MAX'S POV
Libreng Kiss Tutorial by Hudyong Warren. Hindi ko alam kong swerte ba ako dahil nag-offer siya o pinagtitripan lang niya ako.
Ang tagal ko nang nakanguso kaya nagmulat ako. Nag-init ang ulo ko nang makita kong ang layo pa ng mukha niya. Akala ko ba start na? Nginisihan pa niya ako, kaya itinulak ko siya palayo pero ayaw naman niyang akong pakawalan.
“You look like a duck,” pang-aasar nito sa akin kaya mas nalukot ang mukha ko. Sabi ko na nga ba, walang kwenta ang lalaking ito. “A cute duck who obviously does not know how to kiss.”
“Hindi mo naman ako gaya na madumi na labi kasi ang dami nang ngusong kiniskisan,” bwesit na sagot ko sa kaniya.
Hindi ko nga alam kong bakit pinapatulan ko itong kiss tutorial na sinasabi niya. Pero puro pang-aasar lang naman ang ginagawa niya. Well, curious din kasi ako. Gusto ko rin malaman kung ano ang gagawin niya.
“Masarap ang mga labi ko. Baka kapag natikman mo ito, hindi ka na maghanap ng iba,” mayabang na sagot niya sa akin.
“Alam mo, pakawalan mo na ako. Puro ka hangin, buti hindi ka kinakabagan sa mga sinasabi mo,” inis na saad ko.
“Atat ka naman. Sabi ko na nga ba may pagnanasa ka rin sa akin.”
Hinayaan ko siya ng suntok. Grabe talaga ang hambog ng lalaking ito. Ako magnanasa sa kaniya? Hindi uy! Hindi ako mahilig sa lalaking gaya niya. Babaero saka pareho naman kami ng gusto.
“Joke lang. Galit ka agad, meron ka ba ngayon?”
“Gusto mong bibig mo ang paduguin ko ngayon?” hamon ko sa kaniya.
“Relax, okay? Ang init mo masyado. Kunsabagay, hot ka naman talaga.” Kinindatan pa ako nito kaya malakas ko siyang tinulak pero ayaw talaga niya akong pakawalan.
“Pakawalan mo ako!”
“No, I need to teach you first. You need to be an outstanding student, so let's go back to our main topic. The operation makes you the best kisser.”
Hindi ko alam kong seryoso ba siya sa sinabi niya lalo na at hindi naman siya nakangisi sa akin ngayon. Parang ang laswa talaga ng gagawin namin. Hindi ko alam kung bakit naisipan niya ito. Hindi pa nga ako nakakatikim ng laway ng iba. Ibig sabihin ba sa kaniya ko talaga unang matitikman iyon? Mabango naman hininga niya pero parang kinikilabutan pa rin ako.
“Paano ba malalaman na magaling na humalik?” curious na tanong ko sa kaniya.
May scale ba iyon na sinusunod?
“Kapag halik pa mo pa lang, baliw na sila,” sagot nito at muling hinawakan ang baba ko.
Mauuna yata akong mababaliw dahil pinatulan ko ang kabaliwan niya.
“I am going to kiss you now...” mahinang saad niya at kulang na lang ay magtama ang mga ilong naming dalawa.
Kailangan pa bang sabihin? Hindi ba pwedeng gawin na lang niya? Nakakahiya kasi kapag sinasabi pa.
Totoo na ba talaga ito? Baka jinojoke time na naman niya ako. Gusto kong ipalamon sa lupa ang sarili ko. Ang bilis ng t***k ng puso ko. Parang nagwawala iyon sa loob ng ribcage ko.
Kaya nang mas ilapit niya ang mukha niya sa akin ay napapikit ako at mariing pinagdikit ko ang mga labi ko pero muli akong nagmulat nang wala na naman akong maramdaman. n
Nakita ko ang nakakunot na mukha ni Warren habang nakatingin sa akin.
Ano na naman ba ang problema?
“Bakit stiff na stiff ka? You must be aggressive because you will be the man between the two of you, kaya dapat matuto ka," sermon nito sa akin.
Napasimangot ako sa sinabi niya. Hindi ko pa nga alam gagawin ko gusto agad niya aggressive ako. Paano ko gagawin iyon? Hindi pa nga ako marunong humalik. Para siyang teacher na hindi naman nag-lecture pero nagpapa-quiz na agad.
Ubos na pasensya ko sa kaniya. Ayaw ko na.
“Ang dami mong sinasabi. Tuturuan mo ba ako o hin—”
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla niyang sunggaban ang labi ko. Para bang natakot siyang umayaw ako bigla.
Nanlaki ang mga mata ko nang biglang niyang ipasok ang ang dila niya kaya itinulak ko siya palayo sa akin. Pero hinawakan pa niya ako sa batok at pinagdiinan ang halik. Ayaw pa niya akong pakawalan kaya kinagat ko ang dila niya.
