CHAPTER 11- Waiting For Your Love

1672 Words
Laine HULING gabi na ng rehearsal namin then tomorrow pahinga na muna.Beauty rest daw, dahil kinabukasan uli fashion show na.Kinakabahan ako dahil yung swimsuit ang finale at ako ang magrarampa nun.Sana lang maganda ang kalabasan ng show at hindi ako pumalpak. " Okay isang ikot na lang then uwian na tayo." sabi ng bading na nagtuturo sa amin. After na ma-perfect na namin yung isang round,pinauwi na rin kami.Nagkatuwaan naman kaming magkakasama na mag- videoke muna tutal pahinga naman kami kinabukasan.Lahat naman sumama kaya lang itong mokong na kasama ko may problema nung makarating na kami sa isang ktv and videoke bar sa may Macapagal. Mas malaki kaysa karaniwan ang mga ktv rooms nila at mas sosyal dahil halos artista ang nagpupunta dito.May mga autograph pa ng mga artistang nanggaling na dun yung wall nila.Nung malaman ng mga staff na mga models kami, pinapapirma rin kami dun sa wall. Nay nakakilala pa nga sa aming dalawa ni Nhel dahil dun sa billboards namin sa Edsa.May mga ilan na nagpa-picture pa sa amin. " Baby paano yan hindi tayo pwedeng magtagal dito. Pauwi na si Lianna mula sa duty niya,wala yung dalang kotse kasi sabi ko susunduin ko siya.Ngayon ko na rin kasi siya dadalhin dun sa surprise kong bahay. Yung bahay na tiningnan natin the other day, binili ko na.Nakakahiya naman sa mga kasama natin kung aalis agad tayo. " hindi mapakaling bulong ni Anton. " Really Ton nabili mo na yon? Sige na puntahan mo na si Lianna, iwan mo na lang ako. Baka kanina pa naghihintay yun." kampanteng saad ko.Masaya rin ako na nabili niya na yung bahay na tiningnan namin the other day. Nagustuhan ko rin kasi at alam ko na magugustuhan din yon ni Lianna. " Paano ka baby dala ko ang kotse natin? " nag-aalalang tanong uli niya. " Don't worry about me pwede naman akong mag-taxi or maki-hitch sa mga yan pauwi sa atin.Sige na,nakakahiya sa mga ito kung pati ako aalis din.Ako na bahalang mag-reason kung bakit bigla kang aalis." pagtataboy ko sa kanya. " Are you sure okay lang sayo na hindi kita kasama? " " Sabi ng okay lang.Kulit mo talaga. Besides ang pangit namang tignan na kasama mo ang asawa mo sa moment ninyo ng secret wife mo.At syempre kapag natuwa si Lianna sa surprise mo, yayakapin ka nun tiyak tapos magki-kiss na kayo at yung kasunod non alam mo na. Hindi naman pwedeng nandun ako at pinanunuod kayo di ba? " nakangiting litanya ko. Hindi na niya napigilan ang mapahalakhak sa mga sinabi ko,na naging dahilan ng paglingon ng mga kasama namin sa amin.Nasa isang sulok kasi kami nakahiwalay sa kanila. " Alam mo baby, ang dami mong alam. Kabisado mo na talaga ang likaw ng bituka ko.Sige na nga aalis na ako. Tumabi ka na sa kanila dun at ibibilin na lang kita sa kanila." inalalayan niya akong tumayo at iginiya papunta sa pwesto ng mga kasama namin. " Guys mauuna na ako may inuutos lang sa akin si lolo.Iwan ko muna sa inyo ang misis ko.Pia pakihatid na lang siya sa amin tutal magkatabi lang naman tayo ng subdivision." paalam ni Anton sa kanila partikular kay Pia na katabi lang ng subdivision namin. " Sure Tony boy kami na ang bahala kay Laine. Ihahatid ko na lang siya sa inyo.Ingat ka." nakangiting sabi ni Pia. " Thanks Pia.Bye guys! " paalam ni Anton tapos lumapit sa akin at hinalikan ako sa noo." Bye baby, ingat ka at yung usapan natin ha? Don't go near him at baka makalimot ka na naman." pabulong lang na wika niya baka kasi may makarinig. " Sira nag-promise na ako sayo di ba? Sige na, ingat ka po mister." hinaplos ko pa siya sa mukha. " Okay I'll call you when I get there." turan niya at tumuloy ng umalis. Dumating na yung mga pagkain at drinks na inorder namin ng mga kasama ko. Kumuha lang ako ng juice at konting pagkain dahil ayokong uminom. Baka kasi tamaan ako, wala pa naman si Anton. Nagsimula ng kumain yung iba, yung iba naman kumakanta na.Busy ako sa pakikipag-kwentuhan kila Pia ng mapansin kong wala sa umpukan ng mga boys si Nhel. Kasama naman namin siya nung pumasok kami. Iginala ko ang tingin ko. Nakita ko naman siya dun sa pwesto nila Clark. Nakatalikod siya kay Clark. Umiinom din siya ng beer pero parang may sariling mundo na nakikinig lang ng music sa nakalagay na earphones sa tenga niya. Lihim ko siyang pinagmasdan.Mabilis ang t***k ng puso ko habang pinapasadahan ko ng tingin ang gwapo niyang mukha. Nang bigla siyang tumingin sa gawi namin at nahuli niya akong nakatingin sa kanya. Tumingin lang siya sa akin. Walang reaksyon.Asa pa ako.Simula nung may mangyari sa amin nung gabing yun, hindi na kami nagkausap.Medyo umiiwas ako kasi ayaw muna ni Anton na maulit