Allison's POV
"Mauna na po ako tita bye po!" paalam ni naja kaya hinatid ko na siya sa labasan namin."Bukas na lang Ally." napatango ako at kumaway na sa kanya.
pumasok na muli ako sa loob at napatingin kay mama na mukhang pagod na dahil nakahiga katabi si abi.
napailing na lang ako dahil sa mga pinaggagawa nila mama at naja kanina na puro kantahan kaya ayan mga pagod.
niligpit ko na ang mga kalat na pinagkainan nila at hinugasan ito ng biglang-
*bzzt
pinunasan ko muna ang basa kong kamay at tinignan ang text galing sa unknown number kasabay ng panlalaki ng mga mata ko--muntik na akong mapasigaw sa sobrang saya na nararamdaman ko dahil nakapasok ako sa school na pinag-enrollan ko kila Naja.
napangiti ako dahil hindi ko inexpect na makakapasok ako--
ng matapos na akong maghugas ay napahiga na ako ng may mga ngiti sa labi dahil bukas na ang pagsisimula ko ng pag-aaral at ngayon ko lang naramdaman na amsaya pa lang mag-aral.
Kinabukasan
"tapos ka na bang magbihis?" napatango ako sa sinabi ni mama.
"mauna na po ako."
"mag-iingat ka ally."
"opo." nagsimula na akong maglakad papunta sa sakaya para sumakay ng bus at nakatanggap nga pala ako ng text kay naja na medyo malelate siya ng pasok dahil sinama siya ng mama niya sa pagsundo sa pinsan niya sa airport akya ako ito mag-isa.
sumakay na ko ng bus at di maalis ang ngiti sa labi ko habang suot ang uniporme ng school na papasukan ko.
napapatingin ako sa mga estudyante na nakakasabay ko sa bus at suot din ay katulad ng sa akin na 2 inch above the kneew ang skirt at unipormeng kulay maroon.
bumaba na ako ng makarating na ako sa school kasabay ng pagtingin ko sa paligid dahil maraming mga estudyante ang nakakasabayan ko.
inayos ko na ang sling bag na bili ni mama sa akin kahapon at nagsimula ng maglakad papunta sa building ng BS HRM yun kasi ang text sa akin ni Ally na ron ang building ko ang kailangan na lang ay hanapin ang section ko.
wala namang masama magtanong diba?
napahinto ako sa paglalakad ng makakita na naman ako ng kumpulan ng mga estudyante at hindi na ako magtataka kung sino iyon edi sino pa ba edi si jaycob.
nagulat ako dahil napatingin ito sa pwesto ko akya napaiwas agad ako at nagsimula ng maglakad ng mapahinto ako dahil papunta ngayon sa pwesto ko yung lalaking nakasama ko ng isang gabi--sino pa ba.
ngayon alam ko ng mas maraming fans itong lalaki na toh teka?tama ba ang nasa isip ko? no ally mukhang nagkakamali ka lang na di siya yung tinutukoy ni naja kasabay ng pag-iling ko at nagsimula ng maglakad papunta sa building ng BS HRM.
"ahh hi?" napahinto ako ng may huamrang sa dinaraanan kong lalaki kaya ngumiti ako at kumaway.
"hello."
"dito ka?" sabay turo niya sa building at napatango.
"oo eh BS HRM yan diba?" napatango siya ng nakangiti kaya mas lumabas ang dimple niyang malalim.
"Yup teka new ka dito right?" tanong nito kaya napakamot ako sa batok at tumango.
"Oo bago lang."
"first?"
"Yup." nagpresenta itong samahan ako hanapin ang section ko kaya hinayaan ko na almang siya at nakapagtataka dahil may mga napapatingin sa amin--may mali ba sa mukha ko?
"here your room." sabay turo nito sa pinto ng third floor room.
"salamat." sabay yuko ko at pumasok na sa loob kasabay ng pagkaway ko dahil sa pagtulong niya.
pumasok na ako sa loob at may mga napapatingin sa pwesto ko ng biglang may magtanong ng nakaupo na ako sa bandang likuran-
"teka nakasabay mo ba si charles?" nanlalaking matang tanong niya.
"sino si charles?" nanliit ang mga mata niya.
"si Charle hello hindi mo ba siya kilala?" napailing ako.
"sorry bago lang ako dito." napabuka ang bibig niy at sabay lahad ng kamay.
"omygash sorry hindi ko alam ako nga pala si Ella Sandoval." tinanggap ko naman agad ito at ngumiti.
"ako naman si Allison pero pwede na ring Ally." napatango-tango siya.
"Maiba ulit kita ng tanong nakasabay mo ba ang isang Charles Gil?" napakamot ako sa batok.
"sino ba yung charles gil?"
"alangan yung nakasabay mo kanina omygee!may malalagay na ako sa news paper nito." sabay palakpak nito dahilan para magulat ako.
"teka." pigil ko dahil parang di maganda ang plano niyang iyon."anong gagawin mo?"
"isa akong writer sa news dito sa school na ito hindi lang ako makapaniwala na ang isa Charles na gwapong tahimik ay makikipag-usap sa isang tulad mo na baguhan swerte mo!" parang natiklop ang dila ko dahilan para magmakaawa ako sa kanya.
"pwedeng wag na lang please?" nakunot ang noo niya at umupo kaharap ko.
"bakit ayaw mo?malay mo baka mas lalong maraming maging kaibigan ka." napahinga ako ng maluwag at ngumiti.
"sorry Ella pero di kasi ako ganoon eh pwede wag na lang?ayaw ko ng mga atensyon ng iba." napatango naman siya at ngumiti.
"sure kung yan ang gusto but were friends na?" napatango ako at ngumiti.
"oo naman." pagkatapos ng kwentuhan naming dalawa ni Ella ay ang sakto naman ang pagdating ng prof namen.
"Sir may bago tayong kaklase!" sigaw ni ella dahilan para mapatingin ang lahat sa akin.
"Good to hear come to the front." tumayo na lamang ako at aprang tanga si ella dahil panay ang cheer sa akin.
"Hi sa inyong lahat ako nga pala si Allison Montez 19 yrs old sana maging close tayong lahat." sabay ngiti ko dahilan para magpalakpakan ang lahat ang iba naman ay naiilang ako dahil sa mga titig nila.
"salamat ms. Montez maari ka ng bumalik sa upuan mo." napatango na lamang ako at bumalik na sa upuan ko at nagsimula ng magturo si prof.
"take down notes all are we discussed for today." kinuha ko na ang notebook ko hanggang sa-
"teka notebook gamit mo?" napahinto ako dahilan para mapatingin sa kanilang lahat at halos lahat sila ay nakaloptap.
"oo mas sanay ako tsaka wala akong pambili eh." napatango na lamang si Ella at nagsimula na akong magsulat kahit pa iba sa kanila ganoon din naman yun diba? ang mahalaga may matututunan ka.
halos lahat ng mga subject na pinasukan ay ganoon ay ginawa ko hanggang sa maglunch na.
"sabay na tayo Ally."
"sige ba." niligpit ko na ang mga gamit ko at nagsimula na kaming maglakad palabas ni Ella sabay tawa nito dahilan para mapatingin ako."bakit ka natatawa?"
"kasi naman hindi ko inexpect na may isang katulad mo na makikipagkaibigan sa akin na maganda at mabait pa teka maiba ng tanong may boyfriend ka na ba?" nasamid ako sa tanon nito.
"a-anong klaseng tanong yan alangan wala."
"mamatay man?"
"Oo." ng makarating na kami sa canteen ay sumama na ako sa kanya bumili ng pagkain at as usual pinagtitinginan na naman ako, may mali ba sa mukha ko?
"a-ah Ella matanong lang may dumi ba sa mukha ko?" natawa bigla ito sa tanong ko kasabay ng pagtingin niya sa mga taong tumitingin sa akin.
"Hahaha wala sadya talagang kapansin-pansin lang ang itsura mo." nakunot ang noo ko sa sinabi niya.
"bakit ano naman ang kapansin-pansin sa itsura ko?" sabay liit ko ng mga mata.
"Di ka ba na orient na maganda ka?" napailing naman ako sa sinabi niya.
"tigilan mo ko sa kalokohan mo ella."
"Im telling the truth Ally ah." nagtawanan kaming pareho at nagpresenta na siyang kumuha ng pagkain at libre niya.
wala naman ako magagawa kasi di ko na raw siya mapipigilan dahil sa tuwa niya na may naging kaibigan na siya.
napatingin ako ng makarating na siya at kumain na kaming dalawa kasabay ng pag-uusap.
"Alam mo kaya nagustuhan kita Ally dahil diyan sa kasimplehan mo di tuald ng iba jan na halos pumutok na ang mukha sa make-up." nakunot ang noo ko sa sinabi niya.
"may problema ba?" tanong ko dito kasabay ng paglapit ng mukha nito sa mukha ko.
"mag-iingat ka dito kasi hindi mo alam sa likod ng mga inosenteng mukha may demonyong ugali ang nagtatago." sabay kain na muli nito.
para akong natulala at di maprocess ng utak ko ang mga sinabi niya.
kumain na lang ako para kalimutan ang mga sinabi niya at ng matapos na kami ay bumalik na kami sa loob ng classroom at puro mga lesson lang din ang ginawa namen hanggang sa mag-uwian na kaya lang didiretso pa ako ng library para huambol ng mga notes kaya nagtanong na rin ako kay Ella kung saan ang library at tinuro naman niya kaya di na ako mahihirapan pa.
"Id?" tanong ng bantay rito.
"Kuya pwedeng letter galing sa prof na lang?" tanong ko dito.
"ah bago ka lang ba dito?" napatango ako pinakita sa kanya ang letter galing aky prof kaya nakapasok na ako at kinuha ang mga libro na gagamitin ko sa pagkopya ng note hanggang sa makatanggap ako kay naja na nasa klase na siya kaya tinext ko na rin siyang sabay kaming umuwi dahil nasa library ako.
napahanga ako sa ganda ng library dito dahil ganito yung mga napapanood ko sa palabas na library at mawalan.
isa-isa ko ng hinahanap ang mga libro na gagamitin ko para sa pagkopya ng notes at di naman ako nahirapan dahil may mga nakasulat kung anong klaseng libro ang nakadisplay hanggang sa mapahinto ako ng may makita akong lalaki na nakahiga sa tiles na alpag nitong library.
teka pwede bang matulog dito sa library?
hindi ko makita ang mukha niya dahil natatakpan ito ng libro at di ko alam bakit lumapit ako at nilapit ang mukha sa mukha niyang may libro--napasinghap ako ng biglang matanggal ang libro nito sa mukha at ganoon na lang ang gulat sa mukha ng makita na naman siya.
A-anong gagawin ko nandito si Lion?
nanlaki ang mga mata ko ng unti-unti siyang dumilat kasabay pagtayo ko dahil sa gulat pero nagkamali ako ng tapak dahilan para bumagsak ako sa katawan nito.
ngayon ay nakapatong na ako sa mga katawan niya-
ngayon nakita ko na ng malapitan ang mukha niyang gwapo--sinabi ko bang gwapo? tatayo na sana ako ng bigla nitong ipalupot ang mga kamay sa beywang ko dahilan para ams diinan niya pa ang katawan ko sa katawan niya-
"A-anong ginagawa mo Lion?"
jusko wag naman sana dito please?huhuhu
To be continued...