Chapter 9

2433 Words

“O, JESSA, bakit?” gulat na tanong ni Patrice nang sumungaw ang katulong sa pinto ng banyo na iniwan niyang nakaawang.  Kasalukuyan siyang nagsesepilyo habang si Jessa naman ay naglilinis ng silid niya. Hindi ito sumagot. Sa halip ay dali-dali itong lumapit sa kanya at inalalayan siya nitong makalabas ng banyo. Medyo masakit pa rin kasi ang paa niya. “Teka, hindi pa ako tapos magtoothbrush.” Ibinaba niya ang sepilyo at mabilisang nagmumog. “Mamaya mo na ituloy, Ate. Baka hindi mo na maabutan ang Showbuzz. Pasensiya ka na, ha. Binuksan ko ang TV mo nang hindi nagpapaalam sa `yo. Kasi sinusubaybayan ko `yan, eh.” “Walang problema. Teka, ano ba `yong Showbuzz?” nagtatakang tanong niya. “Isang sikat na showbiz talk show sa MBN.” Maingat na iniupo siya nito sa kama. “Pagkatapos ng commercia

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD