Mall
"Carter will take us there? Sige. Yup. Bye." I then hanged up on the phone, lumabas ako sa kwarto ko at pinuntahan ang kwarto ni Hugh. I knocked on the door three times and opened it. Sinilip ko ang aking ulo, I saw him lying on his bed, napping. Lumapit ako sa kanya at mahina siyang inalog.
"Hugh, wake up. Bihis ka na, aalis na tayo." Umunat muna siya sa kanyang higaan bago unti-unting minulat ang kanyang mga mata. He softly smiled when his gray eyes met my blue-grey ones, tas bumangon siya at pumunta sa walk-in closet niya. Lumabas naman ako sa kwarto niya at bumalik sa akin.
I chose a white loose shirt, black high waisted boyfriend jeans, black Prada belt bag, and a pair of white Nike Air Max shoes na binili ko online, last week. I put some light make up and tied my long brown hair into a messy bun, where my dark highlights are very visible, I also made some loose hairs fall on the side of my face.
I then went down, nakita ko si Hugh na naghihintay sa akin sa living room. He's wearing a dark blue loose shirt, casual black shorts, and white sneakers. He looks charming with his outfit, his dark brown hair is as always in a messy style.
"Who's gonna fetch us?" Tanong niya pagkarating ko sa living room. Sinuklay niya ang kanyang buhok gamit ang kanang kamay at mas lalong pinagulo ito.
"Carter. Katalina said he'll bring a car." He just nodded while playing with the locks of his hair. Before I could sit down on the sofa, my iphone started ringing. It's Katalina calling, I answered.
"Dan, nasa labas na kami ng bahay niyo. Labas na kayo." Lumabas agad kami ni Hugh. Sumalubong sa amin ang isang itim na Toyota Hiace Super Grandia. Bumukas ang pintuan nito at lumabas ang isang naginis-inisan na si Nicholette, ang chinky nitong mata ay mas lalong naging maliit dahil sa masamang tingin nito.
"Dana! Ano ba! Wala na pa bang ibibilis 'yang lakad niyo? Time is gold, bish!" Dahil sa sinag ng araw ay nakakunot ang kanyang noo habang nakatingin sa amin. Tumawa ako at nag-jog papunta sa kanya, una siyang sumakay sumunod naman ako.
Pagpasok ko sa van ay nakita ko na may dalang driver si Carter, at nasa passenger seat naman siya nakaupo. The first row is empty, Kreia and Mika though are on the second row, sa last row naman ay sina Karsyn, Nicholette, at Katalina.
Malakas akong napatawa ng makitang pilit na tinutulak ni Karsyn si Nicholette na umupo sa 2nd row, pero gusto talaga ni Nicholette sa gitna nila ni Katalina. Wala namang nagawa si Karsyn ng matagumpay na nakaupo si Nich sa gitna nila. Gusto talaga nilang iniinis si Nich, while Nich is just being her.
Natatawang umiling ako habang umuupo na sa front row. Huli namang sumakay si Hugh, tumabi siya sa akin at sinarado niya ang pintuan ng van. Agad din namang umandar ang sasakyan papuntang SM Seaside SRP.
Today is Saturday and nag-ayang gumala si Nicholette sa mall. It's our very first 'gala' as a circle of friends. 11:34 am ng makarating kami sa mall, napansin namin na malapit na rin namang mag lunch time, so we decided to eat.
Pumunta kami sa third floor ng mall, kung saan ay maraming mga Restaurant doon. After we eaten, we decided to watch a movie, but 2:00 pm pa ang oras na nakalagay sa ticket, kaya pumunta muna kami sa Arcade to kill time.
We played different Arcade games, si Carter at Katalina ay napagkasunduang magbasketball. Si Nicholette at Mika naman ay nagcars - yung parang nagda-drive ka ng sasakyan na nagre-race. Si Karsyn at Kreia naman ay excited na pumunta sa kung saan pwede mag-avail para sa karaoke room, gusto kasi nilang kumanta.
While on other hand, I'm riding this motorcyle simulator thing. Dito na lang ako kakapit, ayaw kasi akong turuan eh. s**t! Natapos ko na lang ang ikalawang race, lage paring bumabangga. Pa'no ba kasi ibalanse 'to?
As I was so frustrated on how to ride this thing, I felt a hand slide on the small of my waist, and tightly grip it. Mahina naman akong napasinghap, kasabay ng pag-amoy ko sa pamilyar niyang pabango. Pagkalingon ko sa kaliwa, ay nakita ko si Hugh na may ibang kislap ang mga mata habang nakatingin sa screen na nasa harapan. Kitang-kita sa screen, kung paano parang naggi-glitch yung motor habang kumakaskas ito sa gilid ng railing ng daan.
Hala! Bakit ganyan 'yan?
"You badly want to learn how to ride the scooter, but in the game you're obviously going off the lane." Natatawang mahina niyang bulong sa kaliwa kong tenga, nagsimula namang uminit ang mukha ko, as I felt this so very familiar beat of my heart. Nilingon niya ako, mabilis ko namang ibinaling ang aking tingin sa screen. I fake a cough at inayos ang pagkaka-upo sa motorcycle, natanggal naman ang pagkakahawak niya sa bewang ko. Which made me feel so relieved!
"I-It's going to be different in r-reality!" Turan ko habang naiilang kaya saan-saan na ang tingin ko napupunta.
"Uh huh. So, how about I teach you this one? Try this first, let's see how it goes with your so-called learning." Mabilis kong naibalik ang aking tingin sa kanya.
W-What? He will teach who? Wag na!
"At least in the game, that poor rider will be the one to experience your 'rough driving' and you can also avoid any accidents." Nangiinis na saad niya while he has this naughty smile on his lips. Humulog muna siya ng token sa slot na nasa harapan, bago lumapit sa akin. Wala akong ibang choice kundi ang yumuko na lang at inayos ang pagkakasakay sa motorcycle. He held the left clutch and his right hand is on my freaking waist again, holding me.
Ghad. He's so close!
As soon as the racing starts, he teaches me as he controls the sway of the motor while holding my waist. Seryoso niya akong tinuturuan, pero wala sa screen ang atensyon ko. 'Di ko mapigilang mapatingin sa gilid ng kanyang mukha where his thick eyebrows will stick together if he's pissed off, his sharp nose is very visible kapag ganitong nakaside view siya, mahahabang ang kanyang mga pilik mata, mapupulang lab-
"Now, Leigh. You can't drive the motorcyle when you're staring straight on my face. You'll be on an accident, if this was real." Natatawang sabi niya habang kita sa kanyang mga mata ang kasiyahan. Naitulak ko siya ng wala sa oras. That was embarrassing! Mabilis akong bumaba sa motorcycle simulator at pinuntahan sina Karsyn.
1:55 pm, umalis na kami sa Arcade at bumalik sa cinema. Napansin ko naman si Nicholette na parang may iniisip, Katalina was talking to her but she's obviously on her own world. I just shrugged it off, I'll just wait na siya na yung magsasabi sa amin.
When we arrive, we bought some popcorns and drinks, at pumunta sa linyahan papasok ng sinehan. Nasa unahan si Karsyn at siya ang naatasang humanap sa upuan namin. Nang makita niya, we immediately take our seats. Nakaupo ako sa right side, ako yung panghuling nakaupo. The seats are about 20 of them all for each row, so 'di namin lahat na o-occupy.
Starting from where I sat, papuntang left, Me, Hugh, Kreia, Carter, Mika, Nicholette, Katalina, then Karsyn. The movie we're going to watch is a Romantic-Action.
Nagsimula na ang palabas, napabaling naman ako sa kanang banda ko ng may maiingay na grupo ng mga lalaki, na kararating lang, umupo sila sa tabi ko. Ibinalik ko ang aking tingin sa malaking screen at pinagpatuloy ang panunuod nito.
Habang naeenganyo ako sa nangyayari sa palabas, I felt something on my right side. Nang hinawakan ko kung ano iyon, It was a small piece of paper, napalingon naman ako sa aking katabi, 'di naman nakatingin sa akin.
Oh well.
'099********' A phone number. Ibinalik ko sa pagkakatupi ito at nilagay sa lagayan ng tubigan na parte ng arm rest. I then fixed my focus on the movie again.
Sa kalagitnaan ng palabas ay nakaramdam ako ng lamig, pinagtapat ko ang aking mga kamay at mahinang hinaplos upang makaramdam ako ng konting init. Habang nakatuon ang pansin ko sa aking mga kamay, naramdaman kong may ipinatong sa aking likod. Pag tingin ko ay isa iyong jacket. Napalingon ako sa aking kanan ng makarinig ako ng mahinang kantyaw. It was the guy sitting beside me who gave me the jacket.
Anong pakulo 'to?
"Naku po. Okay lang po ako, 'di naman po masyadong malamig." Naiilang na mahinang bulong ko.
Ano ba 'to, sobrang nakakahiya!
Kukuhanin ko na sana ang jacket sa likod ko ng may marahas na kumuha nito at itinapon sa mukha nung lalaki. Napatahimik naman yung kumakantyaw, habang 'yong lalaking tinamaan sa mukha ay galit na tumingin sa likod ko, pero biglang nagbago ang ekspresyon nito at tumingin na lamang sa harapan.
Nagulat ako sa biglaang nangyari, nilingon ko ang aking kaliwang banda and saw Hugh blankly sipping on his drink. Nakita ko namang nakakuyom ang kaliwa niyang kamao, the viens are popping, habang ang kanyang mga mata ay nanglilisik na nakatingin sa harapan.
Lumingon siya sa akin at kahit madilim ay may nakita ko isang pamilyar emosyon na alam kong nakita ko nuon, sa Library. Bigla niyang inayos ang kanyang pagkaka-upo, at itinaas niya ang arm rest na nasa pagitan namin. Ipinatong niya ang kanyang kanang kamay sa balikat ko at mahina akong hinapit sa kanya. Ang lapit-lapit ng mukha namin, kahit na malamig ay uminit ang aking pisngi at ramdam mo ang dumagundong kong puso. May pagbabantang tiningnan niya ang mga lalaking katabi ko, at seryosong ibinalik sa akin ang tingin.
"If you're cold, tell me. I can always hug you, just like this." Mahinang bulong niya sa akin gamit ang kanyang malamig na boses, na sanhi ng mga emosyon na nagrarambulan sa kaloob-looban ko.
Hindi pa nga ako nakakamove-on sa nangyari last week, may panibago na naman.
___________
sshandi
Sanaol