Allison's POV Woah ang lamig! Napayakap na lamang ako sa sarili ko ng makaramdam ako ng lamig sa buo kong katawan dahil sa lawa- "hahaha wag ka kasing magmadali." pangangaral ni jaycob habang natatawa kaya lumusong na rin ito at dalawa na kami ngayon ang nakalubog sa lawa habang binibigyang liwanag ng buwan ang paligid. "tignan mo dali ang ganda!" sabay turo ko sa mga bituin na kumikinang sa langit. "maganda nga." sambit nito dahilan para mapatingin ako sa kanya at ngayon ko lang napagtanto na sa akin pala ito nakatingin kaya napaiwas agad ako. "halika na baka hinahanap na tayo nila." napatango naman siya sa sinabi ko kaya inalalayan ako nito umahon sa lawa at sinuot na namin ang towel habang naglalakad ay di ko maiwasan ang mapatingin sa kanya -- ang akala ko noon ang isang Jaycob ay

