Allison's POV Napatingin ako sa salamin habang suot itong dress na bili namin ni Ella at Naja na medyo bumagay naman siya sa akin at hindi ko inakala na medyo hapit pala ito sa beywang ko pero ayos lang naman din sa akin. Nakatanggap ako ng text galing kay Naja na susunduin na raw niya ako dito sa bahay. Nakakapagtaka dahil nitong mga linggo medyo tahimik si Naja dahil alam ko na medyo madaldal ito. Siguro kapag may oras na ako ay kakausapin ko siya dahil ayaw kong maging ganito na lang si Naja. "Anak nandito na si Naja!" sigaw ni mama mula sa ibaba. "Papunta na po." kinuha ko na ang sling bag na pula at naglagay ng light lip balm sa labi para medyo magkakulay naman ng kaonti. Bumaba na ako at naabutan ko si Naja na kinakausap si Mama at ng makita ako nito ay ngumiti siya ng malapad.

