Wala siyang planong malaman pa dahil isang malakas na flying type magical beasts naman ang Fire Andean Bird ngunit kung ano man ang balak ni Little Devil rito ay labas na siya roon. Isa pa ay hindi naman mapaminsala ang Andean Bird kung hindi lamang ito isang Fire type magical beasts. Sadyang nakadepende kung anong klaseng attribute ang magiging resulta ng kinaroroonan ng itlog nito. Walang Attribute ang Andean bird kung kaya't natitiyak niyang mababago pa ang attribute nito dahil mukhang bago pa lamang panganak ang nasabing halimaw na ibong ito. "Aasahan ko yan Xing." Nakangiting sagot naman ni Wong Ming matapos sang-ayunan ni Prince Xing ang bagay na ito. Agad na sumugod si Wong Ming sa kinaroroonan ng Fire Andean Bird. Talaga nga namang pambihira ang ibong ito. Mabilis na inilabas
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