“Tangina! Bakit mo ako kinagat?” reklamo nito at napadila dahil sa ginawa ko. Halatang nasaktan ito sa ginawa ko pero wala akong pakialam.
“Bakit ipinasok mo pati dila mo? Gago ka!” namumulang saad ko habang masama ang tingin sa kaniya. Pinahid ko ang labi ko ng likod ng palad ko.
Kiss lang pero bakit may dila? Kapag kiss, hindi ba labi lang?
“Kiss nga hindi ba? Anong akala mo? Dampi lang? Pangbata ang ganoon," saad nito. Sinimangutan pa ako. “Madaming klase ng halik at dapat alam mo lahat ng iyon."
Lalong nalukot ang mukha ko. Dapat sinabi agad niya para alam ko. Kung alam ko na ganoon ang gagawin niya hindi sana ako pumayag sa gusto niya. Iyong unang beses na hinalikan kasi niya ako, nakaw pa iyon. Dampi lang kaya akala ko ganoon lang ulit. Hindi ko naman alam na parang may hinahanap siya sa loob ng bibig ko. Mabango ang hininga niya at malambot ang labi niya pero hindi ko siya type. Hindi kami talo, alam naman niya iyon.
“Ayaw ko na. Saka hindi naman kiss ginawa mo. Parang gusto mong lamunanin ang labi ko," saad ko at mauupo na sanang muli pero hinila niya ang braso ko para pigilan ako.
“Ayaw mo na? Takot ka ba? Hindi ko alam na duwag pala ang isang Princess Hannah Mae, o baka natatakot ka na sa akin ka magkagusto," nakangising saad nito na para bang inaasar ako.
“Bakit naman ako magkakagusto sa iyo? Chicks ka ba?" tanong ko at malakas na hinila ang braso ko dahilan para bitiwan niya ang hawak sa akin. Mas inangasan ko ang tayo ko para ipakita sa kaniya na hindi ako papatol sa gaya niya.
“Hindi ka naman pala magkakagusto sa akin then, that's good. Let us continue," anito at muling hinawakan ang magkabilang pisngi ko na para bang walang mangyari.
Kulang na lang ay maduling ako sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Nakatungo pa siya dahil kahit matangkad ako ay mas mataas pa rin siya sa akin.
“Don't bite me again. Just follow what I am doing. You don't have a d**k, so you need to be a good kisser in order to pleasure a girl," walang filter ang bibig na saad nito.
Nahihiya ako sa mga sinasabi niya pero hindi ko pinahalata. Tibo ako sa paningin niya at ng lahat kaya dapat ko iyong panindigan.
Dapat maangas lang.
“Oo na," napipilitang saad ko.
Ang dami pa kasing sinasabi.
Ngumisi siya sa akin. Napalunok ako nang magtama ang aming mga mata. Hindi ko alam kong namamalikmata lang ba ako o talagang parang nakangiting tagumpay siya ngayon.
Muli akong napapikit nang maramdaman ko ang labi niya na lumapat sa mga labi ko. Banayad lang noong una, kinakagat-kagat niya ang ibabang labi ko na parang tinutukso niya ako kaya nanigas ako at ikinuyom ang mga kamao ko para pigilan ang sarili ko na mag-react. Nanlalambot ang mga tuhod ko.
Inalis niya ang mga kamay niya na nakahawak sa pisngi ko at gumapang iyon papunta sa mga kamay ko. Hinawakan niya ang mga nakakuyom kong mga kamay. Inalis niya sa pagkakuyom ang mga iyon at iginaya papunta sa balikat niya. Hinahayaan ko lang naman siya. Hindi na ako tumututol sa mga ginagawa niya.
Hindi ko alam kung bakit ako pumayag sa gusto niya. Hindi ko alam kung bakit kailangan kong magpaturo sa kaniyang humalik gayong wala naman akong balak na humalik kahit kanino. Mas lalong hindi ko alam kung bakit gusto niya akong turuan.
Napahawak na ako sa balikat niya nang maramdaman kong mas lumalim ang halik niya at parang kakapusin ako ng hininga. Nagiging agresibo na rin ang galaw ng labi niya. Ano ba kasi ang hinahanap niya sa loob ng bibig ko at ginagalugad ng dila niya. Ganito ba talaga ang halik? Parang uhaw na uhaw siya. Ang sabi niya sundan ko lang raw ang ginagawa niya pero hindi pa rin ako sanay gayong tila eksperto na siya sa ginagawa niyang paghalik sa akin.
Pero masarap pala. Parang nakakaadik. Nangigigil ako pero hindi ko naman siya pwedeng kagatin gaya ng sabi niya.
Nadadala na ako sa halikan namin pero muli akong napamulat nang maramdaman sinapo niya ang dibdib ko at minasahe iyon kaya walang pagdadalawang isip na tinuhod ko siya kaya napaatras siya sa akin.
Bigla akong bumalik sa reyalidad dahil sa ginawa niya. Malapit na akong matuto, e. Nagsisimula na akong sundan ang ginagawa niya pero wala sa usapan na hahawakan niya ang boobs ko.
Agad na itinakip ko ang mga braso ko sa dibdib ko. Pakiramdam ko ramdam ko pa rin ang mga kamay niya roon.
“f**k, Max!" daing nito habang hawak ang pagitan ng mga hita. Kulang na lang ay mamilipit ito sa sakit dahil sa ginawa ko.
“Sabi mo tuturuan mo lang akong humalik. Bakit pati dibdib ko ginawa mong stress balls na gago ka?" singhal ko sa kaniya. Nakahawak ito sa pagitan ng mga hita nito. Balak ko talagang basagin sana ang itlog na naroon nang mabugok na.
Kulang na nga lang kainin niya ang mga labi ko tapos pati ba naman dibdib ko, pangigigilan pa niyang herodes siya? As in dalawang dibdib ko ang hinawakan niya at nilakumos niya ng sabay kaya nagulat ako. Mabuti na lang at mabilis akong napag-react.
Ayaw ko na. Okay nang hindi ako marunong humalik kaysa manyakin niya.
“Malambot pala iyang —"
Hinayaan ko siya ng suntok at mabilis nitong tinakpan ang bibig bago pa matapos ang sasabihin.
Subukan lang niyang tapusin ang sinasabi niya. Paduduguin ko ang bibig niya.
“Isa kang manyakis! Bwesit ka!" nangigigil sa galit na saad ko sa kaniya pero parang wala lang dito.
Kung marunong lang ako mangarate, kinarate ko na siya.
“Ang gwapo ko namang para pagbitangan mo na ganiyan," nakangusong saad nito habang nakasalampak sa sahig.
“Gwapo? Saang banda?” tanong ko sa kaniya. Parang kailangan ko ng maraming Lozartan kapag siya ang kausap ko.
Hindi naman ako pikunin, mahaba din pasensya ko pero itong si Warren, feeling ko sinasagad niya lahat ng bait ko.
Nanlaki ang mga mata ko nang magsimula itong maghubad ng damit. Mabilis ko siyang nilapitan at pinigilan.
"Anong ginagawa mo?" nagtatakang tanong ko sa kaniya.
"Maghuhubad para makita mo kung saang banda ako gwapo," sagot nito at akmang hahawakan niya ang belt niya pero hinawakan ko ang kamay niya. Subukan lang niyang hubarin iyon, sa leeg niya ko iyon itatali nang matuluyan na siyang hudyo siya.
"Gwapo ka na, kaya tumigil ka na. Umalis na ka na rin kung ayaw mong ipakaladkad kita sa mga tropa ko," pagbabanta ko sa kaniya bago muling tumayo.
“Max, masakit pa rin, ” daing nito at humawak muli sa pagitan ng mga hita niya.
Baka nabasag na nga talaga.
“Mmawawala din sakit niya. Deserve mo naman kasi.”
“Masahehin mo kaya ng mawala agad?”
Sisipain ko sana siya ng mabilis itong makatayo at makalayo sa akin. Tumakbo ito sa pintuan.
“Princess Hannah Mae, see you again in our next session,” paalam pa nito bago mabilis na lumabas ng apartment ko.
Napabuga ako ng hangin nang tuluyan nang sumara ang pinto. Inilagay ko ang mga kamay ko sa magkabilang beywang ko.
Tumutaas ang blood pressure ko sa lalaking iyon. Lahat ng kagaguhan, alam niya. Parang gusto ko na agad siyang ipatumba nang manahimik na ako. Mula nang makilala ko siya, wala na siyang ginawa kundi ang kulitin ako.
Muli kong pinunasan ng likod ng kamay ko ang bibig ko. Parang magangapal iyon bigla kasi pinapak ni Warren. Marunong ba talaga siyang humalik? Bakit parang kain ginawa niya sa labi ko hindi kiss?
Siya ang first kiss ko tapos ngayon siya rin ang unang lumamon ng mga labi ko. Tapos first touch pa siya sa boobs ko. Last na niya lahat ng iyon. Ibabaon ko na siya ng buhay kapag may nangyari pa.
Hindi naman ako gaya ng ibang babae na nagkakagusto sa kaniya.
Lalaki ako. Mas gusto ko na Tomboy ang tingin sa akin ng lahat. Mas komportable ako pero si Warren may mga pagkakataon na nagiging uncomfortable ako dahil sa kaniya. Hindi ako pwedeng mawala sa katauhang pinili ko.
Hindi ko kailangan ng lifetime free kiss tutorial ni Warren. Back out na ako kasi nanghahawak siya ng boobs.