Garden "Paano kayo nagkakilala ni Kuya?" Muling tanong ni Yvonne. Napatingin si Yvonne sa kapatid na seryosong nakaupo, ng hinawakan nito ng marahan ang kanyang kanang kamay. "Sit on the sofa, para maayos nating mapag-usapan." Nagtataka man sa nangyayari ay ginawa ni Yvonne. Umupo siya sa kabilang sofa. Nanatili akong nanonood sa nangyayari. I removed my leg from crossing and sat properly. I want to know what's going on. This is confusing the hell out of me. Nilingon niya ako. "I found her around the month after Christmas through a friend." May kung ano sa kanyang mga tingin habang nakatitig sa akin. "I thought she was taken good care, Leigh. Kaya hindi ko siya kailanman hinanap." Nabigla ako ng pilit niyang tinatago ang paghihirap at sakit sa kanyang mga mata. He frustratedly combed

