MAX “You can stay in our house. Mas mabuti siguro kung—” “Bakit naman ako titira sa bahay ninyo?” tanong ko para putulin ang ano mang sasabihin ni Warren. Kahit anong mangyari, hinding-hindi ako titira sa bahay nila lalo na at wala akong dahilan para gawin iyon. Isa pa, hindi pa rin talaga kami maayos na dalawa. Kasama ko lang siya ngayon dahil wala akong choice. Naupo ako sa sofa habang nakatayo naman siya sa gitna ng sala at kusina ko. Inayos ko ang braso kong may sling bago ako sumandal sa kinauupuan ko. “For your security. Max, you got shot. Paano kung may mangyaring ulit na masama sa iyo? I can't watch you 24/7 kaya mas mabuting nasa bahay ka para kahit paano alam kong safe ka,” paliwanag nito. Siguro, kung hindi ko alam na nagsisinungaling siya sa akin. Baka pumayag ako sa gus

