Chapter 2

1019 Words
KINABUKASAN ay sinundo ako ni Totoy Bato ng maaga sa bahay namin. At nag paalam ako sa aking Ina na aalis ng maaga at magpapaturo ako kay Totoy Bato ng self defense. Ngunit hinila ako ng aking ina na si Marla, pabalik ng silid ko at sinabing. "Ano bang ginagawa mo?" "Bakit kailangan mong mag-paturo sa lalaki na iyan?" "At anak, alam mo naman na wala kang mapapala sa lalaki na iyan. "Isipin mo naman kami ng kapatid mo, anak. Tatlo na ngalang tayo. "At ikaw nalang ang inaasahan namin ng kapatid mo. "Pipili ka na ngalang ng lalaking mamahalin anak, wag naman na sana sa. "Kaparihas natin na isang kahig isang tuka. "Pumili ka ng lalaki na alam mong makakatulong sa atin at iaahon tayo sa kahirapan. Wika ng Ina ni Kariang ng kuno't ang noo. "Nay, hindi naman po ibig sabihin na sasama ako sa kanya ay siya na ang gusto ko. Wika ni Kariang sa kanyang ina na hindi maka tingin sa mata ng Ina. "At isa pa inay, magpapa-turo po lamang ako ng self-defense upang alam kung ipag-tanggol ang sarili ko. At hindi ma-ulit muli ang nanyare kahapon. Wika ni Kariang na nababakas sa mukha ang pag-aalala. "Mabuti anak kung gano'n lamang. Sana'y hindi na hihigit pa roon. Makakaasa po kayo inay Wika ni Kariang. "Dahil wala kang mapapala sa lalaki na iyan. Wika ng Ina ni Kariang. "Nakaramdam tuloy ako ng kirot sa aking puso. "Oo alam ko na kagaya namin si Totoy Bato, na mahirap. Ngunit alam ko rin na mabuting tao siya at malinis ang intensyon nya sa akin. "Ngunit hindi ako maaring mahulog ang loob ko sa kanya lalo na't alam ko na kailangan ako ng pamilya ko. At ng kapatid ko na si Myla. Dahil may sakit ito. Wika ni kariang sa kanyang isipan. "Mauna napo ako Inay, at magbubukas papo ako ng tindahan. Wika nito sa kanyang ina at naglakad papalayo ng bahay. "Mag-ingat ka, at dumistansya ka sa Totoy Bato na iyan. Wika ng ina ni Kariang ng pabulyaw. "Opo, Ina. Saad ni Kariang at nag lakad na ito pa labas ng bahay. "Magandang umaga" wika ni Totoy Bato kay Kariang na may matamis na ngiti sa labi. "Magandang umaga rin,' wika naman ni Kariang na nababakas sa mukha ang kalungkutan. "May dinaramdam kaba?" Tanong ni Totoy Bato na bakas sa mukha ang pag-alala. "May masakit ba sayo?" Sunod na tanong ni Totoy Bato. "Wala naman, iniisip ko lamang ang kapatid kong may sakit. At kung paano kami makaka-alis sa ganitong klasi ng buhay. "Ang totoo napapagod na rin ako sa ganitong sitwasyon. Sa araw-araw nalang na ginagawa ng diyos ganito nalang ang takbo ng buhay namin. "Kailan kaya ako yayaman?" Kailan ko kaya maipapagamot ang kapatid kong maysakit?" Wika ni Kariang habang nakatanaw sa malayo. "Wag kang mag-alala Kariang kapag nakatapos na ako ng pag-aaral at naging mayaman na ako. Aasawahin na kita at ipapagamot natin ang kapatid mong may sakit. Wika ni Totoy Bato ng may ngiti sa labi at nakatingin sa mukha ni Kariang. "Ano bayang pinag-sasabi mo, Totoy Bato?" "Bakit? Kariang. Iyon naman talaga ang nais ko. At alam mo naman na noon paman ay gusto na kita. Wika ni Totoy Bato ng may ngiti sa labi. "Hoy! Totoy Bato tigil-tigilan mo ako ha!" "At wala kang ma-ipapakain sa akin!" Wika ni Kariang na may pag-susungit. "Alam mo Kariang, kaya gustong-gusto kita eh." "Dahil dyan sa ugali mo na sobrang bait at inu-una lage ang kapakanan ng pamilya. "At na cha-challenge talaga ako sayo Kariang. "Alam ko naman na gusto mo rin ako? Wika ni Totoy Bato na may nakakalukong ngiti. "Ang kapal mo! Totoy Bato. For your informatioin. Hindi ako mag-kaka gusto sayo. "Ano Ka? Hello! Wika ni Kariang sa maangas na paraan. At bigla siyang tumalikod kay Totoy Bato ngunit ngumingiti ng palihim, at nakakaramadam ng tuwa sa dib-dib. "Ano kaba? Totoy Bato. Wag mo akong ginaganyan-ganyan. At baka bumigay ako. Wika ni Kariang sa isipan ngunit hindi makatingin ng maayos kay Totoy Bato. "Oy, Kariang! Hindi ka makatingin ng maayos sa akin. "Ibig sabihin may-nararamdaman ka rin para sa akin. Wika ni Totoy Bato ng may nakakalukong tawa. "Hoy! Totoy Bato. Tuturuan mo ba ako ng self-defense ? O mag-papacute kanalang?" Wika ni Kariang na seryoso ang mukha. "Halika na nga, at ng makarami ako ng tsansing sayo. "Anong sabi mo?" Wika ni Kariang na kunot ang noo. "Wala sabi ko mag-simula na tayo. Wika ni Totoy Bato ng naka ngiti. "Ganito kasi Kariang, kapag may humawak sayo sa likod or sa kahit na anong parte ng katawan mo dapat maging alerto ka. "Hindi yo'ng kunot lang nag noo ang gagawin mo. Wika ni Totoy Bato ng seryoso ang mukha. "Oh sige ikaw, hawakan mo ang balikat ko ng palad mo. Habang nakatalikod ako. Para makita mo kung anong gagawin ko. Tignan mo rin ang paa ko kung paano ang gagawin ko. "Okay, wika ni Kariang. Sige subukan natin. Wika ni Totoy Bato. Inilagay ko ang kamay ko sa balikat nya. Nagulat at nanlaki ang mga mata ko ng hinawakan nya ito. At bigla nyang hinila at ang bilis ng pangyayari nakita ko na lamang na nakahiga ako habang siya ay nasa ibabaw ko at halos mag-kadikit ang mukha naming dalawa at kitang kita ko ang mukha nya na mas gwapo sa malapitan, na nakangiti ng abot tainga. Kung kaya napapa lunok ako na hindi makagalaw at kay bilis ng t***k ng dib-dib ko. "At mas lalo pa nyang inilapit ang mukha nya sa akin. Kung kaya hindi ako nag dalawang isip na gamitin ang tuhod ko sa hinaharap nya. Yo'n na lamang ang nakikita kong paraan para hindi mag lapat ang labi naming dalawa. Dahil malapit na akong bumigay. Wika ko sa aking sipan. Sabay tulak ko sa kanya. "ARAY! Wika ni Totoy Bato habang napapa pikit sa sakit na napapa upo at hindi alam kung tatayo ba o uupo. "Ops! Sorry." Wika ni Kariang. "Ikaw kasi eh," tsina-tsansingan muna ako. Wika ni Kariang ng may pag-alala sa mukha. Dahil nakikita nya si Totoy Bato na hindi mapakali sa sakit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD