Nhel
Wala na si Laine sa tabi ko ng magising ako kinabukasan.Nakaramdam agad ako ng pangungulila sa kanya.Last night was the best night for me after five long years of longing for her.
Sa loob ng limang taon nanangan ako sa pangako niya.Naghintay ako at umasa.Pero ng mabalitaan ko na nag-asawa na siya, gusto kong magwala at puntahan kung nasaan man siya pero bigo ako.Kaya tinanggap ko na lang ang buhay na kasama si Marga.
Hindi naging maganda ang buhay ko sa piling ni Marga.Itinali niya ako sa mundong siya ang nagpapaikot.Hindi ako pwedeng makisalamuha sa mga kaibigan ko.Hindi pwedeng umalis ng bahay ng hindi siya kasama kahit pa sa bahay ng mga magulang ko ang punta ko.Palagi siyang nagseselos ng wala sa lugar.Pati yung mga babaeng fans ko sa pagiging model ko, inaaway niya.May matingnan lang akong babae, nagwawala na pag-uwi ng bahay at aawayin na ako.Gusto ko ng sumuko sa sitwasyon ko pero madalas niya akong tinatakot gamit ang sakit niya.Ginagamit niya ang sakit niya para mahawakan ako sa leeg.
Hanggang sa magkaroon kami ng anak.
Si Mark.
Alam niyang mahal na mahal ko ang bata kaya ito naman ang ginagamit niya laban sa akin, ilalayo daw niya ito kapag iniwan ko siya.
Kaya naman ngayong nagkita na kami ni Laine hindi ko alam kung paano ang gagawin ko para makasama ko na siya.Naiisip ko rin na parang malabo na dahil nakikita ng dalawang mata ko kung gaano kaganda ang turingan nila ni Anton.Nagseselos ako kapag nakikita ko silang sweet.Hindi ko gusto na may ibang humahawak kay Laine kahit pa asawa niya ito.Hindi naman sila legal dito.Kami ang legal. Kahit naman ang kasal ko kay Marga ay invalid dahil si Laine ang una at legal na asawa ko.Hindi nga lang alam ni Marga at ng pamilya niya ang tungkol dun.
Kagabi nagulat ako ng lapitan ako ni Anton, pero dahil nagseselos ako I punched him without asking what he wants from me.Hanggang sa gumanti na rin siya at nagpagulong-gulong na kami sa buhanginan buti na lang dumating si Pete at naawat kami.
Matapos ang katakot-takot na sermon mula kay Pete, pinapunta na niya ako sa room ko para maligo at magbihis.
Saktong katatapos ko lang ng may kumatok sa pinto.Ang lakas ng t***k ng puso ko ng si Laine ang mapagbuksan ko at may dalang medicine kit.
Sinungitan ko siya at ipinakita ang galit ko.Defense mechanism ko yun dahil sa totoo lang sa tuwing makikita ko siya, nanlalambot ako. Gusto ko siyang ikulong sa mga bisig ko at ipadama ang pangungulila ko sa kanya.At the same time nasasaktan ako na makita siya na masaya sa piling ni Anton.
Kahit nagsusungit ako ay itinuloy pa rin niya ang paggamot sa mga sugat ko.Masaya ako na pinagsisilbihan niya ako kahit na ang puso ko ay nasasaktan dahil sa kaalamang ginawa lang niya yun dahil sa utos ni Anton.
Sinumbatan ko siya dahil sa hindi niya pagtupad sa pangako niya pero ako ang nasorpresa sa sagot niya.
All this time akala ko siya ang hindi tumupad. Aaminin ko na nagkimkim ako ng hinanakit sa kanya sa loob ng limang taon sa kaalamang hindi niya ako binalikan.Nagkamali ako.Ako pala ang unang sumira sa pangako at nasaktan ko siya ng husto.
Nabaghan ako ng makita kong tumulo ang mga luha niya, bagay na ayaw kong nakikita sa kanya noon pa man.Mas doble ang nararamdaman kong sakit kapag ganon.Lumapit ako sa kanya at kinulong siya ng mahigpit na yakap at hindi ko na rin napigilan ang pag-alpas ng mga luha ko sa labis na emosyon at pagsisisi sa nagawa ko sa kanya.
Imbes na magpaliwanag ako, ginawaran ko na lamang siya ng halik sa labi na siya namang gusto kong gawin simula pa ng makita ko uli siya.Nung una ay nagulat siya.Pero mas nagulat ako ng tumugon siya ng may pananabik din.At hayun nga, nauwi na kami sa pagpapadama ng kasabikan sa isat-isa.
