katawan. Dahil mag-isa lamang ako, sumama na rin siya sa pagja-jogging. Alas-7 na ng umaga ng matapos kami at sabay kaming kumain sa malapit na fast food chain. Ang sarap pagmasdan ng mukha niya habang kumakain at humihigop ng kape. Mapanuod ko lang siyang kumakain ay parang busog na busog na rin ako. Nagkuwentuhan muna kami ng kung anu - ano bago kami umuwi. Fast forward. Kinagabihan, habang kumakain ako ng pizza sa table ay sinaluhan ako ni Kuya Louie. Napagkuwentuhan namin ang tungkol sa work niya. Medyo nagiging toxic na raw yung environment sa dati niyang office kaya mabuti na lamang ay nailipat na siya. Kinuwento ko naman niya ang tungkol sa school ko, na sa wakas nakakilala na ko ng mga bagong kaibigan. Sobrang enthusiastic ako sa pagkukwento subalit, makikita sa mukha ni Kuya Louie ang pilit na ngiti at tawa sa tuwing mine-mention ko ang mga classmates ko. Ayaw kaya ni Kuya sa kanila?

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD