"ISLAND of DESIRE" By : "Ms. Alejos" MASAYANG hapunan ang pinagharap-harapan nang mag-anak na Briones, napakabibo naman kase talaga nang kanilang apo, nakakatanggal nang lahat nang problema may kasama pa palaging paglalambing.. Nang magpaalam na ang mag-inang Kaycee at JL nalungkot nanaman ang mag-asawa madalang na kaseng maglibot ang mga eto, nagiging abala si Kaycee sa trabaho. "Anak tutal nasa trabaho ka naman bakit di mo nalang iwanan sa amin kapag pumapasok ka si JL kasama nang yaya nya.. Ang tahimik kase nang bahay parang nakakainip.." wika naman nang kanyang Papa.. "Sige ho Pa, susubukan ko.." tugon naman ni Kaycee.. "Anak kung may problema ka, wag kang magdadalawang isip na magsabi sa'kin ha.." wika naman nang kanya Papa.. "Salamat Pa.." tugon ni Kayce

