CHAPTER 4

1748 Words
“Mimi!" tawag sa kanya na ikinalingon niya sa may likod. Nakita niya ang nakangiti niyang Ate na patakbo na lumalakad papalapit sa kanya. May dala itong plastic. Hindi niya maaninag ang laman. Nagmamadali ito na maupo sa tabi niya. “Kumain ka na?" tanong nito, ikinailing niya. “Hindi pa, Ate. Busog pa ako. Inaantay ko si Jonathan. Ang sabi niya sabay raw kami kumain ngayon. Kaya lang wala pa siya eh." tugon niya kay Ate Sheila niya. “Baka busy? Alam mo naman yung boyfriend mo na yon. Mas madalas pa ang busy sa available." sagot ni Sheila. “Sinabi mo pa Ate. Ang lalaking yon. Napaka important pa sa kanya ang trabaho kesa, ang magkaroon siya ng kahit konti na time sa mga pag-labas-labas naming dalawa. Minsan, hindi na nga kami nakakapag date." may tampo na kwento niya sa Ate Sheila niya. “Hayaan mo na, bawi nalang kayo sa mga susunod." aniya ni Sheila “Bawi? Minsan naiisip ko nga na baka may ibang babae na siya. Kaya parang nanlalamig siya sa pakikipag kita sa akin. Kung magkita na lang kami sa isang linggo. Ayos pa ang dalawang beses at kung minsan isa o hindi na kami nakakapag kitang dalawa. Alam mo ba Ate Sheila. Minsan nahuli ko siyang may lipstick sa may kwelyo ng damit niya." kwento niya ulit na tila kinahinto ni Sheila. Hindi agad naka-tugon si Sheila mula sa naikwento ni Mimi sa kanya. Mula sa ilang pahayag ni Mimi na siyang ikina-walang kibo, ni Sheila na ikinapagtaka naman ni Mimi sa kanyang Ate Sheila. “Bakit? May problema ba Ate Sheila?" takang tanong niya, nagulat din sa naging reaksyon nito. “Nothing, Mimi. Kumain na lang tayo. May dala akong makakain. Binili ko sa canteen kangina. Mukhang masarap kaya agad ako bumili para mapatikim din sayo." aniya ni Sheila pang iiba sa usapan. Inilihis niya ang usapan upang maiwasan na magtanong pa si Mimi sa kanya. “May bago kasi sila cook. Ang dinig ko pa nga masarap raw magluto. Kumain na lang tayo at about naman sa iniisip mo sa boyfriend mo. Yaan mo lang, baka talagang busy lang siya sa kanyang trabaho. Alam mo naman, ang mga lalaking masisipag na gaya sa boyfriend mo. Mahirap talaga pursigihin na isantabi ang trabaho sa personal niyang buhay." Sheila sighed heavily mahahalata na may kakaiba sa kanya. Kaya ang tingin ni Mimi. Hindi maalis kay Sheila. “Bakit mo ako tinitingnan ng ganyan?" “Wala Ate, nagtataka lang ako kasi sayo." she breathes habang nagpatuloy. “Parang may kakaiba kasi sayo ngayon. May boyfriend ka na ba?" nang ikasamid ni Sheila. “A-ano ba 'ang pinag-tatanong mo na 'yan? Natural wala. May nakita ka ba?" tanong ni Sheila sa bunsong kapatid niya na ikinaling. “Wala di 'ba? Kasi nga ay wala pa sa isip ko iyan. Nakita mong mas priority ko pa rin ikaw at ang kumpanya." ani ni Sheila na kinabuga. Mahahalata din sa kanya ang kaba na ngayon bumabalot sa kanya. Kinabahan siya sa tanong na yon ni Mimi. Mas kinabahan pa siya ng titigan ni Mimi na parang ayaw pa siyang paniwalaan sa kanyang sinasabi. “Wag mo na nga ako titigan." sinuway niya si Mimi dahil sa mapanuri na tingin. “Mimi, bakit ba tila ayaw mo maniwala? Wala na akong panahon sa ganyan okay. Sa kung ikaw nga lang kulang na kulang ang oras ko para sayo. Sa tingin mo ba? May oras pa ba ako para sa mga ganyang bagay? Sayo pa nga lang, nahihirapan na ako sa tuwing susumpungin ka ng pagka childish mo. Magboyfriend pa ba? Wag na oi' baka mas lalo lang ako mamublema oras na isipin ko pa ang magka-boyfriend ako. Tama na sa akin ikaw. Ikaw lang sapat na sa akin." ngumiti si Sheila habang kanyang iniabot kay Mimi ang kanyang binili at dala nang lapitan niya si Mimi. “Okay, sabi mo eh!" aniya niya sagot kay Sheila. Binuksan niya ang food pack na inabot sa kanya ng kanyang Ate Sheila. Tiningnan niya ang laman ng box, at namangha siya, kinalawak pa nang kanyang mata. “Mukhang masarap." aniya nang maiangat ang kanyang mukha at ani na sabi n'ya sa kanyang Ate Sheila. Napalunok pa siya at nakaramdam pa siya, nang pangungulo ng kanyang tiyan. Bigla siyang nagutom nang mapansin at makita, nang naamoy niya ang laman ng dala na ibinigay sa kanya ng kanyang Ate Sheila. “Oo, mukha ng 'ang masarap. Kaya bumili agad ako nang matikman nating dalawa." ani nito na kinasubo na ni Mimi. Ku-mutsara na agad si Mimi at hindi na makapag-hintay na matikman ang pagkain na hawak niya. “Ang sarap Ate!" aniya na kinangiti niya ng malapat habang pinuri ang pagkaing kinakain. Cindy Ramirez, or better known as Mimi. Bunso siyang kapatid ni Sheila na mas matanda sa kanya ng ilang taon. Lumaki sila ng silang dalawa lang matapos na mamatay ang kanilang mga magulang at naiwan sa kanila ang kumpanya at ilang mga ari-arian na namana nila sa mga yumaong magulang. Mabait ang Ate Sheila niya. Ito na halos ang nagpalaki sa kanya matapos na maiwan sila ng maaga ng kanilang magulang. Dalawa lang naman sila. At dahil don ay lagi nakasuporta si Sheila sa kanya. Si Mimi, may pagka childish madalas at kung minsan sa tuwing aatakihin ito. Ang Ate Sheila niya agad na tutungo sa likod niya o aagapay sa kanya upang kalmahin siya at pigilan. Pero, unti-unti naman din, nabago ito ni Mimi. Dahil yon sa tulong ng kanyang Ate Sheila. Isama pa ang kanyang boyfriend. Si Jonathan. Nakilala n'ya si Jonathan sa kanilang kumpanya. Dito ito nagtatrabaho kasama nila. Niligawan nito si Mimi, habang unti-unti naman din nadevelop si Mimi kay Jonathan hanggang sa tuluyan na siyang mahulog. Nahulog ang puso niya kay Jonathan dahil sa pagiging mabait nito at sweet, maalaga at nakita niya na parang totoo naman, ang lahat ng ipinakita nito sa kanya. Inisip ni Mimi na mukhang Mahal talaga siya ni Jonathan na kinatuwa niya lalo na sa tuwing sila ay magkasama. Lagi kasi si Jonathan kumikilos na parang si Ate Sheila niya. Sa tuwing susumpungin siya. Ito ang unang maninita. Sisitahin agad siya nito at pagsasabihan sa mali niya at ipatutuwid nito ang mali niyang nagawa. Wala din naman siya magawa. Kundi ang sumunod kay Jonathan dahil sa nararamdaman niya para dito. Mahal niya si Jonathan at ayaw niya madismaya ito dahil lang sa ganung ugali niya. Kaya't hanggang maaari ay itinatama niya at binago niya ng tuluyan. Hindi nga lang niya maalis ng ganun lang kabilis. Ngunit sinusubukan naman n'ya paunti-unti na mabago until maalis n'ya sa kanyang sarili. Matanda si Sheila ng limang taon kay Mimi. Habang ang lalaking iniibig niya ay mas matanda ng higit sa kanya. Si Mimi is twenty one years old. Habang ang kanyang Ate Sheila ay twenty six years old at si Jonathan nasa thirty four years old. “Ang kalat mo naman, Mimi." sambit ng kanyang Ate nang mapansin ang mga laglag na pagkain sa kanyang binti. “Wag ka kasing magmadali. Hindi ka naman mauubusan eh! Nakita mo, andaming kalat oh!" habang pinupulot ang laglag na pagkain sa binti n'ya. Du-madaldal si Sheila at pinagsasabihan si Mimi. Natatawa si Mimi, dahil sa mga daldal at panunuway ni Sheila sa kanya. “Tumatawa ka pa? Hindi ka na bata ano. Anlaki mo na pero ang kalat mo pa ring kumain kaya. Sana naman maging ito baguhin mo na sa sarili mo. Sayang, tumatanda ka parang umuurong." biro nito, kinatawa na rin ni Sheila habang walang tigil siya sa pagsasalita. Pinagsasabihan niya lang naman si Mimi, dahil sa makalat nitong pagkain. Napabuntong hininga si Sheila habang nagpatuloy lang sa pagkain si Mimi. Sarap na sarap siya sa kinakain niya at enjoy din siya dahil sa may kasama pa itong mango juice na isa sa mga favorite niyang inumin. Sinimot niyang mabuti ang lagayan. Walang mababakas na kahit konti sa kanyang pinagkainan. Talaga sinimot niya at sinulit. Yung naramdaman niyang gutom nawala bigla nang matikman at malasahan ang masarap na pagkain na yon. Hindi talaga siya napigilan ni Sheila kangina nang sabihan siyang mag-dahan-dahan lang sa kanyang pagsubo at pagnguya. Hindi na siya nag-isip at nagpatumpik na maubos agad. Kasi nga ay masarap at naenjoy niya kainin ng isang mabilis lang. Napapikit pa siya habang ngumunguya at nilasahan ang natitira sa kanyang bibig. Dinilaan pa n'ya ang kanyang labi, at ang paligid ng kanyang bibig. “Sarap!" bulalas niya saka siya natawa. Maging si Sheila na nakatitig sa kanya. Natawa sa kanyang usal. “Kala ko ay busog ka?" aniya na pabiro siyang tinanong. Napalunok si Mimi. “Masarap kasi, Ate. Bukas ulit. Dalhan mo ako ahh!" aniya na pakiusap n'ya habang nirequest. “Kung magluto sila bukas. Sige, papareserved ako at upang maibigay sayo. Para kang mauubusan kangina habang kinakain mo. Hindi ka naman maagawan. Grabe ka kung sumubo. Sunod-sunod talaga?" natatawa nito na pahayag. “Ikaw nga rin ahh! Naubos mo din kaya. Napansin ko rin ang bilis mong sumubo. Hindi lang ako, ikaw din kaya." pahayag na tugon ni Mimi sa nakatawang si Sheila. Nagkatawanan silang dalawa habang hinigop nila ng sabay ng inumin ang natitirang mango juice sa plastic cup. Huling higop na nga nang kinasamid pa ni Mimi dahil sa pagtawa niya. Buti nalang at may dala din palang tubig itong si Sheila. Agad nitong pinihit ang takip ng bottle water upang mabuksan, at maibigay kay Mimi. Nagmamadali na siyang lumagok ng tubig, si Mimi. Habang hinimas niya ang nanikip niyang dibdib dahil sa hindi mawalang pagkakahirin. Mula sa biglang pagkasamid niya ng biglang magpatawa pa kasi ni Sheila habang nakatingin sa kanya. “Si Ate Sheila naman kasi!" paninisi, ni Mimi. “Bakit ako?" tanong ng kanyang Ate. “Ikaw may kasalanan kaya nasamid ako. Papatawa ka pa kasi. Ayun, tuloy bigla akong nasamid. Pero, thanks sa water ahh!" sabi niya, nang magpasalamat siya dahil sa tulong nito at sa tubig na ibinigay sa kanya. Talagang masarap yung lunch nila. Wala pa man din si Jonathan. Buti nalang at dumating si Ate Sheila niya at nagkaroon siya ng makakasama habang naghihintay kay Jonathan. Nagkaroon siya ng makakausap. At nakakain pa siya nang masarap na pagkain na ibinigay ni Sheila. Hindi siya nainip dahil sa makulit na mga pagtawa, nang kanyang Ate Sheila. Maging siya na hindi na niya na-iwasan na sumunod at makisabay sa mga tawa na ginagawa ni Sheila habang nasa tabi pa rin niya ito at nagkukwento.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD