Xonnia
"ANONG asal ba ang pinakita mo Xonnia?!Bakit gano’n ang ginawa mo?” Tila kulog na dagundong na tanong ng aking ama. Hindi ako nagpatinag pero sa totoo lang may malaking takot na akong nararamdaman sa kalooban ko.
“Alam mo ba ang ginawa mo? Pinahiya mo kaming lahat sa harapan ng pamilya ng mapapangasawa mo?” bulyawa muli ng aking ama na nagpapikit sa akin ng medyo may diin. Wala namang sumasabat pa sa aking ama. Kung sabagay lagi namang gano’n. Ako ang nag-iisang anak na babae pero parang ako ang blacksheep ng aming pamilya.
“ Alam ko ang mga tininginan na ‘yan! “Wag n’yo ng subukan.” Pagbabanta ng aking ama sa iba pa naming kasama, bago muli akong balingan.
“Ikaw! Ikaw Xonnia gamit-gamitin mo naman sana iyang kapirasong utak na meron ka. Pilit mong isaksak sa Kapuranggot na utak mo ang lahat ng magagandang pwedeng maibigay nilang tulong sa atin. Hindi mo ba alam na napakalaking oportunidad na ang lumalapit sa iyo. Ikaw lang naman ang napusuan ng kaisa-isang anak ng pamilya Solera. At alam mo naman siguro na isa sila sa pinakatanyag ngayon sa negosyo hindi lang dito sa ating lugar kundi maging sa ibang lugar—”
“Pero—!”
“Hindi pa ako tapos, ‘wag mong panindigan ang pagiging sutil mo. Tandaan mo, ito lang ang tulong na mai-bibigay mo sa pamilya natin Xonnia, kaya ipakatatak mo yan sa kokote mo. Kaya kung ako sa’yo makisama ka na lang para walang maging problema?! Nauunawaan mo ba? Hanggang ako ang nakasuot ng pantalon sa pamamahay na ito ako ang masusunod!” marahan ngunit banaag ang galit sa kanyang mga salita dahil puno ng diin ang pagkakasabi ng bawat salita ng aking ama na si Pablo habang matalim na nakatingin sa akin. Tila rin narendahan na ang kakayahan ko sa mga sinabi niya maging tingin sa akin.
Hindi man lang niya ako tinanong kung anong saloobin ko. Ang mahalaga lang sa kanya ay ang family gain namin lalo na ang pag-angat ng status ng aming angkan.
Paano ko naman ba pakikiharapan nga ang lalaking ‘yon at pamilya nito? Kung sa unang beses na pagkikita palang namin dito sa aming bahay ay pamamanhikan na pala ang sadya nila. Gano’n na ba ang tamang pag-aasawa? Biglaan na lang o bulagaan. Literal na lang talaga, para isang kontrata. Pero iba ang pananawa ko sa mga bagay. I have my own life to live. Gusto ko na kahit babae ako ay ako ang mag maniobra ng buhay ko.
Hindi naman ako kagaya ng ibang mga kababaihan o kadalagahan na madaling nasisilaw sa estado ng pamumuhay ng lalaki o kung ano man yaman na kaya nilang ialay o mai-aambag sa pamilya namin o sa akin mismo. Pwede naman kaming umusad o bumangon muli sa paraan ng pagsisikap namin ng sama-sama.
Alam ng nag-iisa kong kaibigan na si Carmen, na simple lang aking gusto sa buhay. Iyon bang matali ako sa lalaking mahal ko at mahal din ako ng tapat. Kahit sino man at ano man ang kalagayan niya sa buhay ay ayos lang naman sa akin. Kasi para sa akin may sagot at paraan naman para umangat kami ng magkasama sa buhay at yun ay magsikap, kasama ang taong mahal ka at mahal mo.
Hindi man praktikal pero naniniwala ako sa mahika ng tunay at wagas na pag-ibig, maraming hiwaga at kayang gawin ang taong nagmamahal sangalan ng wagas na pag-ibig. Nabalik ako sa aking sarili ng mamulagatan ko ang aking ama na tila ba asar na asar habang naghihintay ng aking suhestyon. Alam kasi nito na hindi ako basta sumusunod.
“Pero Papa! Hindi ko naman po nobyo si Edgar para basta-basta sila pumanhik ng pamamanhikan dito sa atin kaagad. Alam n’yo naman na handa ako tumulong sa pamamalakad ng ating lupain hindi ba?”Pagtutol na sabi ko ng makabawi na ako. Hindi umimik si papa pero dumilim agad ang aura niya. Gano’n pa man hindi ako nagpatinag.
“Papa, kaya ko naman talaga po! One chance—kahit ano nga palang sabihin ko walang mangyayari. Kasi buo na ang desisyon n’yo na ayaw n’yong maging bahagi ako ng ating negosyo." Muli kong sabi kay papa na may halong tampo. Mas naging malinaw ang pag-bakas ng galit sa kanyang mukha dahil sa naging huling mga binitawan ko na salita.
“Tapos ka na ba!” Hindi tanong ang paraan ng pagkakasambit. Warning ‘yun na manahimik na ako, pero hindi ako makakapayag na gano’n na lang.
"Papa naman! Ibang usapan na po talaga ang maikasal agad sa isang lalaki, lalo't hindi ko naman ito iniibig o tinatangi na lalaki. Papa ni sa hinagap man lang ay hindi ko nakahulihan ng loob ni minsan si Edgar. Papa parang isang pagpapatiwakal ang tawag po doon pag-ginawa ko ang magpakasal sa kanya. Ang kaligayahan ko na po habang buhay ang nakasalalay po dito sana'y maunawaan niyo po ako. " despiradang sabi ko habang nakamata silang lahat sa akin kaya nagpatuloy lang ako na ilabas bawat sentimyento ko.
"Buong buhay ko naman po Papa sumunod ako sa’yo sa lahat ng gusto n’yo para lang maging mabuting anak. Dahil sa totoo lang gusto kong matuwa din kayo sa akin gaya kina kuya. Kasi alam na alam ko naman na ako ang sinisisi n’yo sa lahat lalo kana papa. Tingin niyo ako ang nagdala ng malas dito sa pamilya na ito, pero Pa ayoko po talagang magpakasal ng bigla. Please papa huwag po ganito! Bakit sina kuya hindi mo naman po pinakialaman sa mga gusto nila? Bakit ako lang papa? Ah oo nga pala kasi malas kasi ako.! Ako ang dampo sa pamilya na malas!” Halos sunod sunod na pumatak na ang luha ko dahil pakiramdam ko wala akong kakampi sa bahay na ito. Mula pa naman noon wala naman talaga. Kung meron man hindi tuwirang lalantad dahil takot suwayin ang aming ama.
Si mama naman ay alam kong nauunawaan naman niya ako. Ngunit sabi ko nga sa bahay na ito batas ang bawat salita ni papa sa amin. Wala kaming boses ni Mama dahil nga babae kami, tanging sina kuya ang laging pinapaboran ni papa dahil nga lalaki sila. Komo nagsusuot ng pantalon maabilidad na at kaya ng pamahalaan ang lahat. Napaka makalumang paniniwala ng aming haligi ng tahanan.
Dahil nga ang mga anak daw kasi na lalaki ang mag aahon sa lahat ng pinaghirapan nila na unti-unting nalugmok na. Dahil din daw sa pagsilang ko sa maling pwesto o bilang ng anak, kaya marapat na maging sunod sunuran na lang ako. Kung tutuusin hindi ko kamalian ang mga iyon, wala naman akong ginusto na ganito ang kahihinatnan ng lahat.
Ang mga kapatid kong lalaki naman ay nahahati sa mga opinyon ukol sa ganito na usapin. Apat sila ang dalawang sinundan ko lamang ang aking kakampi. Yung tipong umaalo sa akin kapag talikod ni Papa, pero wala din naman silang magagawa. Samantalang sina kuya Uno at Dos ay kaugali ni Papa samantalang si kuya Tres at Quattro lang ang nakakaunawa sa akin at laging magiliw dahil ako daw ang prinsesa ng buhay nila.
Sabi-sabi noon na hindi naging maganda ang epekto sapamumuhay namin ng ipinanganak ako. May paniniwala si Papa o ang ilan na dapat sa anim na anak ay limang lalaki dapat at ika anim ang babae. Hindi ko gets ang paniniwala na iyun pero mula noon daw humina na ang kita ng lupain. Parang isa akong kamalasan o delubyo sa paningin ng aking ama. Salot nga daw ako. Bakit ba kasi sinilang ako sa maling pwesto o bakit ba dapat gano’n na lang kakitid ang utak nila?
“Ano? Sumasagot ka na Xonnia! Tandaan mo utang na loob mo sa akin kung bakit humihinga ka!" Malakas na bulyaw ng aking ama.
"Baka lang hindi mo alam Xonnia, na ikaw lang naman ang dahilan ng paghina at pagbagsak ng kabuhayan natin." buong tatag at duro ni papa sa akin, gigil na gigil na ito base sa itsura.
"Minalas na kami mag mula ng dumating ka sa buhay namin. Alam mo ba yun? At Itong pagpapakasal mo lang kay Edgar Solera ang maitutulong mo at magiging ambag mo sa pamilyang ito upang maibalik sa tamang sirkualsyon ang negosyo na nilupog ng pagsilang mo sa mundong ito. Ito lang ang gampanin mo dahil walang silbi ang anak na babae!?" Buong diin na pahayag ni Papa, napakasakit nito buong buhay ko wala akong naging magandang nagawa para sa kanila lalo na kay papa. Para akong buhay na patay, humihinga pero wala halaga.
"At sa tanong mo— ang mga kuya mo hindi ko sila pinakikialaman pa kasi alam nila ang direksyon ng buhay nila at tamang gawin. Pero ikaw walang pupuntahan ang ganyang estado mo, sisirain mo lang lalo ang lahat!” Halos manginig ako sa takot at sakit dahil kita ko sa bawat pag bitaw ng salita ng aking Papa na puno talaga siya ng direktang galit sa akin. Parang patalim na sumisira sa puso ko ng paulit-ulit ang mga salita niya, noon pa man ay sugatan na dahil din sa kanya. Ang aking ama ang unang kabiguan ng puso ko.
Mabilis naman lumapit ang aking ina at inalo ang aking ama, pero na sigawan lang ito at natabig din ni Papa. Agad naman nagbago ang timpla ng mukha ng mga kuya ko na sa tingin ko ay kung nasaktan ang mama ng tuluyan ay aalma ang mga ito kay papa lalo na si kuya Tres dahil kung ako ang prinsesa si mama naman ang reyna.
Doon ako na patayo, at ako na ang umalo kay papa upang matapos na ang gulo. Alam kong ‘di naman ako mananalo.
“Pa! Please… tama na po. ‘Wag naman po sanang ganyan, at wag nasa madadamay pa si mama. S-sige po pa-payag na ako na pakiharapan si Edgar, pero ‘wag naman po sanang madaliin ang kasal. Kilalanin ko po muna sana siya. Maging siya sa akin para bago ang lahat humantong kung saan o mauwi sa kasal ay may alam na kami sa isa't isa.” Pagsamo ko sa aking ama na medyo nagbago na ang ekspresyon ng mukha dahil sa sinabi ko.
“ Yan ang pinaka matalino na magagawa mo. Oh sige, sasabihin ko si Edgar at pamilya nito. Magpaka-ayos ka Xonnia. Pasalamat ka at baliw na baliw sa'yo ang lalaki na ‘yun. Dahil kung hindi at umurong na sila sa usapan namin sinisiguro ko sa’yo na may kalalagyan ka sa akin Xonnia, kilala mo naman ako.” Mababa na ang tono na salita nito, pero puno ng pagbabanta sa akin.
Sa bahay na ito kapag nagsasalita na si papa kahit sina kuya Uno at Dos bawal sumabat. Gano’n kami pinalaki nito na walang maaaring bumali ng salita niya. Dangan nga lang na mas mahigpit sa akin si Papa talaga.
Mabilis na nilisan ng aming ama ang aking kwarto. Sa unang pagkakataon nakita ko ang simpatcha sa mukha ng mga kuya ko lalo na ang panganay sa aming lahat . Parang isang gamit lang ako mula pagkabata pa lang, parang desusi at tanging iminamando ni Papa ang dapat at hindi dapat kong gawin.