yung nangyari hanggat hindi pa kami divorce.Alam niya kasi ang kahinaan ko.Si Nhel. Alanganin akong ngumiti sa kanya. Shemay naman kasi,nakakahiya. Nahuli niya akong nakatingin sa kanya. Nagyuko ako ng ulo dahil hindi ko pwedeng ipakita ang nag-iinit kong mukha dahil sa kahihiyan. Maya-maya pa,naramdaman ko na lang na may tumabi sa akin. Pamilyar ang amoy kaya alam ko na agad kung sino. Halos magtayuan ang mga balahibo ko sa katawan sa sobrang pagkakadikit niya sa akin.Tila hindi naman pansin ng mga kasama namin dahil busy sila sa pagkwe-kwentuhan. " Bakit naman pinabayaan ka ng asawa mo na maiwan dito? Pwede ka naman niyang isama kung tutuusin." bulong niya sa akin with sarcasm in his voice. Hayan,balik na naman yata kami sa hindi bati mode. " Alam mo Mr.Mercado,hindi naman lahat ng oras kailangan nakadikit ako sa kanya. May mga pagkakataon din naman na hindi kailangan ang presensya ko.I am not like those random wives na halos ikulong na ang asawa nila at inaalisan ng kalayaan makihalubilo sa iba." may pasaring na bulong ko sa kanya. " Yeah,I know you're not that kind at napaka-swerte ni Anton dahil hindi siya katulad ko na walang kalayaan sa buhay hanggang ngayon.Kung sana babalikan na ako nung taong minahal ko ng sobra, para hindi na miserable ang buhay ko ngayon. Naiinggit ako kay Anton.Sobra. Dahil yung taong gusto kong makasama sa buhay ko, nasa kanya." basag ang boses na bulong niyang muli pero mahihimigan din ang panghihinayang na nakapaloob sa bawat bigkas niya ng salita. Nakaramdam naman ako ng awa sa kanya dahil sa tinuran niya.Na-guilty rin ako dahil medyo naging rude ako kanina.Pero pinili kong huwag na lang magsalita baka kasi may masabi ako na hindi pa napapanahon para malaman niya.Makakagulo lang sa sitwasyon namin ngayon.Kailangan muna na maayos ang lahat. Tumingin ako sa kanya.I saw pain and sadness in his eyes. Natutukso na akong haplusin ang mukha niya pero buti na lang tinawag ako ni Pia. " Uy Laine, ikaw nga ang kumanta ng makarinig naman kami ng totoong kanta.Parang nilalagaring yero tong boses ni Steve eh ayaw pa paawat." asar ni Pia sa kasama namin na modelo. Nagtawanan ang lahat sa sinabi ni Pia.Pati si Steve na inaasar ay nakitawa na rin na kakamot-kamot pa sa ulo.Tila na-realized na tama ang sinabi ni Pia. Lumapit naman ako at tumingin sa songbook.Itinuro ko ang kakantahin ko at sila na ang nagpindot.Bumalik ako sa upuan namin at sumunod si Pia na inabot ang mike sa akin. Si Nhel naman ay bumalik na sa tabi ni Clark pero hindi inaalis ang tingin sa akin lalo na nung kumanta na ako. Saying goodbye is never an easy thing But you never said that you'll stay forever But if you must go, darling I'll set you free But I know in time we'll be together Tumingin akong muli sa gawi ni Nhel at napansin kong nakatitig siya sa akin. Nahalata kaya niya yung lyrics nung kanta ay siya ang pinatutungkulan ko? But I won't try to stop you now from leaving Coz in my heart I know.... Love will lead you back Someday I just know that Love will lead you back to my arms Where you belong, I'm sure, sure as stars are shining One day you will find me again, and it won't be long One of these days our love will lead you back. Oo Nhel, alam ko na isa sa mga araw na darating ay babalik ka rin sa akin.Dahil walang tamang lugar para sayo kundi dito lamang sa piling ko. Panay ang palakpak ng mga kasama namin ng matapos akong kumanta at 100 ang score.Hinihilingan pa nila ako ng isa pero tumanggi na ako.Naasiwa na kasi ako. Kung makatitig naman kasi si Nhel sa akin. Maya-maya lang napansin kong umalis siya sa tabi nila Clark at nagulat na lang ako ng tumabi siyang muli sa akin. Kinilabutan ako ng lumapit pa siyang lalo at bumulong. Ano ba naman itong katawan ko, konting lapit lang niya nagre-react agad? " Nice song Laine, bagay sa ating dalawa.Alam ko isang araw, ibabalik ka ng pag-ibig natin kung saan ka nararapat.Tara, ako na maghahatid sayo pauwi." untag niya sabay hila sa akin at hinarap si Pia. " Pia, inaantok na si Laine, ako na lang ang maghahatid sa kanya. Doon din naman ang way ko. Itatawag ko na lang kay Anton." nagulat ako sa sinabi niya. Hala ano na naman kayang pakulo ng damuhong ito? " Oh sure Nhel. Baka nga hanggang mamaya pa kami dito para makapag-pahinga na rin yang si Laine.Itawag mo kay Tony boy ha?" pagpayag agad ni Pia. " Sige ako na ang bahala." sagot niya at kumaway na rin kila Clark. Naku po! Paano ba ito? Lagot ako kay hubby nito. Baka kung saan pa niya ako dalhin. Naku napa-paranoid na yata ako. Assumera pa. OMG! I'm so dead.I kennat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD