Lara Maaga pa lang ay binabagtas na namin ang daan papunta sa OB ko, ngayon kasi ang scheduled checkup ko at parang bulate naman itong si Dean na hindi mapakali. Sinabi ko na sa kanyang tanghali pa ang checkup pero hindi ata tumatanggap ng anumang paliwanag ang lalaking ito. Hindi ko nga rin alam kung saan ba sa salita ko kagabi ang hindi niya maintindihan at nandito pa rin siya. "After your checkup we will go to the mall to shop for our baby's clothes." Tinignan ko lang siya saglit at pagka kuwan ay humarap na namang muli sa bintana. Hinayaan ko na lang siya sa kung anuman ang plano niyang gawin tutal, kahit naman yata ibala ko siya sa kanyon papayag siya eh. "I'm excited," nasalubong agad ng paningin ko ang kanyang mga mata ng mapalingon akong muli, nagpakawala din siya

