WILLIAM Hindi ko mapigilang hindi matawa sa tinuran ni Vlad kanina. He always sounded like Mom, kahit na noon pa man. Masaya pa rin naman ako kahit papaano dahil alam kong nag-aalala rin siya para sa akin. Alam ko rin na marami ng nagbago as years goes by. Habang tumatagal kasi ang paglagi ng tao sa mundo ay unti-unti nitong matutunan kung ano talaga ang kahulugan ng buhay. Na ang buhay ay puro kamiserablehan lamang kapag mahina ka. There is no good money or bad money . . . it is just a money. At pera ang mahalaga sa mundong ito dahil iyon naman talaga ang reyalidad. Pang huling tao na si Mr. Sicario sa listahan na inatas sa akin ng aking ama kaya nakakatuwa rin na sa wakas ay kahit papaano ay makakapagpahinga na rin ako. Malayo sa dugo at malayo sa kaniya—kay Victoria. Naniniwala na

