Lara Five months after... "AHH!! SARAP!" Nakaramdam ako ng kaunting kaginhawahan ng magawa kong maitaas yung mga paa ko sa stool at pagkatapos naman ay sumandal sa likod ni Kuya Lao. Habang tumatagal nababawasan na ang comfort ko, buti na lang at andiyan si Kuya Lauro sa tabi ko. Natapos na namin yung last batch ng delivery ng mga bulaklak at konting push na lang mabubuksan ko na itong Little Pixie flower shop ko. "Sinabi na nga kasing huwag ka ng tumulong diba? Ba't ba kasi ang tigas ng ulo mo?" masungit niyang sabi sa akin. Hindi ko na lang siya pinansin dahil ninanamnam ko pa yung masarap na feeling na dulot ng pagkakapahinga ng likod at mga binti ko. Narinig ko ang pag tikhim niya, "Bakit ba kasi dito mo pa napiling mag tayo ng sarili mong shop sa La Union? Eh,

