Dalawang linggo na magmula ang nangyaring incident between normal student and star class bumalik sa parang normal yung academy. Since yung incident na'yon bihira nalang din kami makakita ng mga star class, hindi ko alam pero mainam naman. Ibig sabihin dalawang linggo narin ako dito, well sa buong dalawang linggo ko dito except sa unang araw naging maayos na ramdam ko na ulit ang pagiging estudyante ko. At the same time, hindi nalang si Cris ang bagong friend ko syempre may dumagdag na rin.
" Alliahn, hoy beshy may assignment kana?" tanong ni Zai.
Si Zai actually nasa unahan lang s'ya ng upuan namin ni Cris, nag start yung friendship namin nung nanghiram s'ya ng ballpen. Same with Jugs, nanghiram din ng ballpen. Pero nasa left side ko naman s'ya. Then talk, talk, talk. Hanggang sa nakapaglagayan kami ng loob. At first naiilang pa si Cris di daw s'ya sanay. Kasi most of the time, walang pumapansin sa kanya pero nung konting kwentuhan lang jusko, lumabas na yung pagka-madaldal niya.
" Wala pa nga, antagal ni Cris" sagot ko. "Nag-chat nga ako sa kanya kagabi, kaso hindi n'ya pa rin narereceive" sabay pakita ko sa kanya yung message kong na sent lang kay Cris.
" Hoy, same nag message din ako. Hindi s'ya active masyado sa social media. "
"Oo nga, pansin ko din." sagot ko. Iyon din ang pansin ko kay Cris, di s'ya katulad naming puro shared ng memes ang makikita sa newsfeed. Did she really, enjoy her life without using social media? Kasi kung ako, no, no, no di ko keri.
"hoooooy mga baklaaaa" sigaw ni jugs na nakaagaw naman ng pansin sa halos lahat ng nasa classroom.
"hoooy ano ba, nakakatulilig ha!" sabay sundot ni Zai sa tenga n'ya.
"tseee!" sabay Irap neto at hawi sa kanwaring buhok neto.
"Nako, nakooo kung makairap ganda yarn?" sabay tawa at palo n'ya sakin.
"Oo naman, ang kagandahan ko ay umaabot hanggang kalawakan" sabay hawi ng buhok nito. "Pero mga dzai, may assignment naba kayo? "
"Wala pa, ikaw meron na?" sabay naming sabi ni Zai tas nagkatinginan pa kami at biglang natawa.
" Hello, syempre hindi lang dapat beauty ang meron ako need ko din ng brain no" saad n'ya habang nilalabas ang assignment nya mula sa bag. " O, ayan mga ganda lang ambag mangopya na kayo! Chuchuchu that's my chair" maarte n'yang sabi.
Umalis din agad si Zai mula sa upuan ni Jugs tas lumipat sa tabi ko. Kung nagtataka kayo kung ba't s'ya ganon umasta helloo~ guardian fairy sya. Well actually unti-unti nadin ako nasasanay sa attitude n'ya iba talaga ang saya pag may kaibigan kang beki.
Saktong patapos nako sa pangongopya ko ng biglang sumulpot si Cris, na kala mo hinabol ng 10 kabayo sa pagkakahingal. Umupo lang s'ya tas uminom ng tubig.
"Jusko, Cris jubabe what happened to you?" Maarteng sabi ni Jugs sabay upo sa bakanteng upuan sa harapan namin. Kitang-kita ko pa kung paano n'ya lunukin ang tubig na kanyang iniinom. "Hoy!Cris ano nangyari at mukha kang hinabol ng 10 kabayo?" dagdag neto na s'ya namang finorward lang ni cris ang kanyang kamay upang magpabatid ng mensahe na sandali lang.
"Ganto kasi-" unang simula n'ya at sabay punas ng pawis sa noo. "May nalaman akong information"
"Jusko Mare, anong information ba yan?" singit ni zai
"Oo nga baka, mga chupapi yannn aaaaa~" malanding sabi ni Jugs sabay hampas sa balikat ko. "Bet ko yan!"
"Oo nga ano, ba yon? Jusko pa suspense na ha." sabi ko
"Teka nga kasi, sinasapawan n'yo ko e. " inis na sambit neto "Ganto kasi, may mahalaga akong information na nalaman, pero atin-atin lang." seryosong sabi neto. Ginalaw pa neto ang kanyang mga kamay pa bilog upang mag saad ng mensaheng mag dikit-dikit kami. Na s'ya namang ginawa namin.
"Magkakaroon na ulit ng examination, para sa Star Class" mahinang sambit neto!
"HAAAAAAAA!" malakas na sigaw ni Jugs at Zai na s'yang kinaagaw pansin ng mga kaklase namin. Dahil hindi lang malakas napatayo pa sila, kala ko naman kung ano na, ganon ba 'yon kahalaga? Nakita ko namang pinandilatan sila si Cris ng mata.
"Saan mo naman nalaman yan?" jusko baka pinaglololoko mo lang kami, jojombagin kita. Maarteng ngunit mahinang sabi ni Jugs.
"Wag ka nga jan, sa tingin mo magsisinungaling ako? Hello, pangalan ko nakataya dito." seryosong sambit ni Cris. " Kaya wag kayong maingay, jusko pag lumabaa lang 'to habang walang pang-announcement na nangyayari isa lang sa inyo may kasalanan." Cris said while making her face sad.
"Huh? Hindi ko kayo maintindihan." sambit ko.
"Ay oo nga, Alliahn bakla. Ganto kasi yan-" sabi ni Jugs habang tiniklop pa ang kamay neto saka umupo ulit.
"When it comes to announcement, especially kapag pinag-uusapan ang Star class no one is allowed to talk about it, unless nagkaroon na ng announcement na nangyari." mahinahon pero maarte n'yang sabi.
"Huh, bakit?"
"Dahil, bitbit ng star class ang buong academy sa oras na may mis-information tungkol sa kanila ang lumabas masisira daw "kuno" ang image ng academy. " dagdag ni Zai
"Kaya no one is allowed to talk about any information regarding to Star Class. Kasi-"
"Kasii???" nagtataka kong tanong
" Kasi may possibility na--"
"Go back to your proper sit now!" Rinig kong hiyaw ni Mrs. Labe na s'ya namang dahilan kung bakit hindi na natuloy no Jugs yung sasabihin n'ya. "Pass your assignments in the count of 3. 2. 1" nagsisipag madaling magpasa ang lahat dahil sa oras na hindi mo mabaot hindi na n'ya tatanggapin and she will consider it na late na 'to. Which means minus 5 ka na agad.
Agad naman akong napalingon kay Jugs, na nakikipagbardagulan sa harap para maipasa ang mga papel namin.
Hindi ako mapakali, pero wala akong magawa. Gusto kong malaman talaga ang consequences, napatingin naman ako kay Cris na s'yang dahilan kaya't napalingon din s'ya sa akin?
"Anong possibility na mangyayari?" bulong ko kay Cris
"A-ahm. Sa oras na malaman nila may possibility na ma-expel yung nagpakalat ng information." mahina nitong sagot. Ramdam ko yung kaba n'ya siguro dahil natatakot s'ya.
Expel agad? Grabe hanep naman pala 'tong napasukan ko. Para sa ganon information lang? Tsk. Saka jusko, sa laki ba naman ng Academy na'to pano nila malalaman? Huh! Mga batas nila 'di na makatarungan, 'di pa makatotohanan!
"Pano nila malalaman?" seyosong tanong ko kasi, pano????
"Hindi ko din alam e." maikling sagot neto. Hinawakan ko ang kanyang kamay tumingin sa mata n'ya, gusto kong iparating na ligtas s'ya na ligtas ang sinabi n'ya sa akin, sa amin. Bigla namang pumatong ang kamay ni Zai at ganon din ni Jugs. Nakita kong nakahinga si Cris ng maluwag at napangiti.
Sa buong buhay na ito, pagkakaibigan ang isa sa pinapahalagahan ko. Kahit anong bagay ang sumubok, dumating man sa punto na hindi kami mag-usap. Hindi ako gagawa ng bagay na, ikakasira nito.
***
Andito kami ngayon sa canteen, hindi ko din namalayan na nag break na, wala naman kaming masyadong ginawa nag-discuss lang si Mrs. Labe wala naman akong naintindihan kaya syempre naka lutang na lang din utak ko. Ewan ko ba, di naman ako ganto dati.
"Hoy ano order mo?" Tanong ni Cris
"Ikaw?"
"Mag ra-rice nalang ako saka, sisig."
"Sige ako nadin, kaso adobo yung akin ha." Sabay abot ko ng pera pambili. Si Cris kadalasan nag-oorder ng pagkain namin. Hindi dahil mabait sya, well she's kind but she likes the guy na nagseserve ng foods. Kaya ayon bet na bet.
Humanap nalang kami ng pwesto namin, habang umo-order si Cris.
**Tinggggg tingggg tingggg *
Hindi pa man kami nakakaupo ay s'yang aktong pag tunog ng bell. Lahat ng mga estudyante ay napatigil sa pagkekwentuhan at pagkain. Hindi naman kasi madalas patunugin ang bell, incase lang pag may mahalagang sasabihin.
Agad akong napalingon kay Zai and Jugs, na syang saktong lingon din nila sakin. Animo mo mukhang alam na namin ang susunod na mangyayari.
"Announcement... Announcement" unang bungad na salita ng taong nagsasalita. Na s'ya namang mismong naging dahilan para mas lalong makinig ang mga estudyante.
"I'm sorry to disturb your break students. I just wanted to share with all of you the result of the meetings that was happened earlier that has something to do with all of you." Sunod-sunod nitong sabi
Kung kanina ubod ng katahimikan nangkaroon na ng kaunting bulungan. Yung iba pinagpatuloy ang pagkain samantala yung iba naghihintay sa kung ano ang kasunod na sasabihin ng nagsasalita sa speaker.
"Students I just wanted to let you know that the class of star class is now accepting a new batch."