MAX “Please, samahan mo na ako sa party,” muling saad ni Warren kaya napalingon ako sa kaniya. Nanahimik na kasi ako kasi bad mood siya pero bigla naman siyang nagsalita. Dalawang beses na akong tumanggi sa kaniya, pero heto na naman siya. “Alam mo, maghanap ka na lang ng ibang isasama. Sure naman ako na maraming sasama sa iyo, hindi mo pa sila kailangang bayaran,” suhestiyon ko sa kaniya. Sa dami ng babaeng nagkakagusto sa kaniya alam kong hindi siya mahihirapang maghanap ng isasama niya kaya hindi ko maintindihan kong bakit ako ang gusto niyang isama. “I want you. I mean, mas komportable ako kung ikaw ang kasama ko. Alam kong safe ako kapag ikaw ang kasama ko,” sagot nito habang nagmamaneho. Kani-kanina lang ay mukhang masama ang timpla niya tapos ngayon, kinukulit na naman niya a

