Jesserie's POV Napanguso na lang ako habang hinihintay si Avery na dumating dito sa coffee shop. Paniguradong nagkolorete na naman iyon kaya natagalan. Nakunot ang noo ko ng mapansin kung sino ang pumasok-- si Tyron. Nanliit ang mata ko ng makita ako nito at biglang inirapan. Iisipin ko talagang bakla itong kaibigan ni Lion dahil sa pang-iirap tinalo pa ako. Lumapit ito at umupo sa kaharap ko. "anong ginagawa mo dito?" "I want to tell you na ang baduy ng suot mo." seryosong sabi nito at napakuyom naman ako. "nandito ka ba para mang-inis?" sabay tayo ko sa upuan ko pero ang loko ay napangisi lang, kung hindi rin masarap suntukin ang mukha eh. "Omygash! Jess wag ka namang brutal." napatingin ako sa kararating lang na kaibigan ko kasama si Giselle. "at bakit ngayon lang kayo?" naiinis