Hindi ko alam kung bakit pumayag siya na may mangyari sa amin.Knowing Laine, hindi niya magagawa yun kung alam niyang masasaktan niya si Anton.Pero sa mga sandaling yun, hindi na ako nag-isip kung tama pa ba ang ginagawa namin. Basta ang alam ko lang nasasabik ako sa kanya at gusto kong ipadama sa kanya lahat ng pananabik ko at bahala na kung ano ang kahihinatnan nito pagkatapos.
Hindi kami nag-uusap, sapat na ang mga kilos namin para ipadama ang init na nararamdaman namin sa isat-isa.Bahala na bukas.And after three rounds we both drifted to sleep.The best sleep I had, with her on my side.
" Grabe naman yang Montreal, bakit kailangan kayong dalawa pa ng ex mo yang nandyan sa billboard na iyan? At ang pose niya ha? Daig pa ang bold star." naputol ang pag-iisip ko ng marinig ko ang boses ni Marga na nasa tabi ko.Napatingin ako sa sinasabi niya.
Billboard ito ni Laine suot ang bagong produkto na ila-launch ng Montreal.
Ngayon ko lang ito nakita dahil gabi na nung umuwi kami ng Sto.Cristo nung isang araw pa bago ang kasal nina Pete at Rina.Sa kabilang side ay yung billboard ko naman.Kaya naman pala naggagalaiti itong katabi ko.Billboard lang yan pinagseselosan pa.Ganyan siya katindi.
" Pwede ba Marga nananahimik yung tao.At isa pa,modelo siya at trabaho niyang mag-pose ng ganoon.Hindi naman masagwa and it was done in good taste.I should have known dahil modelo din ako. At pwede ba, huwag mo akong umpisahan, pagod ako! " turan ko at hindi na siya pinansin.
Pagod talaga ako kagabi but it's worth it.
" Okay fine! Siguradong masaya ka na ngayon dahil bumalik na siya.I'm warning you Nielsen,kung ano man ang binabalak mo hindi ka magtatagumpay. Sisiguraduhin kong hindi mo na makikita si Mark pag lumapit ka sa Laine na yun." nanggagalaiting turan niya.
Kung alam niya lang, malayo ang narating namin kagabi ni Laine. Baka bumuga na siya ng apoy kapag nalaman niya!
Naiinis ko siyang hinarap." Gawin mo ang gusto mong gawin,pagod na pagod na ako sayo! Sawang-sawa na akong maging preso mo Marga. Kaya bahala ka kung ano ang gusto mong gawin wala na akong pakialam dun." natahimik siya sa mga sinabi ko. Hindi niya akalain na masasabi ko yon.Nakita ko sa mga mata niya ang takot pero hindi niya yun pinapahalata.
" Ah ganon tignan lang natin." at tinalikuran na niya ako at humarap sa may bintana ng kotse.
Hanggang sa makarating kami sa bahay nila ay hindi kami nag-uusap ni Marga.Dito kami nakatira dahil nag-iisa lang siyang anak.Araw-araw kaming umuuwi dito pagkagaling ng trabaho.
Tuwang-tuwa naman si Mark ng makita ako.Mas malapit ito sa akin kaysa sa sarili niyang ina.Hindi ko maintindihan si Marga kung bakit ganoon siya sa bata at maging sa akin ay ibang klase ang pagpapakita niya ng pagmamahal. Sakim.Madamot.Makasarili. Yun si Marga. Malayong-malayo kay—
Oh there you go again Nielsen!
Matapos maghapunan ay nilinis ko si Mark at pinatulog ko na.Binasahan ko muna ng paborito niyang fairy tale.Nang masiguro kong tulog na siya ay lumipat na ako sa room namin ni Marga.Tulog na si Marga ng pumasok ako.
Mabuti naman!
Humiga na ako sa tabi niya at tinalikuran siya.
I heaved a sigh.Inalala ko na naman yung nangyari sa amin ni Laine kagabi.Para akong nag-iinit kapag sumasagi sa isip ko ang sexy at makinis niyang katawan. Ang laki na ng pinagbago ng hubog ng katawan niya. Na-developed na ng husto.Her waist is more smaller but her hip got wider.And her round breast says everything about how she aged so well.
And the way she responded to our love making last night, it's kinda different. Ang bilis niya akong nadala sa ikapitong langit.
At yung billboards niya, although it was done in good taste,hindi ko maiwasang hindi tablan.
God, ang pervert ko na yata.
Naisip ko, talagang malayo na ang narating niya. Iba na siya sa dating Laine na simple at naive.
The girl I fell in love with years ago turned into a woman now. A gorgeous and strong woman to be exact.
Binago na siya marahil ng mga masasakit na pinagdaanan niya katulad ko.Naging unfair sa aming dalawa ang tadhana. Pero hanggang ngayon,siya pa rin ang naririto sa puso ko at yon ang hindi kailanman mababago.
And I proved it to myself last night.