"Class, you have a new classmate, please introduce yourself in front of the class Ms. Ginx" sabi ni Ma'am De Guzman sabay gumilid para bigyang ako ng space sa unahan.
Kinakabahan akong tumayo, at lumakad pa puntang unahan. Kinakabahan ako, na sa akin kasi ang sentro ng atensyon. Naririnig kong may mga nagbubulungan pero hindi ko nalang sila binagyan ng pansin dahil sa sobrang kaba. Nakarating na'ko sa unahan, ngunit hindi padin ako nakakapagsalita.
"Woooh, ang ganda mo Ms. Ginx" sigaw ng isa kong kaklase. Hindi ko pa s'ya kilala dahil, bago palang ako. Pero base sa itsura n'ya halatang playboy. Ekis tayo boy.
Nilibot ko yung buong paningin ko sa buong classroom, lahat sila nakatingin sakin, halatang hinihintay ang ibubuka ng bibig ko.
"Ms. Ginx, go ahead" pagsabi ni ma'am nabalik ako sa wisyo ko, pero andito parin ang kaba.
"Ahm... G-Good day, I am Alliahn Ginx, 17 nice meeting you all." Maikling sabi ko, pero hatang-halata ang kaba sa pananalita ko, medjo naluluha pa ako sa sobrang kaba. Gusto ko pa sanang sabihin kung saan akong school nanggaling dati, kaso hindi ko na kinaya kaya sumenyas nalang ako kay ma'am na okay na.
Napansin kong nahalata din ni ma'am na nahihiya at di ako comfortable kaya pinaupo nya nalang din ako.
As I walk by papunta sa upuan ko, nakatingin padin sila sa akin, except sa isang lalaki nasa gilid malapit sa bintana. Nakasalamin sya, maayos ang uniporme, at buhok, mukhang matalino, pero hindi ko na sya binigyan pansin at umupo nako.
Nagdiscuss na agad si ma'am, first day ko palang pero, mukhang last ko na. Late kasi ako ng pasok ng 1 week at natagalan yung pag-aayos ng mga papel na kailangan para makapasok dito.
Ang boring, kahit anong paliwanag na gawin ni ma'am wala parin pumapasok sa utak ko. Yung iba, inaantok na, yung iba nakikipagdaldalan lang tas yung grupo sa likod nag aayos ng mga mukha. Halos walang nakikinig sa kanya, pero hinahayaan nya lang. Medjo may edad na din si Ms. De Guzman piling ko nasa mid 40 na'to pero wala padin s'yang asawa. Which is 'di naman big deal para sa akin. Pero maganda sya, how come? Mukha namang mabait, ang hinahon nga ng boses. Pero mukhang malas sa love life.
"Nagugutom nako huhu" rinig kong sabi ng katabi ko nakita ko pang hinawakan nya yung t'yan nya.
"Ako din." biglang sabi ko, nahiya pako nung tinignan nya ko, nanlaki pa mata nya na parang na amaze. Pero totoo namang nagugutom nadin ako.
"Woo, akala ko hindi ka namamansin." Sabi nya.
"Hala, bakit naman? "
"Ang ganda mo kasi" dagdag niya habang nakangiti. "Ako pala si Cris Mae Del Rosario, just call me Cris for short" pagpapakilala nya.
Halatang friendly sya, maputi, matangos ilong, chubby tas rebonded ang buhok pero bagay naman sa kanya. In short maganda sya maybe hindi lang sya napapansin sa kanyang katawan. Pero,para sakin sakto lang, bagay sa kanya.
"Nice meeting you Cris ako si Alliahn" pagpapakilala ko sa kanya habang nakangiti.
"Buti nalang dito ka naupo sa tabi ko, kasi kung hindi wala nanaman ako makakausap" wika nya, nagtataka ako kung bakit wala, e kung tutuusin napaka friendly ng dating nya. She always has a smile printed on her face.
"Maybe destiny" sagot ko nalang habang nakangiti din. Pero sa totoo lang dalawa lang yung bakante, yung isa sa lalaking mukhang matalino tas itong inuupuan ko ngayon. Syempre ayaw ko naman don sa mukhang matalino baka, malampa-lampaso lang ako. Saka mukhang pinaglihi sya sa sama ng loob jusko, wala manlang ka emo-emosyon yung mukha. Buti nalang maayos syang pumorma, at bumagay yung salamin nya. Pero, mas pinili ko dito sa tabi ni Cris.
" Saang school ka galing?" tanong ni Cris.
"Ah, Sa Saint Louis University . " sagot ko
"Wow, pangalan palang tunog pang matalino na." Natawa naman ako sa sinabi nya, kasi hindi naman totoo may pang tuition lang ako kaya ako nakapasok don.
"Hindi kaya, grabe ha. Asa lower section nga ako e. Haha" pagbibiro ko, habang pinipigilang tumawa ng malakas. Nandito padin kasi si Ms. De Guzman nagtuturo, kahit 2 tao lang yung nakikipag participate sa kanya. Go padin, saka you know nahihiya pa ako unti. Siguro kapag, naka 3 days na'ko hindi na, joke lang.
"Omg, same vibe tayo bhiee" sagot niya habang pinapagalaw yung mga daliri sa harap niya. Bakas sa mukha nya ang pagkaaliw.
Sa buong minuto na natitira ay nagkuwentuhan lang kami ni Cris sa kung ano-anong bagay. Lalo na sa buhay ko dati, at ang rason kung bakit ako lumipat. Gusto ko sana magpaka mysterious, gaya ng mga napapanood at nababasa ko pero hindi ko pala talaga kaya, sa una lang pala talaga ako mahiyain. Kaya 'yon nakuwento ko na kung bakit, at iyon ay dahil na assign yung daddy ko sa work dito sa lugar ng San Nicolas.
"Uy, breaktime na" masayang sabi ko kay Cris alam ko matutuwa s'ya dahil kanina pa sya nagugutom; pati ako. Sadyang nadala lang kami ng kadaldalan. Kahit naman kakakilala palang namin e, magaan na yung loob ko sa kanya and I consider her now as my friend, kulang na nga lang ikwento ko buhay ko e.
"So it's exactly 9 o'clock pala yung break time." dagdag kong sabi nakita ko kasing may mga tao na sa canteen. Asa 1st floor lang kasi kami, then sa tapat mismo, yung canteen. Less hustle. Hehe
"Ah, hindi actually sila lang. Tayo is mamayang 9:40 pa" sabi ni Cris sabay tingin sa sa labas at biglang balik sa akin, habang nilalaro yung daliri.
"Huh? Bakit? Pare-parehas lang naman tayong estudyante." dagdag ko tinigilan naman ni Cris yung paglalaro sa kanyang daliri at hinawakan ang kamay ko na para bang may maseryosong sasabihin.
"Sila kasi ay belong sa star class, na kung saan ang alam ko matatalino lang daw yung mga andon. They call them Star class which is, kapag belong ka sa kanila you will have all the privileges inside of this campus. Example yan, mas nauuna sila nag be break compare sa ating mga normal section. The dean do not allow them,to associate with us. Sila kasi yung mga representatives whenever there are competitions. Hep---hep---hep hindi lang yan!" ganadong kwento ni Cris
"Even sa comfort room they have the privileges compare to us. Furthermore, they also can go to the class whatever time they want, also pwede din silang lumabas agad-agad kapag na boring na." Dagdag nya I become speechless for a minutes para sariwain yung mga information na narinig ko.
"Infairness andami mong alam a." Sabi ko sa kanya na parang may pagbibiro. "Chismosa yarn?" dagdag ko habang natatawa, pero hindi padin ako makapaniwala sa mga narinig ko mula sa kanya, which is hindi naman talaga dapat. So may school palang ganito.
"Syempre, pangarap ko kasing makapasok jan," seryosong sabi nya, napatingin naman ako kasi halatang-halata ang sinceridad sa boses nya.
"You know, the privileges gusto ko rin ma-experience. Saka naririnig ko lang yan, and base sa mga nakikita ko ang sinasabi ko sayo ha, baka sabihin mo sinungaling ako nakooo. F.O na tayo" pabirong dagdag nya, sabay lingon nya sa harap para tignan si Ms. De Guzman.
Hindi ko alam pero parang may namuong katahimikan sa pagitan namin, hindi ko alam ang mararamdaman. Dahil una, masaya nga naman kung halos lahat ng pribelehiyo ay makukuha mo, pangalawa para kang nagkaroon ng kalayaan. Pero nakaramdam ako ng awa, para sa mga ibang students. Who started their education since they were elementary. Ito yung kauna-unahang school na na encounter ko na may kakaibang privileges, since kasi na nagka-ulirat nako sa buhay na'to, naka 5 beses na kaming lipat ng bahay and of course ng school ko na din.
Pinagmasdan kong mabuti yung mga star class, totoo nga, there's a lot of differences between to us normal student. Let's start from their uniform, if us it's like a plain top, and plain violet palda. Sa star class yung end ng colar ng top nila is my color violet and their palda has its simple design but napakagandang tignan. The way they walk, mukha silang mga disiplanado, hindi kagaya sa normal section and tindig palang nila ang lalakas na ng dating. Some of them look so proud on themselve. Some are just like a normal.
Pero isn't unfair for normal student? Kasi kung ako yung tatanungin ang unfair ng dating sa akin. Pare-parehas lang naman kaming estudyante the difference lang is they are the one who give credits to the school. But still, it's not right.
Andami pang tumatakbo sa isip ko, bumalik nalang ako sa ulirat ng biglang kinalampag ni Ms. De Guzman yung table sa unahan.
"Students, be ready for your quiz next meeting" sabi n'ya. Nagulat ako sa ginawa ni Ms. De Guzman di ko ineexpect yon kasi ang hinahon nyang magsalita at ang amo ng mukha nya at ang ganda n'yang tignan. For someone who is like that then bigla mong kakalampagin ang table, nakakagulat nga talaga. Expect the unexpected.
"Wait for the star class to finish their break before you came out. Okay? Para maka iwas nadin kayo sa trouble." dadag n'yang sabi "Class dismissed!"saka s'ya lumabas sa classroom.
Pagkalabas ni Ms. De Guzman, biglang umingay yung loob ng classroom. Actually may nagdadaldalan naman na kanina pa pero hindi ganto kalakas. Hindi ko din alam kung bakit, pero rinig na rinig ko yung mga reklamo ng kaklase ko.
"Gutom na gutom na ako, 9:40 na oh matagal pa ba sila kanina pa jan huh." reklamo ng isa kong kaklase na lalaki halatang-halata sa mukha nya ang pagkadismaya. Sa pagkakatanda ko Alex ata yung pangalan n'ya tinawag kasi sya kanina para magbasa and sya din yung lalaking sumigaw kaninang magpapakilala ako. Yung mukhang playboy!
"Oo nga, ba't kasi sa 3 taon ko dito sa school na'to ba't di ako makapasa-pasa sa entrance exam nila sure naman ako sa mga sagot ko everytime na may exam!" reklamo ni Ysay.
Based sa observation ko kanina, mukha ngang may ibubuga s'ya. Sa lahat ng tanong ni Ms. De Guzman kung hindi si Alfred yung lalaki sa malapit sa bintana, yung parang may sariling mundo. Kundi si Ysay, nakilala ko sila kasi silang dalawa lang ang lagi ang nakikiparticipate sa discussion ni Ms. De Guzman the rest may sari sarili nang mundo and kasama na ako don.
"Time na natin! Gutom na'ko" sigaw ni Alex sabay labas. Pinipigilan pa s'ya ng mga barkada nya nung una pero wala na silang nagawa, hanggang sa sinundan nalang din nila.
"Alliahn tara, labas na din tayo." aya sakin ni Cris. Wala na akong nagawa dahil nagugutom nadin naman ako, kaya sumama nalang ako.
Dahil malapit lang naman yung canteen sa classroom namin 'di nadin ako, nagreklamo kaya sumunod nalang din ako kasabay ni Cris.
As we go closer to the star class, their presence is not something that you can easily communicate on. They look so fine, everything are so fine with them. The way they walk, talk and sit para silang mga bigating tao. As I remembered they are, higher grade than us. It's cool. Maybe now, I understand why the school giving them privileges, because they are the one who give shine to the school, they are the star. But some part of me, feel like it is wrong.
"Braggg- bragg!" Malakas na kaldabog na narinig ko. Nakita ko nalang si Alex na nasa sahig. Hindi ko alam yung buong nangyari, dahil nabusy ako sa pagfa-fantasize sa star class.
"Tang-inaaa!" malakas na sigaw ni Alex, bigla s'yang tumayo at hinawakan yung lalaking star class sa kwelyo. "Nananadya kaba?" habang masama ang tingin sa lalaki.
"Wala naman akong ginagawa" pilyong sagot ng lalaki habang nakangiti.
"Anong wala, gago kaba? nakita ng mga kaklase mo, at kaklase ko na sinadyang mong patirin ako!!" sigaw niya. Nakangisi lang yung lalaki, na nakatingin sa diretsong mata ni Alex.
Pakkkkkk malakas na alingawngaw sa gilid, base sa kanyang itsura isa sya sa mga teacher dito.
"Anong kaguluhan to?!" sigaw n'ya.
Bigla na lamang binitawan ni Alex ang pagkakahawak nya sa kwelyo ng lalaki. "Mr. Alex!" sigaw nya, "anong kalokohan nanaman pinaggagagawa mo?"
"Ma'am hindi po--"
"No! Alex go to my office right now!"madiing bigkas ng teacher.
" And you Mr. Bueno, you can continue your break." mahinahong sabi nya sa lalaki.
Wait--- what?? Is this true? Kahit ako hindi makapaniwala sa nangyari, hindi nadin kami nakapag break kasi pinabalik kami sa classroom bilang parusa dahil 'di daw kami sumunod sa takdang oras. Likeee what?? This school is so unfair! I don't want to be here anymore.