Allison's POV Naramdaman ko na lang na sumakit ang ulo ko na parang binibiyak ito-- argh! ang sakit ng ulo ko. unti-unti akong napadilat ng maramdaman kong ang lambot ng hinihigaan ko-- teka hindi naman ito yung kama ko. Nakunot ang noo ko dahil sa napakalaking kwarto nito at para akong nasa mayamang bahay dahil sa antigo nitong mga design ng kwarto. sinubukan kong tumayo pero sumakit lang ang ulo ko dahilan para mapaupo ako sa kama. napatingin ako sa pinto ng bumukas ito at niluwa nito si Jaycob at may dalang tubig. "are you okay? masakit pa ba ang ulo mo?" tanong niya dahilan para mapatango ako. "Anong nangyari? bakit nandito ako sa inyo?" tanong ko sa kanya at lumapit naman ito at umupo sa katabi kong pwesto. "Nalasing ka kagabi at mukhang naparami ang na inom mo." seryosong sab

