Marami pang lugar na napuntahan si Wong Ming sa loob ng Hilagang parte ng Smew Valley. Masasabi niyang naging maganda naman ang nasabing paglalakbay niyang ito. Maraming mga Cultivation resources silang nakuha ngunit ang Ice Demon Prince Xing ang pinakuha at pinatrabaho niya sa mga bagay-bagay na ito. Alangan naman siya. Wala naman kasing mga cultivation resources na nakuha ng atensyon niya at tanging mga pambihirang herbs lamang ang pinakuha niya na makakatulong sa pang-araw-araw nilang pagcucultivate. Alam niyang dalawa silang Golden Realm Expert ang makikinabang nito. Iniisip pa lamang ni Wong Ming kung gaano kadami ang cultivation herbs na kinakailangan nilang mga Golden Realm Expert ay siguradong manghihinayang ang mga mababang lebel na mga cultivators. Iniisip niyang kailangan

