Thirteen

1428 Words

Thirteen "Napapansin ko na napapalapit ka sa bago nating kapitbahay." Kumakain kami ng hapunan nang magsabi si Papang ng ganoon. Natigilan pa nga ako sa pagsubo at tinignan ito. "Pang, ano namang masama. Single naman si Ate." Sabi ni Mace sa aming ama. "Mace!" saway ni Mamang sa bunso namin. "Bakit ba, Mang? Kelan pa magkaka-jowa si Ate kung ganyan si Papang sa kanya?" "Hindi pwede!" mariing sabi nito. Napabuntonghininga ako. "Mace, tama na. Boss ko ho 'yong tao. Wala rin kaming ginagawang masama para mag-alala kayo ng ganyan." "Pinapaalalahanan lang kita, Jas!" seryosong sabi nito. "Sinasabi ko rin ho ito para mapanatag kayo. Wala kaming relasyon ni L.A, trabaho lang po ang dahilan kung bakit madalas ko s'yang kasama. Alam ko rin po ang limitasyon ko." "Kaya hindi nagawan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD