Laine
SOBRANG saya namin ni Rina kahit na saglit lang kaming nakapag-usap at nagkumustahan pagkatapos ng picture taking sa kasal nila ni Pete.
Matapos kong ipakilala si Anton sa kanya ay nagkanya-kanya na kaming sakay ng aming mga dalang sasakyan at tumungo na sa reception ng kasal na medyo may kalayuan sa simbahan.
Sa resort na pag-aari ng ate nina Pete at Wil ang reception.Doon napili ng mga bagong kasal ang reception dahil may reunion din ang batch namin sa youth club pagdating ng gabi. Night swimming daw.Kaya lahat kami ay may dalang swimsuit at extra clothes.Matagal kasing nawala sa bansa si Pete kaya ito ang napagkasunduan nila ni Rina. Church wedding and reunion with friends.
NUNG nasa reception na,pinili kong tumabi kay Anton at pinagsilbihan ko siya sa pagkain niya.Sa malaking bahay na nasa resort nakahanda ang mga pagkain.Ang ganda ng pagkakaayos ng malaking bahay. Napakaraming pagbabago ang nakikita ko at masaya ako para dito. Ang laki ng improvement ng buong resort. Hindi katulad ng dati. Dinarayo na ito ngayon ng mga turista kumpara noon na puro taga Sto. Cristo lang ang nagpupunta.
Talagang pinaghandaan nila ng husto ang reception. Napakaraming pagkain at hindi ko napigilang matakam sa mga putaheng nakahain. Walang ganito sa Switzerland.
Pero maya-maya lang ay tinawag ako ni Pete dahil dun daw ako dapat sa presidential table at ng tingnan ko ay may pangalan nga ako dun.
Napatingin ako kay Anton.Nakangisi pa niya akong tinaboy papunta dun ng mapansin niyang katabi ng pangalan ko sa mesa si Nhel.
" It's your chance to be with your greatest love, baby. Go!" pabulong pang turan sa akin ng damuho.
Mapang-asar talaga.
Nagmartsa ako papunta sa presidential table na nag-ngingitngit. Naaasar ako kay Anton. Alam naman niyang malaki ang epekto sa akin ng pagkikita namin ni Nhel, nang-aasar pa.
Hindi ako makakain ng maayos dahil katabi ko si Nhel. Pero siya naman ay parang maganang-magana sa pagkain niya.
Nagtayuan ang mga balahibo ko ng ilapit niya ang bibig niya sa tenga ko at bumulong.
" Kumain ka ng maayos baka magutom ka.Sinabi ko naman sayo na ako lang to,hindi mo kailangang ma-tense." I noticed sarcasm in his voice.
" I am not tensed.Who told you that? " pabulong ko rin na saad.
" Oh come on Mrs.Mercado,I've known you since we were kids." may konting diin pa sa pagbigkas niya ng salitang Mrs.Mercado.
" Will you please stop addressing me that.I am no longer Mrs.Mercado since you married that bitch." inis kong bulong.
" Oh,really? We both know the truth Alyanna Maine, and it's not even legal to address you as Mrs.del Rio." mariin niyang sambit na tila galit ang tono at binuo pa ang pangalan ko.
Hindi na lang ako kumibo.Ayokong makipagtalo sa kanya.Tinuon ko na lang ang pansin ko sa pagkain na mabilis ko naman natapos.
Maya-maya pa ay narinig kong may tumawag sa kanya.
" Papa! " nakita ko ang batang lalaki na tumatakbo papunta sa pwesto niya,kasunod nito si Marga na bahagya pa akong inismiran ng makita niya ako.
" Naku papa,kanina ka pa hinahanap niyan,umiiyak nga ng magising." may tila pagmamayabang sa bawat salita niya.Hinagod pa niya ang braso ni Nhel na nasa may gilid ko.Ang bata naman ay nakakandong na kay Nhel.
So this is the kid.Malaki na pala siya.Biglang bumuhos sa alaala ko ang isang imahe more than 3 years ago pero naputol yon nung yayain na ako ni Anton. Sinasalo niya ako sa sitwasyon. Baka nga naman awayin uli ako ni Marga tulad noon.
" Baby are you done? Mom called, mag return call ka daw, something important, I guess.Halika dun tayo sa labas." untag ni Anton sa akin.Hinawakan niya ako sa kamay para alalayang tumayo.Pansin ko na tumingin si Nhel sa mga kamay namin ni Anton na magkahawak.
Inayos ko ang sarili ko at naghandang tumayo sa kinauupuan ko. Hindi nakatakas sa paningin ko ang muling pag-ismid ni Marga at ang galit na mukha ni Nhel ng akbayan ako ni Anton.
Hmp.paki ko sa nararamdaman mo! Kasama mo naman ang pamilya mo.
Bumangon naman ang kapilyahang matagal ng nananalaytay sa akin. Kumalas ako ng marahan sa pagkakahawak ni Anton bago ako tuluyang tumayo.Kaya yung pagtayo kong yon, sinadya kong idausdos ang palad ko sa likod ni Nhel na tila naman nakuryente sa marahang paghaplos ko.Ramdam na ramdam ng palad ko yung pagpitlag niya.
Dumukwang pa ako ng konti sa kanya at medyo nilambingan ko ng bahagya ang boses ko.
" I'll go ahead my ex lover boy.It was nice eating with you.See you later." sambit ko sabay mabilis na hinila si Anton palayo.
Napansin kong parehong natulala si Marga at Nhel sa ginawa ko.
Akala nyo ha! One point for me.
Pagdating namin sa labas ay agad kong hinagilap ang cellphone ko sa hawak kong pouch pero pinigilan ako ni Anton.
" What?" nakangisi lang siya sa akin at nakuha ko na agad ang ibig niyang sabihin.
" Sorry baby! Hayaan ko na lang sana kaya lang dumating yung mag-ina niya."
" Kailangan ko nga magpasalamat sayo,kinuha mo ako sa sitwasyong iyon." sagot ko.
" Alam ko naman na hindi ka kumportable kaya to the rescue na ako."
" Okay rin naman. Si mommy pa talaga ang naisip mong idahilan."
" No, she really called. Nagpapasundo sa atin pag-uwi,nasa mall daw siya.Sabi ko magpasundo na lang sa driver dahil bukas pa tayo uuwi. Night swimming di ba?"
" I see, akala ko alibi mo lang.Si mommy talaga malilimutin. Nagpaalam kaya ako kagabi sa kanya." natawa kami pareho sa sinabi ko then napalingon kami ng marinig namin na magsalita ang emcee sa mike tinatawag ang lahat para sa pag-uumpisa ng seremonyas kaya hinila na uli ako ni Anton pabalik sa loob ng bahay.
Tunog ng mga kinakalansing na baso ang inabutan namin. Isa sa mga kaugalian na ginagawa sa kasalan.Tapos may sumisigaw ng kiss,kiss.Natutuwa akong panoorin si Pete na parang nahihiya pa na halikan muli si Rina.
Nung hinihiwa nila Pete yung cake, nakatabi kaming dalawa ni Candy kay Rina at nasa likod naman namin si Wil. Napansin ko na nakatingin sa amin si Nhel.Siguro iniisip niya na siya na lang ang kulang at buo na ang barkada.May humaplos na konting awa sa puso ko ng maisip ko yon.
Natapos ang mga seremonyas.Ihahagis na ng mag-asawa ang bouquet at garter.Parang sinadya naman na kaming dalawa ni Nhel ang nakasalo.Umugong ang kantyawan lalo na dun sa mga nakakaalam ng nakaraan namin.Hindi sinasadyang napatingin ako kay Marga.Matalim ang tingin na ipinukol niya sa akin.
Bahala kang manigas sa selos dyan!
Panay naman ang asar ni Anton sa akin. Tumigil lang siya ng samaan ko ng tingin.
Tinawag na kami sa harap.Pinaupo ako para isuot ni Nhel sa binti ko yung garter.Gusto kong manginig nung hawakan niya ang paa ko at alisin ang sapatos ko.
Yung pamilyar na hawak niya at dampi sa balat ko ang nagpaguho sa buong sistema ko.Nag-aklas ang mga hormones ko, nagbubunyi. Parang bumalik yung pagkasabik ko sa mga hawak at haplos niya.Gusto kong batukan ang sarili ko ng simulan na niyang ilagay paakyat sa legs ko yung garter. Hindi ko kasi napigilan ang mapasinghap at mapapikit.Ang perv naman kasi sinadyang haplusin pa ng banayad yung legs ko! Wala pa naman akong suot na stockings.Buti na lang walang nakakita sa ginawa niya dahil natatakpan yung kamay niya ng gown na suot ko.
Malakas na sigawan ang nakapag-pamulat sa mga mata ko. Agad na hinanap ng mga mata ko si Anton. Nang magtagpo ang paningin namin ay agad niya akong nilapitan at inalalayang tumayo.
" Excuse me, can I take my wife out of here?" saad niya na kay Nhel nakatingin.
" Ohyour wife." tugon naman ni Nhel na may diin ang huling salitang binanggit.
" By all means." saka umalis sa harap namin at dinala naman ako ni Anton sa mesa nila Candy.
" What was that baby?" nangingiti niyang tanong ng makaupo na kami.
" What?" pagmamaang-maangan kong tanong din na parang walang nangyaring kakaiba kanina.
" I saw your reaction earlier." pabulong niyang turan.
" Tigilan mo ko hubby,wala lang yon!" pabulong ko rin na sambit.
" Hoy ano yan! Bakit nagbubulungan kayo dyan?" sita ni Candy.
" Ah wala insan. Itong hubby ko kasi nagseselos dun sa kanina."
" Kahit ako rin naman siguro ang nasa lugar niya,magseselos din ako. Ang lagkit ng tingin ng ex mo sayo kanina eh.Buti na lang umalis na si Marga, inuwi yung anak." sabi naman ni Wil.Ah kaya pala may pasimpleng himas pa ang damuho sa legs ko kanina, wala palang guardia civil.
" Huy, wag nga kayo! Parang wala si Anton sa harap natin ah."
" Sorry pare no offense meant." hinging paumanhin naman ni Wil kay Anton.
" Okay lang pare, hindi naman ako mababaw na tao." nakangiting tugon naman ni Anton. Ngiting nakaka-unawa.
NANG matapos ang kasiyahan, umuwi na yung ibang guests at ang naiwan na lang ay kaming mga miyembro ng youth club para sa reunion mamayang gabi.
May kwartong nakalaan sa aming magbabarkada sa loob ng malaking bahay, yung ibang miyembro ng youth club namin ay nasa mga cottages tumuloy.Pinagpahinga muna kami para mamaya ay relax na kami.
Naligo muna kami ni Anton pagkatapos ay sabay kaming nakatulog.
Hapon na nung magising kami.Niyayaya ko siyang lumabas pero tinatamad pa daw siya.He wants to cuddle kaya pinagbigyan ko na.
Maya-maya narinig ko ang pagtawag ni Candy.
" Laine tinatawag tayo sa labas, mag-iihaw daw tayo." nagkatinginan kami ni Anton pero pareho kaming tinatamad na bumangon.Isa pa nakayakap ng husto sa akin ang damulag at nakadantay pa ang mga paa niya sa akin kaya hindi ako makakilos.
" Insan sige susunod na kami."
" May ginagawa ba kayong di kanais-nais?" sigaw niya sa labas ng pinto.
" Wala naman insan." pagkasabi ko nun ay biglang bumukas ang pinto at pumasok ang dalawang kaibigan ko.Si Candy at Rina.
" Ayy, ang sweet niyo namang dalawa dyan!" tili ni Candy pagkakita niya sa ayos namin ni Anton.Naasiwa ako pero ang katabi ko ay hindi man lang umiba ng posisyon.Nakakahiya dahil hindi pa sinara ni Candy ang pinto at malaki pa ang pagkakaawang.
Tsk! Pahamak talaga tong si Candy. Parang sirena pa ng ambulansiya kung makatili, abot hanggang kabilang baranggay.
Siya namang pagdating ni Wil dahil sa gulat marahil sa pagtili ni Candy.
Pero hindi siya nag-iisa, kasama niya si Pete at Nhel.
" Anong nangyayari labs, bakit ka tumitili?" humahangos na tanong ni Wil kay Candy.
OMG! Sana kainin na lang ako ng kama.
Dahil yung tingin ni Nhel sa aming dalawa ni Anton ay para kaming handang bugahan ng apoy.
Nagseselos pa rin ba siya?